CHAPTER 10

330 10 0
                                    


VIANCEY'S POV

Pasulyap-sulyap lang ako sa kanilang magkakapamilya habang nag-uusap sila. Nag-uusap sila tungkol sa mga bagay-bagay na hindi ko naman alam.

Matapos akong ipinakilala ni Alexis kanina sa kanyang ina at ama bilang nobya niya, biglaang nagpasya si Don Custodio na itigil ang kasiyahan na nagaganap kanina sa mansyon.

Pinauwi niya ang lahat ng mga bisita na nandirito kanina, kaya ako, si Alexis, Don Custodio at ang asawa nito, si Roddy, Cass, Esmeralda, at yung tatlo pang kapatid ni Alexis ang natitira dito ngayon sa loob ng mansyon.

Nandito kami ngayon sa napakalawak na kusina nitong mansyon-kumakain kami ng hapunan.

"Ilang taon ka na ba, ija?" Napakurap ako nang biglaang bumaling sa akin ang usapan.

Matamis ang ngiti ng ina ni Alexis sa akin, habang hinihintay ang sagot ko sa tanong niya. Hindi naman ako t*nga para hindi mapansin na plastikan lang ang ngiting nakaguhit sa labi niya, pakiramdam ko nga ay kinákatay niya na ako ngayon sa kanyang isipan.

"Mukhang natatakot siya sa 'yo, ina." Biglang nagsalita yung isang kapatid ni Alexis na may suot na salamin.

"Bakit naman s'ya matatakot kay ina, kapatid? May dapat ba siyang ikatakot kay ina? Sa tingin ko'y wala naman siguro, dahil wala naman siyang nagawang kasalanan kay ina." Sabay namang umimik yung kambal.

"Naninibago lang siya mga kapatid." Wika naman ni Roddy.

"Naninibago? Bakit? Hindi ba siya sanay na makasama ang mga tulad natin? Sigurado naman akong bampira ang babae 'to, dahil halata naman 'yon sa maputla niyang balat." Sumingit si Esmeralda.

Ngumisi pa siya sa akin at marahang isinubo ang maliit na hiwa ng karne na nakatusok sa ginagamit niyang tinidor.

Ayaw ko man siyang pansinin, pero hindi ko talaga maiwasang hindi siya pansinin. Kasi katabi ko siya ngayon.

"Ilang taon ka na ba, ija?" Inulit ng ina ni Alexis ang tanong niya sa akin kanina.

Pasimple akong napalunok. Naramdaman ko rin ang pagpisil ni Alexis sa kamay ko na hanggang ngayon ay magkahawak parin.

Ewan ko rin ba sa lalaki 'to. Ayaw niya atang bitawan ang kamay ko. Kanina ko pa kinukurot ang kamay niya para lang bitawan ako, pero nagmamatigas talaga siya, eh. Mas lalo niya pang hinihigpitan ang pagkakahawak niya sa akin.

"Ija, nais ko lang malaman kung ilang taon ka na. Maaari mo bang sagutin ang tanong ko?" Medyo umangat ang isang kilay nung ina ni Alexis.

Pasimple naman akong napalunok. Kinakabahan ako. Ilang taon na ba ako?

Alam kong dalawampu't anim na taong gulang na ako, pero dapat ba na iyon ang edad na isasagot ko sa tanong ng ina ni Alexis.

Eh, sabi pa nga ni Alexis na yung edad ko ay edad lang rin nung pamangkin niyang sanggol.

Edi pag sinabi ko na dalawampu't anim na taong gulang pa lamang ako, pwede magtaka ang buong pamilya ni Alexis at pwede rin silang maghinala sa akin.

Halata pa naman na hindi sila mga bobó. May mga isip sila. Pwede nilang maisip na hindi talaga ako bampira pag nadulas itong bibig ko at ang naisagot ko ay yung totoo kong edad.

"Ija?"

Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang boses ni Don Custodio.

"P-po?" Wala sa sarili kong bigkas.

Medyo namimilog rin ang aking mga mata na bumaling kay Don Custodio na ngayo'y sobrang seryuso ang ekspresyon ng mukha.

"Kanina ko pa na papansin na tila'y nababalisa ka tuwing tinatanong ang iyong edad. May problema ba? Ayaw mo bang sabihin sa amin ang iyong edad, ija? Maaari mo naman kaming diretsuhin kung ayaw mo." Tipid siyang ngumiti.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon