TEN

54K 1.5K 234
                                    

CHAPTER TEN
_______________________________________

Mas maaga pa sa alas singko akong gumising kaya maaga rin akong pumasok sa klase. Lima palang kaming nasa classroom. Ayaw ko namang sisihin ang text ni Azriel kagabi dahil inaamin ko, hindi ako pinatulog nito. I remember every message verbatim. Ano na namang ikinabahala ko?

Kinuha ko ang puti kong headphone at nagpatugtog ng music sa phone. Nakapalumbaba ako at tinatapik ang aking daliri sa wooden armchair. Pumasok si Terrell na animo'y nakalamon ng pep pill dahil palagi nalang nakangiti. Ngunit ito pa ang nagugustuhan ng karamihan sa mga kababaihan sa kanya di lang ang kanyang height. Halos magkasingtangkad sila ni Azriel.

"Goodmorning Terrell." bati ng babae kong kaklase na kakagaling lang sa paglalagay ng lipstick. Hawak niya pa ito sa kanyang kamay at sa kabila ang compact mirror. Pinindot ko ang pause sa music at pinatili ang pagkakalagay ng earphone sa'king tenga.

Sandali siyang sinulyapan ni Terrell at agad binalik ang tuon sa pagsabit ng kanyang bag sa likod ng upuan. "Goodmorning Ellis."

"Palagi ka bang maaga?" tanong ni Ellis na mas humillig pa sa kanyang mesa.
Mula dito kitang kita ko ang makapal na pagkakalagay ng mascara at eyeliner. Salungat kay Lian na ako pa ang taga lagay ng make up. Kung wala ako, wala siyang make-up. Allergic yun sa blush on.

Nakapamaywang siyang hinarap ni Terrell."Minsan. Maaga ako ngayon dahi maaga akong natulog kagabi."

"Malayo bahay mo?" usisa ni Ellis.

"Diyan lang." tinango niya ang kanyang ulo pakanan. "Dorm."

Dorm? Kung nag dorm siya bakit kasama siya sa pag-aalay lakad ni Azriel noong isang araw?

"Hmm.." tango ni Ellis. "ikaw lang mag-isa sa dorm? Wala kang dorm mate?"

Iba ang pakiramdam ko sa naging tanong niya. There's a sort of hidden innuendo. Muli kong pinatugtog ang kanta at hindi na nakinig sa usapan nila.

Nobody said it was easy...it's such a shame for us to part...

It's been more than a week. Sa kantang pinapakinggan ko ngayon si Riley ang naisip ko. This song has been seemingly made for us. At maiiyak na naman ako kung hindi lang ako kinalabit ng kung sino.

Nakaupo na sa kaliwa ko si Terrell. Kinuha niya ang isang earpiece at nilipat sa kanyang tenga. Napahinto siya, inaalam ang kanta hanggang sa mahinang nag taas baba ang kanyang ulo, sinasabayan ang beat ng kanta.

"Nobody said it was easy...no one ever said it would be this hard, oh take me back to the start..." Pagsabay niya. Tumango siya pagkatapos at sinauli ang earpiece saking tenga.

"Nice choice of song!" aniya.

"Thanks."

Hinayaan ko siyang maupo sa tabi ko. Nagtaka ako sa kabado niyang kinikilos, na parang may gustong sabihin. Nilingon ko siya. Hindi ko kita ang kanyang mukha dahil nakayuko ito't kinukusot ang kanyang buhok. Pinindot ko ulit ang pause sa music.

"Okay ka lang?"

Nagulat siya sa bigla kong pagsasalita. Halos matawa ako sa kanyang reaksyon.

"Uhm...ano kasi..." kinamot niya ang kanyang kilay.

"Ano?" tanong ko. Mukha siyang hirap sa pagsabi sa kung ano man ang ibig niyang sabihin.

"Pwede ba kitang makausap?" nahihiya niyang ani.

"Tungkol saan? kay Lian?" pang-aasar ko. Umakyat ang dugo niya sa buong mukha. Kitang kita ito dahil sa kanyang pagka mestizo.

"Ha? Hindi." nagkamot siya sa batok. "palagi niyo nalang kaming inaasar. Friends lang naman kami eh."

LOYAL HEARTS #2: BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon