CHAPTER 15

293 10 1
                                    


VIANCEY'S POV

Abot sa magkabilaan kong tainga ang aking ngiti nang mag teleport ako pabalik sa aking kwarto. Nang matapos ko kasing mag kwento kay Don Custodio at mapaniwala siya sa inimbento kong istorya, pinayagan niya na akong umalis.

Kaya nandito ako ngayon sa aking kwarto, nakangiti na parang nanalo ng isang bilyong piso sa isang palaro.

Nakakatawa lang kasi na nauto at napapaniwala ko yung ama ni Alexis sa kwento ko. Hindi sa masaya ako kasi nagawa ko siyang uto-uto, pero medyo ganon rin.

Ngunit ang mismong pinupunto ko ay nailigtas ko ang buhay ko, dahil sa istoryang naimbento ko. Aba'y siguro kung hindi pa gumana itong isip ko kanina, siguradong maghihinala si Don Custodio sa aming dalawa ni Alexis.

Tapos pwede rin kaming mabisto!

Pero dahil magaling akong magimbento, naluko ko yung ama niya, at ligtas ang aking buhay ngayon!

Ngayon lang, kasi hindi ako siguro kung hanggang kailan mananatili ligtas ang buhay ko. Kasi nandito parin kaming dalawa ni Alexis sa mansyon nila. Nakikitira, at nagpapanggap na magkasintahan.

Hanggang nandito kami habang nagpapanggap, walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng aking buhay, lalo na pag nalaman nilang hindi talaga nila ako kalahi.

Mas lagot ako pag ganon.

Mabuti nalang talaga at sa halos isang buwan naming nakatira dito ay ni isang beses hindi nagtagumpay si Esmeralda sa mga masasama niyang balak para sa akin.

Hindi ko lang naisabi sa inyo, pero ilang beses nang pinagtangkaan ni Esmeralda na hubarin sa akin itong suot kong kwintas. Mabuti nalang talaga at may kakayahan ako na tulad nila, kaya kahit papaano ay nalalabanan ko siya sa bawat pagtangka niya.

Bilib din ako dito sa suot kong kwintas, hindi siya napuputol o naghuhubad kahit na anong rambulan ang nangyayari sa amin ni Esmeralda.

Mukhang nakikisama rin ang kwintas. Magkakampi kami! Mabuti naman kung ganon.

Sasabihin ko nalang rin sa inyo. Yung mga rambulan na nangyayari sa amin ni Esmeralda ay kami lang ang nakakaalam. Tuwing gabi kasi 'yon nagaganap, at nagaganap lang 'yon pag bigla nalang siyang sumulpot dito sa loob ng kwarto ko para awayin ako.

Pero sa labas nitong kwarto ko, hindi kami nagpapansinan. Kunwari walang pakialam sa isa't isa, pero ang totoo ay palihim lang namin binantayan ang galaw ng bawat isa.

"Hayyss... nakaraos din!" Sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko.

Kakalabas ko lang sa palikuran nitong aking kwarto. Kakatapos ko lang ring gumawa ng milagro na kung saan ilalabas ko ang lahat ng sama ng loob ko at baho ng sistema ko.

Sa madaling salita!

Kakatapos ko lang tumaé!

Bigla nalang kasing sumakit ang tiyan ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan nang pagsakit. Siguro'y may nakain akong pagkain na hindi nagustuhan ng tiyan ko.

Naglakad ako patungo sa aking kama, hihiga nalang ako tutal 'yon naman palagi ang ginagawa ko dito sa loob ng kwartong 'to. Parang nag-iinsayo lang akong mamat*y.

Nang makahiga na ako sa aking kama, kinumutan ko kaagad ang aking sarili at sisimulan ko na sanang magmuni-muni. Kaso may isang nakaitim na lalaki ang biglang sumulpot sa dulo ng kama ko, nakaupo na siya doon-agad!

"Tinatawag ka raw ni ama kanina," Aniya. Hindi siya sa 'kin nakatingin kundi sa labas ng bintana. Bukas kasi 'yon, kasi binuksan ko. Puro itim na ulap lang rin naman ang meron ngayon doon sa labas at ni katiting na sinag ng araw ay walang tumatagos sa makakapal na ulap na 'yon.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon