CHAPTER 7

395 10 0
                                    


Viancey Veniegas Rodriguez's POV
-*-

"Ano 'to?" Tanong ko kay bampira nang may inabot siya sa akin na isang pack ng napkin.

"Halata naman sigurong napkin yan, babae." Walang ka emosyon-emosyon niyang sagot.

"Saan mo 'to nakuha?" Kinuha ko yung pack ng napkin na inaabot niya.

"Binili ko sa tindihan ni aling Be."

"Paano ka nakabili? May pera ka ba?" Tinaasan ko siya ng kulay.

Inayos ko rin ang pagkakatali ng tuwalya naka balot sa ibabang parte ng katawan ko.

Ginamit ko yung tuwalya para matakpan yung tagos ko sa puwetan.

"Hinanap ko yung wallet mo."

"Huwag mong sabihin na pera ko itong ginamit mong pambili ng napkin?" Tanong ko.

"Hindi ba halata? Ikaw rin naman ang gagamit ng napkin." Aniya.

"Pero, pinakialaman mo parin ang personal kong gamit."

"Tsk!" Bigla nalang siyang nawala sa harapan ko.

Napasimangot nalang ako at napatingin sa hawak kong pack ng napkin.

Lumakad nalang ako patungo sa aking kwarto, para magamit ko na itong napkin na binili nung bampira pakialamero.

Pasalamat siya at sakto itong pagbili niya ng napkin. Ubos na rin kasi ang napkin ko, kaya plano ko rin kanina na bumili ng napkin.

"Pumasok si Alexis dito sa kwarto mo kanina, hinahanap yung wallet mo." Bungad ni Cass sa akin.

"Ikaw ang nagturo sa kanya kung nasaan ang wallet ko, tama?" Tanong ko.

Mabilis siyang tumango, "Kumuha lang siya ng singkwenta pesos." Aniya.

"Oo, pinangbili niya ng napkin." Saad ko at pinakita sa kanya ang pack ng napkin.

Humagikhik lang si Cass kaya hindi na ako umimik.

Tumungo nalang ako sa closet ko at kumuha ng pamalit, matapos kong makakuha ng damit pamalit ay dumiretso na ako sa banyo para magbihis at malinisan ko na ang sarili ko.

Matapos kong ayusan ang sarili ay kaagad akong lumabas sa banyo at humiga na sa aking kama.

"Matutulog ka na?" Tanong ni Cass sa akin.

Tumango ako at inabot ang remote ng aircon para buksan iyon.

"Ikaw, hindi ka aalis ngayong gabi?" Tanong ko sa babaeng multo.

"Aalis ako, tutungo ako ngayon sa mansion ng mga Sańchez." Sagot niya na dahilan upang magsalubong ang dalawa kong kilay.

"Anong gagawin mo don?"

"Makiki chismis ng mga bagong latest." Sagot niya.

Napairap nalang ako sa hangin sabay yakap sa aking unan. "Mag-ingat ka nalang, baka makasalubong mo yung mga nasasakupang esperto ni Don Custodio." Saad ko at pumikit na ako.

Naramdaman ko naman ang biglang paglaho ng presensiya ni Cass dito sa loob ng kwarto ko.

Mukhang umalis na nga siya.

Hayss... Sana maging ligtas ang multong 'yon.

BOGSH!...

Naalimpungatan ako dahil sa isang napakalakas na kalabog na nanggagaling sa bubong ng bahay ko.

BOGSH!...

Muli akong nakarinig ng malakas na kalabog. Animo'y sinisira nito ang bubong ng bahay ko, parang gustong butasin.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon