CHAPTER 18

297 10 0
                                    


VIANCEY'S POV

"May bago na naman bang chismis, kaya ka nandito?" Tanong ko kay Cass na palutang-lutang dito sa loob ng kwarto namin ni Alexis.

"Binibisita lang kita, Via! Saka, nais ko rin makita ang hitsura ng bago mong kwarto." Nakangiti niyang sabi at umikot paharap sa akin.

"Pasensiya na at madalang na lamang kitang bisitahin-"

"Dalawang beses mo pa lang akong nabisita dito sa mansyon. Una noong namali ako nang pagteleport sa loob ng banyo ng mama ni Alexis, ang pangalawa naman ay ngayon." Singit ko sa akmang sasabihin ni Cass.

Napatigil naman ang babaeng multo at napanguso na tumingin sa akin. "Pasensiya na, ngayon lang ako pinayagan ni Roddy na lumabas sa kwarto namin eh."

"Ano ba kayo ni Roddy? Bakit ka niya naman pinagbabawalan na lumabas sa kwarto niyo- Anong sabi mo? Kwarto niyo? Magkasama kayo sa iisang kwarto?" Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa malanding multo.

Mabilis naman siyang tumango, nakangiti pa talaga ang g*ga. "Oum,"

"Ano ba kayo ni Roddy?"

"Ummm..." Pinagdikit ng multo ang dalawa niyang hintuturo at mukhang pinag-iisipan niyang mabuti kung dapat niya bang sabihin sa akin ang sagot niya.

"Ummm?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Kinagat niya ang pang ibabang labi niya, "Ummm... Ano kasi kami," Pinagdikit niya ang dalawa niyang labi, yung dalawa niya namang hintuturo ay magkadikit parin.

"Ano ba kayo? Bakit parang nahihirapan kang sabihin sa akin kung 'ano' talaga kayo?!" Mariin kong sabi.

"Baka magulat ka kasi," Nahihiya siyang ngumiti.

"May ideya na ako kung ano kayo, kaya sigurado akong hindi ako magugulang nang tulad ng nasa isipan mo ngayon." Saad ko.

"Talaga?"

"Oo," Tumango ako.

"Kahit na sabihin ko sayo na magkasintahan kami?"

Umiling ako, "Hindi talaga,"

Ngumiti siya sa akin, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Oh? Bakit ka nakangiti diyan? Sabihin mo na sa akin kung ano talaga kayo ni Roddy," Unti-unting nagsalubong ang dalawa kong kilay.

"Nasabi ko na, tapos na." Mas lumawak ang ngiti niya.

Mas nagsalubong ang dalawa kong kilay. Nanliliit ang mga mata kong tinignan siya. "Sinabi mo na? Kailan? Wala ka pa ngang-" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang may maalala ako.

"Kahit na sabihin ko sayo na magkasintahan kami?"

"Tama nga ang hinala ko, magkasintahan nga talaga kayo." Sabi ko at inabot ang malaking unan na nasa tabi ko, ipinatong ko 'yon sa kandungan ko at niyakap.

"Hindi ka magugulat? Ganyan lang ang magiging reaksyon mo?" Tanong ni Cass at lumutang siya palapit sa pwesto ko, umupo ang multo sa tabi ko.

Umiling ako, "Wala naman akong kailangan na ikagulat," Turan ko. "kasi inaasahan ko na 'yon." Dagdag ko.

Narinig kong bumuntong hininga ang multo.

"Pero, kailan mo balak 'yon sabihin sa akin?" Tanong ko.

"Ang alin?"

Mariin nalang akong napapikit. Sarap batukan ng multong 'to. Pasalamat siya, dahil tumatagos lang ako sa kanya.

Parang nakalutang rin ang utak niya, eh.

"Kailan mo balak sabihin sa akin na magkasintahan pala kayo ni Roddy?"

"Pag nagtanong ka," Mabilis niyang sagot.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon