CHAPTER 3

492 15 0
                                    


Viancey Veniegas Rodriguez's POV
-*-

Napatingin ako tatlong bagong sofa na binili ni Alexis pamalit doon sa mga sofa na sinunog namin kanina.

Kulay abo ang kulay nung mga sofa at naayon naman iyon sa kulay ng pintura dito sa loob ng bahay ko.

"Marunong kang magluto, babae?" Napatingin ako sa bampira nang magsalita siya.

Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pintuan ng kusina ko.

"Bakit? Uutusan mo ba akong magluto ng makakain mo? Pwes, hindi ako magluluto. Ipagluto mo iyang sarili." Saad ko at naglakad ako patungo sa kusina para ipagluto ang aking sarili ng makakain.

"Hindi ako marunong magluto."

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya.

Mahina akong tumawa, "Huwag ka nang magpatawa, lalaki. Sinong nilolóko mo, ako? Ang sabihin mo, gusto mo lang akong gawing utusan mo. Nako, hindi mo ako yaya o katulong. Oo, pumayag akong maging protektor mo, pero wala sa kasunduan natin na gawin mo akong katulong at utusan mo. Ang kapal naman ng apog mo para gawin iyon sa akin. Dito ka na nga sa bahay ko nakikitira, may balak ka pang gawin akong katulong mo-"

"Seryuso ako, hindi ako marunong."

Hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil bigla nalang siyang sumulpot sa mismong harapan ko.

Seryusong nakatingin ng diretso sa mga mata ang itim niyang mga mata.

"Hindi rin ako marunong sa mga gawaing bahay, kasi hindi ako tinuruan ni papa na gumawa ng gawing bahay." Seryuso niyang sabi.

"Ibig mong sabihin ay mangmang ka sa mga gawaing bahay?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Mayayaman nga naman. Ilang taon ka na nga? Sigurado naman ako na hindi lang bente ang edad mo, dahil bampira ka naman." Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking bewang. "Sabihin mo nga sa akin kung ilang taon ka na talaga, lalaki."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "326 pa lang ako."

"326 ka pa lang? 'lang' talaga? Ni-lang mo lang iyang edad mo? Eh, buntot nga lang ng edad mo yung edad ko." Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Bakit? Ilang taon ka na ba, babae?" Tanong niya.

"Hindi ba halata, lalaki? Eh, kakasabi ko nga lang na buntot lang ng edad mo yung edad ko. Ang linaw-linaw na nun na 26 na ako."

"Ka edad mo yung pamangkin kong sanggol." Aniya.

"Sanggol? Pang sanggol lang yung edad ko sa inyo?" Napairap nalang ako sa hangin at nilampasan siya. "Hindi ko na kailangan pang magulat. Pamilya lang naman kayo ng mga bampira, kaya natural lang sa inyo ang ganyang klasi ng edad." Saad ko sabay pihit sa pintuan ng kusina at pumasok.

"Ipagluluto mo rin ba ako, babae?" Pahabol niyang tanong sa akin.

"May magagawa pa ba ako? May konsensiya rin kasi ako." Sagot ko naman at inabot ang kutsilyo na nakasabit sa sabitan.

Magluluto ako ng isda ngayon.

Nilinis ko lahat yung mga isdang nabili ko kanina sa palengke. Nang malinisan ko na lahat ng isda ay ipinasok ko sa freezer yung ibang isda, nag-iwan lang ako ng dalawang isda na siyang lulutuin ko ngayong pananghalian namin.

Isdang bangos ang mga ito kaya napagisipan kong magluto ng paksiw.

Paborito ko kasi ang paksiw.

Hiniwa ko yung dalawang bangos at pagtapos ay tinimplahan ko ng suka, toyo, kunting asin, luya, sibuyas, bawang at kunting patak ng vetsin.

Binuksan ko ang kalan at saka ipinatong ang palayok roon.

Bumaling ako sa rice cooker at sinilip kung may laman pa ba iyung kanin, nang nakita kong wala na ay hinugasan ko muna yung rice cooker at nilagyan ng dalawang tasa ng bigas na siyang isasaing ko ngayon.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon