FIFTY NINE

49.5K 1K 121
                                    

CHAPTER FIFTY NINE

_____________________________________________________________________________
Binaha ng mga bagong imahe ang aking isip sa tinatanaw kong siyudad ng Seoul.  Pinawi ng bagong mundo na inaapakan ko ang mga negatibong nangyari pagkatapos ng apat na oras na biyahe. Hindi ko alam kung dahil naaaliw ako sa citylights at sa mga shops na nakikita ko lang dati sa tv, o sa otomatikong pader na nabuo upang tuluyan akong ilayo sa siyudad na nilisan ko.

Halos kada taon daw nagpupunta rito si kuya, kaya hindi na ako magtataka na kabisado niya ang ilang mga lugar lalo na ang patungo kina Halmeoni. Natatakpan ang ilang araw kong lungkot ng masayang uri ng kaba habang papunta kami doon.

Huminto ang taxi sa tapat ng mataas na brickstone wall fence.  Unang pumasok sa isip ko ang Great wall of China ngunit naalala kong nasa Korea pala kami. Bumaba na kami ni kuya pagkatapos mabayaran ang driver. Inakbayan niya ako habang tinutungo ang gate na gawa sa matibay na kahoy.

Nilingon ko ang paligid dito sa labas bago kami pumasok. Walang gaanong kabayahan, palibhasa malayo sa crowded na parte ng siyudad sa baba. Halos nasa tuktok na kasi ng mataas na parte ng Seoul ang bahay, at may kalamigan dito.

Malawak na lawn ang bumungad sa'kin. Nasa dulo ang bahay na may dalawang palapag at napupuno ng ilaw sa baba. Isang kwarto naman ang tanging may ilaw sa taas. Sobrang secluded ng bahay na sa tingin ko kahit magnanakaw ay hindi maakyat ang bakod sa kataasan. Hindi na nag-doorbell pa si kuya't kaagad na niyang hinawi ang double glass door.

Malawak at malinis ang loob ng bahay. Karamihan sa nakikita kong kulay ay white, cream at gold. Moderno ang mga muwebles.  Ang tanging Korean touch lang na nakikita ko ay ang mga pictures na nasa isang bahagi ng pader. Nakakabit doon ang college graduation picture ni dad at ilang mga naka-frame na pictures ng mga kamag-anak ko sa father's side.

May narinig akong parang nag-aaway kasabay ang pagpalit ng palabas sa tv. Natatakpan kami galing sa sala kaya hindi nila kami namalayan maliban sa batang lalake na sumulpot galing doon. May pagtatanong sa kanyang ekspresyon.

Biglang lumiwanag ang kanyang mukha. "Hyeong!"

Malawak niyang binuksan ang mga braso habang tumatakbong nagtungo sa direskyon ni kuya.

"Sunjin!" binuhat siya ni kuya at hinagis sa ere na ikinatuwa ng bata. Tantya kong nasa anim na taon ito. Bagsak na bagsak ang itim niyang buhok na halos tumatakip na sa maamo at singkit niyang mga mata.

Sumunod na nagsulputan ang dalawang babae. May katangkaran ang isa at maputi. Mas payat kesa sa'kin.  Dito palang sa kinatatayuan ko, kita na ang kinis ng kanyang mukha at may katarayan niyang mga mata. Katabi niya ang batang babae na sa tingin ko'y kanyang kapatid dahil sa kanilang pagkakahawig.

Bumalik ang tingin ko kay kuya karga ang nakangising si Sunjin. Nagsasalita sila ng Korean at since wala akong maintindihan, binaling ko ang atensyon ko sa isang kwarto kung saan may kakalabas palang na matandang naka-wheelchair. Nakatulak dito ang koreanang nurse.

"Halmeoni..." tawag ni kuya. Binaba niya si Sunjin saka nilapitan si Halmeoni. Sumunod ako sa kanya. Habang papalapit, unti unti kong nakikita ang ilang pagkakahawig niya ni dad.

Nagsalita ulit ng Korean si kuya at sa tingin ko'y binanggit niya ako dahil sa pagdungaw sa'kin si Halmeoni. Lumapad ang kanyang ngisi saka binuksan ang mga braso. Lumapit ako, nag-aalinlangan kung yuyukod ako o magmamano pero wala akong nagawa dahil sa pagyakap niya sa'kin.

"Ohh...beautiful..."

"She's my younger sister Amber." ani ni kuya.

"Ember..." ganoon ang pagbigkas ni Halmeoni sa pangalan ko.

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon