FIFTY ONE

37K 1K 108
                                    


CHAPTER FIFTY ONE

______________________________________________________________________________

I don't know where to begin describing the tension that's been overrunning. Napapaigtad ako sa bawat paglapat ng mga kutsara sa plato. Nakakabingi ang mga pagnguyang naririnig ko. Hiyang hiya ako sa katahimikan.

Kada subo ko ay tinitignan ko si daddy. Seryoso lang siya sa pag kain at parang solong solo niya ang hapag kainan as if wala siyang kasalo. Dad, kung wala lang akong hiya ay kanina pa kita kinakawayan.

"How's the food Azriel? Nakalimutan kong itanong kung may food allergies ka. Sabihin mo lang at ipu-pull out ko yung dish." basag ni mama sa katahimikan. Naibsan ang bigat ng sitwasyon sa pagsasalita niya.

Uminom muna ng tubig si Azriel na katabi ko bago sumagot. "Wala po akong allergy. The food's great."

"Mabuti ka pa. Itong si Amber kasi, sa dinami daming pwedeng bawal ay yun pang gusto niyang kainin. You know her allergies and her condition?"

"I'm aware of it, tita. Eggs and crabs. And she's asthmatic." aniya.

Ningitian ako ni mama. I guess Azriel got her approval. Hindi ko mapigilang ngitian siya pabalik.

Sa totoo lang nanibago ako sa inaasal ngayon ni Azriel. He's too polite. Pero wala namang bahid ng pakitang tao itong ginagawa niya. He looks sincere to be too polite. Siguro nagagawa na rin niya 'to sa kung sino mang ginagalang niya. It could also be that he's intimidated by my parents when he's intimidating himself. It could be a mix of both including the sense of respect to them because they are his girlfriend's parents.

Naputol ang pag-iisip ko sa pagtikhim ni daddy. Kahit hinihintay ko ang pagkakataong magsalita siya, na isaboses ang nais niyang sabihin, at the same time ayaw ko 'tong marinig. They might be positive or negative remarks.

Nagtatalo ang loob ko kung mananatili ba ako dito't ubusin ang kinakain o lalabas ba ako ng bahay at hayaan nalang sila. The tension is just too much to handle. Parang nag-aabang ako sa pagsabog ng bomba at sampung segundo nalang ang natitira.

"So...what's your father doing in Australia? Amber mentioned na may negosyo siya doon."

Naganap na ang unang pagsabog. But it was just a mild explosion dahil sa kalmadong boses ni dad. But I could sense the disinterest in his tone.

"It's an industrial business po." ani ni Azriel na mukha ring tensyonado. He's trying to hide it based from the forced smile that he's giving me.

"Why took Nursing?" hindi nag-aangat ng tingin si daddy habang nagtatanong. Abala siya sa paghihiwa ng steak.

"He didn't approve of me studying here in the Philippines so he refused to pay for my tuition. My uncle paid for it instead, and he made me take this course."

Tumatango si mama. Dad remained void of any reaction. Pinapagaan ko nalang ang loob ko sa pakikinig kay Azriel dahil gusto ko ang paraan ng kanyang pagsasalita. I will never get tired of hearing his Aussie accent.

"Having plans of going back in the land down under?"

"I'm not sure. I'm happy being here." Nilingon niya ako at ningitian."I belong."

I bit my lower lip to suppress a smile. Ramdam ko ang pamumula ko. Hindi ako makatingin kay mama dahil paniguradong nasa amin ang mga mata niya ngayon. She's going to talk about this non-stop later on for sure.

"So paano 'yan? Magiging nurse kayong dalawa ng anak ko. Maliit lang ang sweldo ng pagiging nurse dito sa Pilipinas. If you and my daughter would end up together , do you think both of you can handle the kind of life that you will be dealing with?"

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon