CHAPTER 14

290 8 0
                                    


VIANCEY'S POV

"Maupo ka, ija." Itinuro ni Don Custodio ang isang bakanteng upuan na nakapwesto sa harapan ng kanyang kinauupuan.

Nandito kami ngayon sa madilim na hardin sa labas ng mansion. Tanghali na pero madilim parin ang kalangitan, dahil sa mga itim na ulap na nakatabon sa araw.

Hindi ko alam kung ano ang pakay sa akin ni Don Custodio. Basta ang alam ko lang ay biglang sumulpot si Ernesto sa loob ng aking kwarto habang ako ay abala sa pag suklay sa aking buhok at sinabing gusto raw akong kausapin ni Don Custodio.

Kahit nagtataka ako kanina kung bakit ako gustong kausapin ng ama ni Alexis, pumayag nalang ako na sumama kay Ernesto para ihatid sa kinaroroonan ni Don Custodio.

Kaya nandito kami ngayon sa hardin. Nakaupo na ako sa upuan na itinuro ng Don kanina. Tahimik lang akong nakayuko at paminsan-minsan ring sumusulyap sa Don na abala sa kanyang tabako.

Ilang minuto na rin akong nandito sa harapan niya at hinihintay siyang umimik, kaso tahimik lang ang Don. Mukhang pinapakiramdaman niya ako o ano.

Baka ako yung gusto niyang magbukas ng tupiko na pwede naming pag-usapan? Nako ayaw ko. Siya ang nagpatawag sa akin, kaya siya dapat ang maghanda ng tupiko.

"Via, halos isang buwan na rin kayong nakatira ni Alexis dito sa mansyon at ito ang unang beses na kakausapin kita tungkol sa inyong dalawa."

Nag-angat tingin ako nang umimik na siya. Mabuti naman at umimik na siya. Plano ko pa naman sanang magpaalam na.

Babalik na sana ako sa kwarto ko para matulog.

"Ah, opo, halos isang buwan na kaming nakikitira ni Alexis dito sa mansyon niyo at ito ang unang beses na ipinatawag mo ako para kausapin." Medyo kinakabahan at puno ng galang kong sabi.

Halos isang buwan na nga kaming nakatira ni Alexis dito sa mansyon. Kaya halos isang buwan na rin kaming nagpapanggap bilang magkasintahan.

"Pwede ka bang mag kwento sa akin, ija?"

"Po? Anong klasing kwento po ba?" Tanong ko kay Don.

Gusto niya akong magkwento, ano naman ang ikwekwento ko sa kanya?

Ito na nga yung iniisip ko kanina. Mukhang ako yung gusto niyang magbukas ng tupiko.

"Gusto kong magkwento ka tungkol sa relasyon niyo ng anak ko. Kung paano kayo nagkakilala at bakit kayo naging magkasintahan." Ngumiti siya sa akin.

Naiilang naman akong ngumiti. Medyo kinakabahan ako-ay hindi medyo, kinakabahan talaga ako!

Paano 'to? Anong gagawin ko? Madali lang naman mag kwento pero magiging madali lang 'yon kung nangyari talaga 'yung ikwekwento mo, pero itong sa amin ni Alexis! Paano ko ikwekwento ang tungkol sa mga nangyari sa relasyon namin? Eh, hindi naman talaga kami.

Walang kami!

Nagpapanggap lang kami, kasi 'yon 'yung napagkasunduan namin.

Paano kaya kung sabihin ko nalang sa ama ni Alexis ang totoo? Sabihin ko nalang na nagpapanggap lang kami?

Ay, huwag! Hindi pwede. Lagot kami pareho kung gagawin ko 'yon. Siguradong magagalit sa amin ang ama niya-hindi lang si Don Custodio kundi lahat ng mga kaanak nila.

Lalo na sa akin!

Ayaw ko 'yung mangyari kasi posible nila akong kat*yin!

Pag ginawa nila 'yon sa akin, hindi ko sila kayang labanan. Hindi ko pa kasi masyadong nakokontrol ang mga kakayahan ko bilang isang bampira.

Tanging sa pag teleport pa lamang ako bihasa, kasi 'yon ang mas pinagtuunan ko nang pansin.

Ano ang gagawin ko? Paano akong magkwekwento?

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon