CHAPTER 20

287 14 0
                                    


VIANCEY'S POV

"Hubarin mo ang kwintas na 'yan!" Mariing utos nung maligno na mas nagpakaba sa akin.

'Yung mga mata niya ay titig na titig sa mahiwagang kwintas na suot ko. Puno ng pagkasabik ang mga mata niya, animo'y sabik na sabik siyang hubarin ko ang kwintas.

"Hindi ka ba gagalaw?" Bumaling siya ng tingin sa mukha ko, "Hubarin mo na ang kwintas!" tinaasan niya ako ng boses kaya napaatras ako ng isang hakbang.

Muli akong sumulyap kay Alexis, gamit ang kakayahan kong makipag-usap gamit ang isipan, tinanong ko siya kung ano ang dapat kong gawin.

"Anong gagawin ko? Pag na hubad ko itong kwintas ay siguradong malalaman nila ang totoo na isa akong tao." Sabi ko sa kanya gamit ang isip ko.

Mariin siyang napapikit, sa tingin ko ay iniisip niya rin kung paano namin pwedeng takasan ang mga létch*ng maligno na kampon ni Don Custodio.

"Tignan mo po ang reaksyon ng binibining ito, panginoon. Kitang-kita ang takot sa mga mata niya. Takot na takot siyang hubarin ang kwintas na suot niya." Biglang sumabat sa usapan 'yung isa pang maligno na kasama namin dito sa loob ng silid. Sa pagkakatanda ko ay 'yung maligno na humawak at nag lipad sa akin papunta rito.

"Baka natatakot lang siya sa inyo," Usal naman ni Don Custodio.

"Hindi siya takot sa amin, panginoon. Ngunit, takot na takot siya na lumantad ang kanyang sikreto pag na hubad niya ang kwintas na suot-suot niyang 'yan." Naramdaman ko ang magaspang nitong kamay na unti-unting hinahaplos ang batok ko.

Subrang nakakakilabot 'yon sa pakiramdam, 'yung mga balahibo ko ay nagsitayuan.

Kita ko naman sa reaksyon ni Alexis ang galit nang mapansin niya ang ginagawa nung maligno.

Sing talim ng mga pangil ng bampira ang tingin niya sa maligno, umiigting rin ang panga niya. Halatang umiinit ang ulo niya ngayon, pero pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya.

"Ano bang meron sa kwintas na 'yon at bakit nais niyong ipa hubad 'yan kay binibining Via?" Tanong ni Kahell. inaayos niya ang kanyang suot na salamin.

"Kilala ko kasi ang kwintas na ito, señorito Kahell. Sa pagkakaalam ko ang kwintas na ito ay may taglay na kapangyarihan upang gawing-"

"Kalokohan!" Napatigil sa pagsasalita ang maligno nang sumingit na si Alexis.

Nakaramdam naman ako ng kaunting ginhawa nang dahil sa ginawa niya. Mabuti naman at naisipan niya nang umimik.

Napabaling ang lahat ng atensyon kay Alexis. "Ang kwintas na 'yan ay regalo ko sa aking mahal na nobya, kaya wala kang karapatan na ipahubad 'yan sa kanya." Wika niya.

'Yan, tama 'yang ginagawa mo!

"Ngunit, señorito Alexis. Napaka pamilyar sa akin ang kwintas na ito, hinding-hindi ako pwedeng magkamali. Ang kwintas na ito ay may taglay na kapangyarihan na gawing-"

"Sa pagkakaalam ko, ang kwintas na 'yan na suot ngayon ng aking mahal na nobya ay walang kapareha. Kaya, paano mo nasabi na ang kwintas na 'yan ay parehas lamang sa kwintas na tinutukoy mo?"

"Huwag mong protektahan ang babaeng 'to, señorito Alexis! Alam naming lahat na mortal ang babaeng 'to-" Muling 'di natapos nung maligno ang kanyang sinasabi, dahil bigla na nalamang siyang tumalsik sa dingding nitong silid.

Napalunok ako nang makita kong medyo nakabaon pa ang katawan niya roon, tapos sa harapan niya ay nakatayo si Alexis na parang kalmado lamang sa kanyang ginawa.

"Wala kang karapatan na pagsabihan ako," Mababa lang boses niya, ngunit nakakatakot 'yon.

"Takot ka rin ba na malaman ng ama mo na hindi totoong bampira ang mahal mong nobya, señorito Alexis?" Natawa ang maligno at unti-unting inaalis ang katawan niya sa pagkakabaon sa dingding na semento.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon