Viancey Veniegas Rodriguez's POV
-*-"Ako poprotektahan ka?" Balik tanong ko sa dúguang lalaki na nagngangalang Alexis.
Nakangiwi siyang tumango habang hawak ang tama niya sa tagiliran, malakas ang pagdúrúgo non kaya medyo natataranta na ako.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita ulit. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking pulso at diretsong naglakad patungo sa aking kwarto para kunin ang first-aid kit ko.
"Pamilyar siya sa akin, Via." Saad ni Cass na nakasunod pala sa akin.
"Sino? Yung si Alexis?" Tanong ko habang ang mga mata ko naman ay abala sa paghagilap nung first-aid kit ko.
Nakalimutan ko kasi kung saan ko huling inilagay yung box na iyon.
Lagot talaga pag hindi ko kaagad iyon mahanap, siguradong mauubusan ng dúgo yung pasyente ko na naghihintay sa akin doon sa sala.
"Parang ka pangalan niya yung bunsong anak ni Don Custodio Sánchez, pero hindi ako sigurado." Saad ng multo na nakalutang sa ibabaw ng kama ko.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cass dahil nahanap ko na ang first-aid kit.
Kaagad akong bumalik sa sala bitbit ang box ng first-aid kit, medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong humihinga at nakadilat pa ang mga mata ni Alexis.
Mabilis akong lumapit sa kanya at inutusan siyang maghubad ng damit niya.
Pero mukhang mali ang iniutos ko sa kanya.
Kaagad akong napatingala nang tumambad sa mga mata ko ang napaka maskulado niyang katawa.
Medyo pawisan pa siya kaya medyo kumikinang yung basa niyang katawan.
Pati si Cass na nakalutang sa kisame ay napatakip rin sa kanyang mga mata.
"Gagamutin mo ba ako?" Medyo pabulong na ang boses niya na parang nahihirapan na ring huminga.
Mukhang mamam*tay na ata 'to.
Sunod-sunod akong napalunok bago ibinaling ang atensyon ko sa katawan niya.
"Ehem, k-kaya mo naman atang linisan mag-isa iyang mga sugat mo 'no?" Medyo nakangiwi kong sabi.
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay, "Seryuso ka ba diyan sa sinasabi mo, babae?"
Napalunok ako at napatingin sa tagiliran niya na may tama ng bala.
"Sabi ko nga ako nalang." Saad ko at sinimulan nang linisan ang katawan niya.
Unti-unti kung inalis yung kamay niya na nakahawak sa tama niya. Napangiwi nalang ako nang sunod-sunod na naglabasan roon ang masagana niyang dugo.
Pansin kong napangiwi si Alexis dahil don, mukhang masakita talaga.
Bumuga ako ng hangin at tiningnan siya sa kanyang mga mata, medyo nanliit ang aking mga mata nang mapansin kong medyo namumula ang mga mata niya.
"Y-yung mga m-mata mo, namumula." Saad ko.
Mariin lang siyang pumikit.
Napapasin ko na rin na parang lumalaki ang mga ugat niya sa katawan.
Hindi kaya... totoo ang hinala ni Cass?
Na itong lalaking nasa harapan ko ngayon ay yung bunsong anak ni Don Custodio.
Si Don Custodio ay ang pinakamayaman na lalaki sa buong lalawigan namin.
Kilala rin si Don Custodio dahil sa pambihira niyang edad.
250 years old lang naman ito, ngunit malaki ang paniniwala ko na hindi lang 250 ang edad ni Don Custodio, kundi baka abot na ang edad niya ng 2000 years old.
BINABASA MO ANG
VIA VENIEGAS AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang babae na pumayag na magpanggap bilang isang nobya ng isang makisig at gwapong bampira na bunsong anak ng pinuno ng mga bampira. Kung nais mong malaman ang lahat ng mga magaganap sa kwento. Ano pang hinihintay m...