CHAPTER 11

316 11 0
                                    


VIANCEY'S POV

Marahan kong na idilat ang aking mga mata nang may naramdaman akong humawak sa aking kanang kamay.

May kalabuan pa ang aking paningin, kaya paulit-ulit ko itong kumurap-kurap, para mabawasan ang kalabuan ng mga 'to.

Nang luminaw na ang aking mga mata, marahan akong lumingon sa bandang kanan nitong aking kinahihigaan.

Medyo kumunot ang aking noo nang makita kong wala namang tao roon. Unti-unti kong iniangat sa iri ang aking kanang palad. Medyo naliliwanagan iyon, dahil sa mga kandilang nandito sa kwarto na nakapwesto sa kanya kanya nilang mga candelabra.

Tinitigan ko ang aking kanang kamay. Hindi ako pwedeng magkamali. Naramdaman ko 'yon kanina. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya ako nagising. Ngunit, bakit sa aking pagdilat ay wala naman akong kasama dito sa silid na aking kinaroroonan ngayon?

Ibinaba ko nalang ang aking kanang kamay sabay napailing-iling. Siguro ay hangin lang iyon na nakapasok dito sa silid.

Pasimple akong sumulyap sa bintanang nakapwesto sa tabi ng aking kinahihigaan. May maliit iyung siwang at medyo naka hawi rin ang pulang kurtina na nagsisilbing tabon sa salamin nito.

"Gising kana pala, Via."

Napatingin ako sa pintuan nitong silid nang bumukas iyon. Iniluwal nito ang matangkad na matandang lalaki. Sa pagkakatanda ko, ang pangalan niya ay Ernesto.

Ngumiti ai Ernesto sa akin, marahan at taas noo siyang naglakad palapit sa kama na kinahihigaan ko. Napansin ko rin ang dala niyang isang basket na may laman na iba't ibang maliliit na botelya.

"Kailangan mong inumin ang mga gamot na 'to para agad na bumalik ang iyong lakas." Aniya.

Ipinatong niya ang basket na kanyang dala sa ibabaw ng maliit na mesa na nakapwesto sa gilid nitong aking kinahihigaan.

Muli niya akong hinarap. May nakaguhit na ngiti sa kanyang labi.

"Si Alexis pala ay umalis kasama ang kanyang kapatid na si Roddy. Ngunit bago umalis si Alexis ay ibinilin ka niya sa akin. Alagaan raw kita at protektahan. Siguro bukas ang balik nila. Kailangan kasi nilang mangaso para sa kanilang sapat na makakakain ngayong buwan." Litanya niya.

Tumango na lamang ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang pwede kong isagot sa kanya. Saka, wala rin akong ganang umimik.

"Kinumusta ka rin pala sa akin ni Esmeralda." Umik niya.

Humarap siya sa basket na dala niya at kinuha ang isang puting botelya na laman nun. May hawak na rin siyang maliit na baso na kulay ginto. Pansin ko rin ang mga nakaukit na rosas sa bawat gilid ng baso.

"Inumin mo ito upang lumakas ka na. Tiyak akong medyo nanghihina pa ngayon ang 'yong katawan dahil sa alak na pinainom sayo ni Don Custodio." Sinalinan niya yung baso ng likido na laman nung botelyang hawak niya.

Napakunot naman ako at unti-unting napabangon para umatras papalayo sa kanya.

Medyo nakaramdam kasi ako ng takot. Baka kasi lason na naman 'yon na ipapainom niya sa akin para ako'y matuluyan na.

"Huwag kang mag alala, hindi ito lason tulad ng iyong iniisip ngayon. Tunay ka namang bampira. Kaya kahit na anong lason ay hindi na tatalab sa 'yo. Maliban nalang sa espesyal na lason na tanging ang mga mortal lang ang pwedeng lumason sayo." Ngumiti siya sa akin at inabot yung maliit na baso sa akin na may lamang likido. "Herbal 'yan, ija." Dagdag niya pa.

Ilang sandali rin akong napatitig sa mukha niya na nakangiti sa akin. Marahang bumaba ang paningin ko sa maputla niyang kamay na may hawak nung baso.

Nilunok ko muna ang sarili kong laway at unti unting tinanggap yung baso na hawak niya.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon