CHAPTER 17

289 12 0
                                    


VIANCEY'S POV

"Bumalik ka na parang awa mo na, a..."

Napamulat ako at hingal na hingal na bumangon. Anong klasing panaginip 'yon? Bakit pakiramdam ko ay hinihila ako nung panaginip ko papunta sa isang lugar?

Napatingin ako sa pintuan ng balkonahe nitong kwarto ni Alexis, nakabukas 'yon. Siguro 'yon ang narinig kong kalabog kanina kaya nagising ako at hindi natapos nung babaeng nasa panaginip ang kanyang sasabihin sana sa akin.

Bumuntong hininga nalang ako at hinilot ang bawat gilid ng noo ko, medyo kumikirot kasi.

"Alexis?" Mahina kong bigkas sa pangalan niya. Napansin ko kasing wala na siya sa tabi ko. Magkatabi kasi kaming natulog ka gabi, dahil 'yon ang gusto niya.

Medyo gusto ko rin, 'no ba?

Napatingin ako sa pintuan ng banyo nang bumukas 'yon. Mabilis na nanlaki ang aking mga mata nang bumungad sa akin ang napakagandang tanawin-este si Alexis pala.

Mukhang kakatapos niya lang maligo. Basa pa kasi ang buhok niya, tapos yung mga butil ng tubig na nanggagaling sa buhok niya ay dumadausdos papunta sa mukha niya, 'yung iba rin ay pumapatak sa matipuno niyang dibdib.

Wala kasi siyang suot na pang-itaas, tanging 'yung ibaba niya lang ang may takip na tuwalya.

Muling umangat ang inosente kong mga mata sa kanyang maskulado na dibdib, pero dumikit ang paningin ko sa anim na matitigas na pandesal na nakadikit sa tiyan niya.

Sarap naman magkape ngayon, tapos 'yung mga pandesal niya ang gagawing kong almusal.

"Gising ka na pala, mahal ko." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Agad naman akong nag iwas tingin sa kanyang matipunong katawan at nagkunwaring nakatingin sa kisame.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina, "Nakalimutan mo atang isarado ang 'yong isipan, mahal ko. Pero huwag kang mag-alala, dahil ipagtitimpla kita ng kape at pwede mo rin akong kainin bilang almusal mo kung 'yon ang nais mo."

Nanlaki ang aking mga sa kanyang sinabi. Napakagat rin ako sa aking pang ibabang labi, kasi nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili.

Bakit ko na naman ba nalimutang isarado ang aking isipan bago ko siya pinag nasaan?

Ngayon, hindi ko alam kung anong sasabihin ko para lang depensahan ang sarili ko.

"Tapos na akong magbihis, babalik kaagad ako dala ang kape mo." Muli siyang nagsalita, kaya muli kong ibinaling sa kanya ang paningin ko.

Nakapagbihis na nga siya!

Grabe, ang bilis niya namang nakapagbihis. Parang ilang sigundo lang, eh.

Sayang, hindi ko nakita ang ano niya.

Biro lang!

"Nagbibiro lang naman ako tungkol doon sa kape at pandesal mo," Usal ko.

Maloko siyang ngumiti sa akin, dahilan upang mas lalo siyang gumwapo. Sarap naman ng ganitong buhay, 'yung kakagising mo lang tapos bubungad sa 'yo ang isang napakagwapong nilalang.

"Hindi ako tumatanggap ng biro, gusto ko 'yung tinototoo." Kumindat siya at biglang nalang nawala sa paningin ko.

Napanganga nalang ako, "Lagot, mukhang tototohanin niya talaga!"

Anong gagawin ko?

Napatingin ako sa pintuan ng banyo at may magandang ideya ang pumasok sa isip ko.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon