SIXTEEN

49.4K 1.4K 257
                                    

CHAPTER SIXTEEN
______________________________________

Isang kaso ulit ang kinuha namin kinabukasan. Sa mga sumunod na araw ay mas priority ang mga may kaunting nakuha na cases at pagbandang Friday ay nag quiz kami saka nagpasa ng mga requirements.

Hindi ko tinanong si Azriel tungkol doon sa nakita ko. Sino ba naman ako upang magtanong? Pati si Terrell ay di ko na inusisa, parang wala siyang alam dahil hindi naman niya nakita. Pero kung sino man yung kausap niya, I should not care. Wala naman akong dapat panghimasukan. It's his life after all.

"AJ, sino pala yung kausap mong girl nung Monday?" usisa ni Camila. Kakatapos lang naming mag quiz. Inaayos ko ang aking mga gamit sa bag habang ang iba'y nakatanga lamang. Lumabas si Sir Alivio upang kausapin ang kakilalang nurse.

"Kausap? Sino?" pagtataka ni Terrell na natigil sa pagsusulat.

"Friend lang." kaswal na sagot ni Azriel.

Ewan ko kung ano ang sumanib sa'kin at sinadya kong bagalan ang aking kilos. Pinilit kong matuon ang atensyon sa ginagawa ngunit malakas ang hatak sakin ng kanilang usapan. Nauuhaw ako sa mga sagot ni Azriel.

"Friend o girlfriend?" panunudyo ni Camila.

"Hindi yan, hindi naman sila sweet." sumabat ang isa sa mga kagrupo kong kabarkada ni Camila.

"Just a friend. Highschool."

Kumabog ang puso ko sa sinagot niya. Parang maginhawang pagkabog. A relieving beat I could say.

"Ganoong klase ng babae ba ang type mo? Maputi at mahaba ang buhok?" si Camila muli ang nagtanong. Naghagikhikan silang magkakaibigan. Inasar sila ni Archer.

Napatalon ako nang may bumagsak na purple binder folder sa'king paanan. Nilingon ko si Lian nang pinulot niya ito. Nagtaka ako sa nakalukot niyang mukha. Anong problema ng kaibigan ko?

"Okay lang din kapag maikli ang buhok." rinig kong sabi ni Azriel.

Natahimik ang buong students lounge. Parang huminto ang lahat ng tao, ang mundo kung baga.

Nilingon ako ni Lian na dahan dahang ngumiti ng nakakaloko. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya't pinagpatuloy ko ang pagsiksik ng aking scrubsuit sa loob ng bag. Sa matinding pagkabog ng puso ko ay halos makalimutan ko na kung paano isara ang zipper ng bag ko.

Ito lang ang ingay na naghari ngayon maliban sa mga dumadaang tao sa labas. Kahit hindi ko nakikita ay ramdam ko ang mga mata nilang inaapoy ako ng tingin.

"Hey." bahagya akong tinulak ni Azriel sa balikat.

"Huh?" naiilang kong reaksyon, hindi ako makatingin sa kanya lalo na't may ideya ako kung ano ang nasa isip ng mga kasamahan kong nakatingin samin ni Azriel.

Umupo siya sa tabi ko "Lunch tayo?"

Sa sobrang tindi ng katahimikan, kahit sa pinakamahinang boses niya ay rinig na rinig nila ang kanyang sinabi. Pagkabaling ko sa kanilang lahat ay mabilis at sabay silang nagsi-iwas ng tingin at nagpanggap na abala.

Tumikhim si Terrell at nagkamot ng batok. Biglang nag-hum ng kanta si Lian na biglang pinag-interesan ang kanyang ballpen.

Binalikan ko si Azriel. "Tapos na ako." mahina kong sabi.

"Hindi ka naman kumain." rinig kong bulong ni Lian. Mariin akong napapikit. Kailangan talaga lakasan ang pagbulong? Bulong nga di ba? Mahina ang bulong!

"Samahan mo ako."

Nagtataka kong tiningala si Azriel. Bakit kailangan pa niyang magpasama? At sa akin pa? Nandyan naman si Terrell. O di kaya'y si Archer.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon