TWENTY SIX

43.4K 1.2K 194
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

Ginawa kong palusot ang pagtanggal ko sa'king bag upang mahila ang aking kamay sa pagkakahawak ni Azriel. Alam kong wala nang silbing itago pa dahil nakita na nang mga kasamahan namin. Ayaw ko lang na mas magduda pa sila kung hahayaan kong patagalin ang hawak niyang yun.

Pagkatapos naming mag check-in, sumunod ako kina Lian na nakahanap ng upuan. Maraming mga bakasyunista at turista ang naririto ngayon sa terminal kaya halos puno ang mga upuan. Nakatayo ulit ang mga lalake habang nakatutok sa TV kung saan nag-aaway gamit ang samurai ang palabas.

Kinuha ko ang mineral water sa'king bag. Gustuhin ko mang manood sa tv, di ko naman maintindihan ang palabas dahil sumasapaw din ang ingay ng ibang programa sa isang TV katapat ng pwesto namin.

"You're wearing shorts."

Nilingon ko si Azriel na siya palang biglang tumabi sa'kin sa kaliwa. Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang likod ng aking kamay pagkatapos uminom tubig.

"So?" pagtataray ko. Nafu-frustrate na ako sa kalabuan niya. The other day he ignores me, the next second he's talking to me. Talo pa niya ang salawahang babae!

Ngumiwi siya. Pinasidahan ko ng tingin ang aking sarili. "Pangit ba?"

"Kung sasabihin kong oo?" seryoso niyang sabi. Humalukiphip siya.

"Hindi naman ako sakang, at wala akong kapeklat peklat kaya bagay sa'kin ang mag-shorts. May maipagmamalaki naman ako."

Naglakbay ang paningin niya sa'king binti. "Long, slim, flawless legs, meron nga. Pero nababastos ka naman." ramdam ko ang inis niya.

"Ako ang nababastos, hindi ikaw." I retorted.

Nang-uuyam siyang ngumisi at umiling. "Huwag kang sumaklolo sa'kin kung sakaling may humipo sa'yo."

"Sure. Kay Terrell ako sasaklolo. Kundi kay Archer."

Marahas siyang bumuga ng hangin. "Don't test my temper, Amber."

"I'm not. At saka milagro, kinakausap mo na ako. After how many years. Akala ko sa graduation mo pa ako papansinin."

Binalewala ko ang pagbaling ng ilan--kabilang na sina Lian--sa gawi namin ni Azriel. The best way not to get embarrassed for me is to just ignore.

Gumalaw siya sa kanyang upuan at hinarap ako. Ang pinta ng kanyang mukha ay para bang pilit niyang ipinapaintindi sa'kin ang kinikilos niya. "Alam mo kung bakit ko yun ginagawa."

"Alam ko nga. Kaya nga ako nagtataka na kinakausap mo ako. Di ba ayaw mo akong pansinin?" inirapan ko siya.

Inis niyang ginulo ang kanyang buhok. "Bakit ka ba nagsusuplada? Inaano ba kita?"

Nasa harap ang tingin ko. Hindi ko siya sinagot, masasangkot lamang ako sa kahihiyang nilikha niya. Nagkunwari akong hindi ako ang kanyang kausap.

Siniko ako ni Lian. "Huy, okay lang kayo?"

Dumungaw sina Kelly at Noemi sa'min at ang mga nasa harapan ay nilingon na kami. Tinawag ang pansin namin ng mga boys sa likod, nagtataka rin sa pagbulalas ni Azriel. Hindi naman sobrang lakas ng boses niya, sapat lang upang maraming makarinig.

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Palagay ko'y hinihintay niya pa rin ang isasagot ko pero wala siyang narinig sa'kin dahilan upang inis siyang pumalatak.
Umayos siya ng upo at padabog na sumandal yakap yakap ang kanyang knapsack.

"Huy..." siniko muli ako ni Lian. Tamad ko siyang nilingon. Ninguso niya si Azriel na panay ang maingay na pagbuntong hininga. Umiling ako at muling bumaling sa harap.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon