NINETEEN

45.8K 1.2K 196
                                    

CHAPTER NINETEEN
______________________________________

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay. Parang nilipad ko lang ang pag-uwi galing school.Tulala lang ako buong magdamag simula nung pag-uusap namin ni Azriel kanina. Ni wala akong ganang kumain hindi dahil sa lungkot at naweweirduhan ako sa ganoong pakiramdam. At hanggang ngayon para parin akong nakalutang.

Tinawag ako ni manang Terry upang maghapunan ngunit mas pinili kong manatili sa sarili kong mundo't pagmasdan ang kisame habang inalala ang kanina.

Ano nalang ang mangyayari bukas? Babalik na naman sa ilangan? Well I admit I'm attracted to him in some ways pero wala akong aaminin sa kanya o sa kahit kanino. I wanted them to believe that I remain loyal to Riley so as to make myself believe, too.

Sa patuloy kong pagkumbinse sa aking sarili ay maiiwasan kong laliman ang pagkagusto kay Azriel. A deep attraction towards him will ruin my promise. I don't want to disappoint Riley let alone hurt him. The first one who falls out of love will surely wreck the other one who has held on. I choose neither.

Tamad akong bumangon at nag bihis bago bumaba sa sala. Sinamahan ko nalang si manang na kumakain dahil nakakalungkot kumain mag-isa. Tinanong ko siya tungkol kina mama. Nasa funeral home silang tatlo para sa lamay ni ate Mauryn.

"Hindi po ba sila umuwi? Si kuya?" tanong ko. Kumuha ako ng tinidor at tinusok ang ulam na adobong manok.

"Si Ansel lang ang hindi umuwi. Dinalhan nalang ng mama mo ng damit." ani ni manang.

"Ano pong update sa nakabangga ng kotse ni ate Mauryn?"

Tumayo si manang at nagpunta sa sink, inipon at hinugasan ang mga pinagkainan. "Yun nga ang mas kinalungkot ng kuya mo sabi ni Sir. Tumakas yung suspek. Iniwan ang kasama sa kotse na namatay din naman."

"Wala po bang lead?" usisa ko. Ayoko namang maging isang unsolved case ang nangyari. Sana tubuan ng konsensya kung sino man siya.

"Wala eh. Halos maghahatinggabi daw kasi nangyari ang banggaan kaya wala silang mahanap na maaaring naging witness."

Bumagal ang aking pagnguya. Pinaglalaruan ng bibig ko ang tinidor habang iniisip si kuya. He might prefer to be alone for now. Matagal bago ko makikita ang dating sigla niya.

So I mustn't complain with the problems I have right dahil may mga taong mas matindi ang problema kesa sakin. Kuya's one of them. Mine was just a simple dilemma, an inner turmoil, not that depressing unlike an emotional baggage due to loss of a love one.

Dumatal ang panibagong buwan at sa mga nagdaang araw ay hindi normal sakin ang pakikitungo namin sa isa't isa. We're like going back to square one. Even a head-nod kind of acquaintance is devoid. Walang imikan kahit magkatabi lang.

Naisip niya rin sigurong wag na akong pansinin. Was he mad? Did he lose his trust on me? Kasi inaakala kong malaki ang tiwala niya sakin kaya hinayaan niya kaming maging malapit sa isa't isa, and now that I think he felt that I rejected his feelings, I don't think he wants to get acquainted with me anymore.

I was thinking that it's better off this way but this doesn't even feel good and right for me.

Sa panibagong duty namin ay hindi niya ako nilalapitan. Hindi na siya nagpapasama saking kumain kapag lunch. Pansin ng mga kagrupo namin ang nagbago at inusisa rin kami ng apat pero walang nagsalita saming dalawa. Parang showbiz lang. No comment.

Hinampas ni Lian ang mesa sa kinainan naming fastfood chain malapit sa ospital na pinagdudutyhan namin na parehas din kina Kelly at Noemi. Ibang station nga lang sila.

"Let's get to the nitty-gritty and tell us kung anong nangyari sa inyo."

"It's like you're being ghosts to each other!" dagdag ni Noemi

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon