TWENTY FOUR

45.7K 1.2K 106
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

Azriel:
As much as I want you to stay
And how much I don't want you away
I have to let you go, because you won't allow me to be into you
And you can't be into me because you don't want to.

Makailang beses kong binasa ang huling text niya sa'kin. Natanggap ko ito habang nasa taxi noong pauwi ako galing sa dorm nila. Maganda ito sa pandinig dahil magkatugma ang mga huling salita kahit masakit ang mensahe sa likod nito. Di ko alam kung dapat ba akong ma-guilty.

May mga pagkakaton talagang pakiramdam nating sisihin ang mga sarili dahil nakasakit tayo ng ibang tao kahit hindi naman sadya. We blame our feelings, not blame ourselves as a person. Para sa iba, sinisisi na ang kabuuang pagkatao when it should have been the feelings that has to be blamed, not blame ourselves as a person.

Nagbalik kami sa 'walang pansinan' mode ni Azriel. Hindi na rin siya tumatabi sa'kin at hindi na rin sila sumasabay sa amin mag-lunch. Sa mga sumunod na duties ay wala namang by partners na nangyayari dahil hindi na kami nagbalik ulit sa pag-duty sa mga special areas. Puro wards nalang.

Kakatapos lang namin sa defense sa unang part ng aming thesis. Makapasa man o hindi, makakaabot pa naman siguro kami ng fourth year dahil doon magaganap ang final defense.

Nakaupo kami sa sahig at nakasandal sa pader sa labas ng classroom kung saan nagpe-present na ang group 2. Suot naming mga babae ngayon ang CHN uniform na blue pants at white polo blouse na ginagamit sa CHN duties at sa Psych ward. Ito na rin ang official uniform ng mga fourth year nursing sa mga babae. As is ang uniform sa mga lalake.

Kinalabit ako ni Lian na tumayo at pinapagpag ang likuran. Tinuro niya ang bakanteng armchair malapit sa nakasarang pinto ng classroom saka siya umupo. Ako nama'y umupo sa armrest.

Sinundot niya ang aking tagiliran saka ninguso ang direkyon ni Azriel na nakaupo sa sahig at nakasandal ang likod sa pader ng katapat na room. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin pagkatingin ko sa kanya at pakunwaring kinakausap ang katabi niyang si Terrell na naka headphone habang may kinakalikot sa cellphone.

"In bad terms pa rin ba kayo?" tanong ni Lian.

Inasahan kong may isa sa kanilang itatanong ulit ito. Paulit ulit lang naman ang aking sagot."Hindi naman kami nag-away."

Umismid siya, hindi naniniwala. "Eh bakit hindi na kayo nag-uusap? You used to be close."

"Nag-uusap lang kami pero hindi kami close." Kinuha ko ang maliit na nail cutter sa bulsa ng aking blouse at pinagpatuloy ang pagputol sa mahaba kong kuko.

"Pansin ko nag-iiwasan kayo. You were not used to be like that to each other." Wika ni Lian.

Hindi talaga ako makakaiwas sa kanyang pagiging observant. Hindi lang kilos ang binabasa niya, pati yata isip.

"Wala. Nagsusuplado lang 'yan." pakunwaring mapait kong sabi.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kaibigan ko, hindi ko lang masabi sa kanila na umamin sakin si Azriel dahil mas lalo nila kaming ipagkakanulo na hindi dapat mangyari. Baka ano kasi ang iisipin ng iba. It's been months since my break up with Riley at ilan lang ang nakakaalam. They might assume the wrong situation.

"I don't think so. Itanong ko nga kay Terrell."

"Try mo kung may makuha kang sagot." bahagya kong tawa. Sigurado namang walang maisagot si Terrell dahil malihim ang kaibigan sa kanya. "Nasaan pala sina Kelly?"

"Sa eight floor sila."

"Ang layo. Hintayin nalang natin sila dito." pinagpagan ko ang aking pants at nagpatuloy sa pag nail cutter.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon