CHAPTER 22

297 13 0
                                    


NARRATOR'S POV

"Don Custodio, patawarin mo kami. Hindi po namin sinasadya na sirain ang mahiwagang liro." Puno ng pagsisisi ang mga mata ng dalawang tao na nakaluhod sa harapan ng matandang bampira na nagngangalang Custodio.

"Gagawin po namin ang lahat upang mapatawad mo kami, pangako po." Lumuluha na sabi ng babae, nanginginig pa ang mga labi nito habang binibigkas ang kanyang mga sinabi.

"Pinayagan ko kayong manirahan dito sa pamamahay ko kahit na mortal kayo. Tinuturing ko kayong kaibigan, ngunit anong ginawa niyo? Sinira niyo ang libro na 'yon." Dumagundong sa apat na sulok ng silid ang malaki at napakabuong boses ni Don Custodio.

Napayuko nalang ang dalawang mortal na nakaluhod. Nanginginig na ang kanilang mga tuhod pareho, dahil sa matinding takot sa matandang bampira. Takot sila sa posibleng gawin nito sa kanila.

Napakalaking kasalanan kasi ang nagawa nila. Aksidente nilang nasira ang libro de las almas ni Don Custodio. Ang libro na 'yon ay hindi normal na libro. Hindi mga alpabeto at mga wikain ang laman ng libro na 'yon, kundi mga kaluluwa. Mga kaluluwa ng mga ninuno ni Don Custodio.

Sa pamamagitan ng libro na 'yon ay pwedeng tawagin at kausapin ni Don Custodio ang mga ninuno nila na pumanaw na. Ngunit hindi na 'yon pwedeng gawin ni Don Custodio ngayon, dahil sira na ang libro de las almas.

Na sunog ito. Aksidente itong na sunog nang dahil sa dalawang mortal na nakaluhod ngayon. Ang dalawang mortal na 'to ay mga kaibigang mortal ni Don Custodio. Sila ay nakatira sa pamamahay ng matandang bampira, dahil may trabaho rin sila sa mansyon.

Si Emiliano at Gloria, sila ang dalawang mortal na 'yon. Sila ay mag-asawa at nagtratrabaho sa mansyon bilang pinuno ng mga alagad ni Don Custodio. Kahit na sila ay tao ay nagtiwala parin si Don Custodio sa kanila. Ni isang beses rin ay hindi pinagtangkaang ng matandang bampira ang dugo ng mag-asawa, ang totoo pa nga'y tinutulungan pa ni Don Custodio ang mag-asawa na buhayin ang nag-iisa nilang anak na babae.

Ang batang 'yon ay nakatira sa bahay ng mag-asawa na nasa bayan, kasama ng bata ang personal nitong taga pag pangalaga na lalaki.

Matinding galit ang nararamdaman ngayon ni Don Custodio sa dalawang mortal na nakaluhod. Gusto niyang putulan ng hininga ang dalawa, ngunit nakakaramdam rin siya ng kaunting awa.

Awa na hindi para sa mag-asawa, kundi sa anak ng mga 'to.

"Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na dalawa na bawal na bawal kayong pumasok sa silid na 'yon, ngunit pumasok parin kayo at sinubukan niyong basahin ang libro at ang matindi ay sinunog niyo pa ito!" Muling nagsalita si Don Custodio. Sing talim ng espada ang paningin niya sa mag-asawa. Sa gilid naman ni Don Custodio ay nakatayo ang asawa niya na sinusubukan siya pakalmahin.

"Hindi naman po namin sadya na sunugin ang libro na 'yon, Don Custodio. Aksidente lang po 'yung nabitawan ng asawa ko nang mahulog ko po ang lampara na gamit namin, dahilan po upang masunod ang libro. Sinubukan po naming pat*yin ang apoy na siyang unti-unting lumalamon sa bawat pahina ng libro, ngunit nabigo po kami." Pagsasabi ng totoo ni Emiliano.

Totoo ang sinabi ng lalaki. 'Yon ang mga nangyari. Ngunit hindi naman 'yon mangyayari kung hindi nila hinayaan na matalo sila ng kanilang kuryusidad at lamunin sila nito ng buo. Sinunod nila ang kanilang kuryusidad. Pinili nilang labagin ang sinabi ni Don Custodio, tumungo parin sila sa sekretong silid na 'yon at naglakas loob pa silang basahin ang Libro de las almas.

"Ano po ang gagawin mo sa amin? P-para saan po ang dalawang bote na 'yan?" Kinakabahan at umiiyak parin na tanong ni Gloria nang makita niya ang dalawang mahiwagang bote na hawak ni Don Custodio.

Ang mga bote na 'yon ay mahiwaga dahil sa orasyon na ginawa ng isang napaka makapangyarihan na mangkukulam. May kakayahan ang dalawang bote na 'yon na sigupin ang kaluluwa ng dalawang mortal o imortal na may kasalanan kay Don Custodio.

"Huwag kayong mag-alala, ang mga katawan niyo ang mananatiling buhay hangga't nandito sa loob ng bote na 'to ang mga kaluluwa niyo." Sabi ni Don Custodio at bigla nalang niyang binuksan ang takip ng dalawang bote at itinapat sa dalawa mortal na nakaluhod ang bunganga ng bote.

Nakaramdam ng panghihina ang dalawang tao, hanggang sa unti-unting lumambot ang kanilang katawan. Ilang sigundo ang dumaan at nakahandusay na ang katawan ng dalawang mortal sa sahig. Ang kanilang mga kaluluwa naman ay nasa loob na ng dalawang mahiwagang bote na 'yon.

Tinakpan ni Don Custodio ang mga bote at inutusan ang isang bampira na katulong na dalhin ang mga bote sa aklatan ng mansyon.

"Sigurado ka bang hindi sila makakalabas sa bote na 'yon?" Tanong ng asawa ni Don Custodio sa kanya.

"Hinding-hindi mabubuksan ang mga bote na 'yon hangga't hindi ang mismong anak nila ang magbubukas nito." Sagot ng matanda.

Sa isip nila ay imposible 'yung mangyari, ngunit mapaglaro ang panulat ng tadhana.

VIANCEY'S POV

"Ama, ina!" Sigaw ko kasabay ng aking pagbangon. Pawisan ang aking noo at likod at subrang hinihingal ako, pagod na pagod ako.

"Salamat naman at nagising ka na, mahal ko. Kay tagal kong hinintay na magmulat ang iyong mga mata." Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na 'yon.

Nakita ko si Alexis sa subrang natutuwa ang hitsura. Mabilis niyang hinawakan ang dalawa kong palad at hinalikhalikan 'yon.

"Tinakot mo ako ng husto," Saad niya. "akala ko talaga ay hindi ka na magigising pa." Dugtong niya.

Kumunot ang aking noo, "Eh? Grabe ka naman, ilang oras nga lang siguro akong nakatulog nang dahil sa nangyari sa akin." usal ko habang natatawa pa, medyo kinikilig dahil patuloy niya paring hinahalikan ang likod ng mga palad ko.

"Isa lang naman, mahal ko." Aniya.

"Oh? Isang oras lang naman pala..."

"Isang dekada," Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko 'yon.

"Teka teka teka...n-nagbibiro ka lang naman 'di ba?" Paninigurado ko.

Mabilis siyang umiling, "Alam kong mahirap 'yon paniwalaan, mahal ko. Ngunit 'yon ang totoo. Isang dekada kang natulog at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Ang tanging alam ko lamang ay nagising na lang ako, habang ikaw ay mahimbing na natutulog sa tabi ko. Akala ko ay normal ka lang na natutulog, ngunit mali pala ang akala ko. Maraming manggagamot ang umasikaso, pati ang pinaka bihasang mangkukulam ay sinubukan ka ding gisingin, ngunit nabigo lang rin siya. Sinabi niya sa akin na baka ay hindi ka na magigising pa, ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa. At hito na nga, gising ka na. Nakamulat na ang 'yong magagandang mga mata." Pansin ko ang panunubig ng kanyang mga mata.

Napalunok naman ako at unti-unting hinapit ang katawan niya palapit sa akin, para bigyan siya ng isang mainit na yakap.

Ngunit nagtataka lamang ako.

Naaalala ko kasi ay nasa aklatan ako, binuksan ko 'yung dalawa bote na naroroon at bigla na lamang lumindol, tapos nalaman ko rin na 'yung laman nung dalawang bote na 'yon ay sina inay at itay, akmang lalapit sana ako sa kanilang dalawa, kaso nadaganan ako ng cabinet na siyang dahilan upang tuluyan akong mawalan ng malay.

Pero bakit sa pahayag ni Alexis kanina ay nagising siya at nasa tabi niya ako?

Paano ako napunta sa tabi niya nung gabing 'yon? Eh, nasa aklatan nga ako non.

Nalilito ako!

Pero mas hindi ako makapaniwala na sampung taon akong natulog! Isang dekada ba naman!

Seryuso ba 'to???

-*-

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon