TWENTY NINE

44K 1.2K 227
                                    

CHAPTER TWENTY NINE
_______________________________________
"Rise up earthlings!"

Ginising kami ng palakpak ni Carlo na ipinagtaka ko ang pinanggalingan ng sigla. Naalala kong nauna kaming mga babae natulog kaya hindi ko alam kung anong oras na silang natapos.

Nag-iba ng posisyon si Noemi sa tabi ko. May narinig akong nag inat kasabay ang ingay ng keypad sa cellphone. Mga ingay naman ng pag-prito ang nasa baba at boses ng mga lalake na parang naghahabulan sa labas. Why are they up so early?

"Hindi natulog ang mga boys?" tanong ni Kelly sa inaantok na boses na napuna rin ang kaingayan ng mga lalake.

"Ang ingay nga nila hanggang kanina eh." ani ni Camila.

"Hindi rin kayo natulog?" tanong ni Noemi.

Ang kasama kong umakyat dito sa taas kagabi ay si Kelly lang. Kalaunan ay nagising ako sa paghiga ni Noemi. Malikot siyang matulog kaya pinapagitnaan namin ni Kelly.

Umupo na ako sa kama at nag inat sabay hikab.

Nakita ko ang pag-iling ni Aria yakap yakap ang unan. "Nilasing kasi nila si Carlo, kaya yun."

Tumingin ako sa labas ng bintana at bumungad sa'kin ang mga puno. Hindi na ako nagulat, inexpect kong ito talaga ang magiging tanawin sa umaga. Kapansin pansin ang hamog na bumabalot sa mga ito.

"I'm...gonna swim from the chandelier, from the chandelier..."

Bumaha ng tawanan hindi lang dito sa kwarto kundi pati rin sa baba nang naging sintunado ang pag-falsetto ni Carlo sa paghirit sa high note.

Kinusot ko ang aking mga mata dahil sa panlalabo nito. Kumatok si Lian sa pinto at pinababa na kami para mag-agahan.

Sa labas kami dumiretso pagkakitang nandoon ang karamihan. Bumungad sa'min ang mga pagkain na nilagay sa dahon ng saging. We're going to have a boodle fight for breakfast!

May arteng nilalagyan ni Carlo ng samo't saring ulam ang gilid ng nakahilerang kanin. Dumating si Kent na may dalang casserole laman ang iba pang uulamin.

Tinanaw ko ang ibang boys na nasa labas na nang bakod ng bahay at mas pinag-iinteresan pa ang pagsa-sight seeing kahit wala namang masyadong view. Nakapamaywang si Archer na parang isang Don na tinatanaw ang buong rancho. May tinuro naman na kung ano ang katabi niyang si Brennan.  Nagsitunguhan doon sina Camila at Aria at nagsi‒stretching.

"Si Archer parang wala lang pero kung makasuka kanina!" lumingon kami sa balcony kung nasaan ang tumatawang si Terrell. Halata ang bahagyang paniningkit ng kanyang mga mata dahil kinulang sa tulog.

Pumulot ng maliit na bato si Archer at natatawang binato kay Terrell na hindi naman natamaan.

Luminga ako sa ibang lugar, dumungaw pa ako sa loob ng bahay pero hindi ko siya makita. Is he still asleep? I almost forgot na palagi siyang nahuhuli sa klase dahil wala siyang alarm clock. Hindi man lang siya nagising sa ingay namin?

"Tone it down AJ. You're still a hunk, don't worry."

Muli akong lumingon sa balcony. Nakaharap na ngayon si Terrell sa nakapamaywang at humihingal na si Azriel. Kitang kita ko ang pamamasa ng kanyang grey sando sa chest part. Kumikinang ang pawis sa kanyang leeg at hulmadong biceps.

Saan siya galing? And why is sweating?

"Five days na akong hindi nakapag-gym eh." aniya saka siya dumapa at nagsimulang mag push-up.

Bawat pwersa niya sa paghila sa kanyang sarili ay kitang kita ang pagflex ng kanyang mga muscles sa braso. Lumitaw rin ang mga ugat na bumabakas sa kanyang forearms. Tinignan ko ang pag-igting ng kanyang matatag na panga sa bawat puwersang ginagawa niya. Damn. He's so hot in the morning! He's too hot to be a nursing student.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon