CHAPTER 12

306 9 0
                                    


VIANCEY'S POV

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Nilunok ko na muna ang pagkain na laman ng aking bibig para sagutin si Alexis sa tanong niya sa akin.

"Mabuti naman na ang aking pakiramdam," Inabot ko ang isang baso ng tubig na nakapwesto sa gilid ng aking plato para uminom. Busog na rin kasi ako.

"Mahimbing ba ang yung pagtulog kagabi?" Ramdam ko ang pagtitig niya sa mukha ko.

Pasimple naman akong sumulyap sa mukha niya. Napaisip rin ako kung ano ang dapat kung isagot sa tanong niya.

Sasabihin ko ba sa kanya na inistorbo ni Esmeralda ang aking mahimbing na pagtulog kagabi?

Umiling ako, "Subrang himbing ng pagtulog ko," Sagot ko.

Mas mabuti siguro kung huwag ko nalang banggitin sa kanya ang pagbulabog sa akin ni Esmeralda kagabi. Baka'y mag-init pa ang kanyang ulo.

Saka maliit na bagay lang naman... Hindi pala maliit na bagay yung ginawa ni Esmeralda sa akin kagabi.

Nagpapahalata lang talaga siya na wala siyang respito sa kapwa bampira niya.

"Hindi ka na kakain? Hindi mo pa ubos ang yung pagkain."

Umiling nalamang ako at humawak sa aking tiyan sabay marahan iyung hinaplos. "Busog na ako," Bulalas ko rin.

Bumuntong hininga siya sabay pitik ng tatlong beses ng kanyang kanang kamay. Matapos ang tatlong pitik na 'yon ay bigla nalang may bampirang katulong ang sumulpot dito sa loob ng hapagkainan.

Walang imik na kinuha nung bampirang katulong yung pinagkainan ko at pagkatapos ay walang imik parin itong nawala sa paningin ko.

Galing ng katulong nila, ah.

"Nasaan pala yung iba pa nating kasama dito sa mansyon? Kanina ko pa kasi napapansin na tayong dalawa lamang ang nandito at yung katulong na sumulpot kani-kanina lang." Ikinalat ko ang aking paningin sa paligid, nagbabakasakaling may mahagilap akong iba pang kasama namin dito sa loob ng mansyon.

"Nagpapahinga pa sila. Siguro'y natutulog pa sila ngayon sa kanya-kanya nilang mga kabaong." Sagot niya sabay tayo.

"Si Roddy at Cass? Nasaan sila? Kanina'y napansin kong hindi mo sila kasama sa pag-uwi mo." Muli akong nagtanong.

"Kasabay ko sila kanina, pero dumiretso sila sa kanilang mga kwarto. Siguro'y magpapahinga."

Tumango ako at tumayo na rin, "Ikaw? Hindi ka ba magpapahinga? Mukhang pagod ka at halata sa iyong mga mata na antok ka na."

"Ihahatid na muna kita sa kwarto mo." Aniya at bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko.

Napatingin naman ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. Alam kong mag teteleport kami ngayon patungo sa kwarto.

"Pwede mo ba akong turuan ngayon kung paano mag teleport?" Tanong ko. Nakatingin parin ako sa kamay namin.

"Saulo mo na ba yung hitsura nung kwarto mo?" Tanong niya.

Napaisip muna ako, kaya hindi ko kaagad nasagot ang tanong niya. Kabisado ko na ba?

"Oo, kabisado ko na." Sagot ko sabay ngiti ng kaunti.

Yumuko siya at tinaasan ako ng kilay. "Sigurado ka?" Tanong niya.

Ngumuso ako sabay tango.

"Madali lang naman gawin ang pagteteleport. Isipin mo lang ang buong hitsura ng lugar na gusto mong puntahan." Aniya.

"Ibig sabihin ay iisipin ko lang ngayon ang buong hitsura nung kwarto ko dito sa mansyon? Napakadali lang naman palang mag teleport. Akala ko ang hirap hirap niyan." Natatawa kong sabi.

Ngumisi lang siya, "Madali lang naman pala. Pumikit kana at subukan mong mag teleport patungo sa kwarto mo." Saad niya na agad ko namang sinunod.

Pumikit ako at inisip ang hitsura ng aking kwarto. Inisip ko rin na doon ako patungo ngayon.

Ilang sandali pa lang ay bigla akong nakaramdam ng isang napakalakas na pwersa na parang bumabalot sa aking katawan.

Ilang sigundo rin akong binalot nung pwersa na 'yon, hanggang sa may naririnig na akong lagaslas ng tubig.

Narinig kong napamura si Alexis na nasa aking tabi, pero hindi nalang 'yon pinansin.

Marahan ko nalang iminulat ang aking mga mata at medyo nagtataka kung bakit may lagaslas ng tubig akong naririnig.

Sa aking pagdilat ay malakas akong napatili nang sumalubong sa paningin ko ang isang babae na naliligo.

Hubad ito at medyo nakatuwad pa kasi abala siya sa sabon sa kanyang mga binti. Mukhang hindi pa napansin nung babae na nandito kami ngayon sa loob ng banyo niya.

Pero nung marinig niya ang aking pagtili ay napatili rin siya sabay harap sa amin. Sinusubukan niya ring takpan ang kanyang nakahubad na basang katawan gamit ang kanyang dalawang palad.

Gusto ko pa sanang magsalita at tanungin kung saan kami napunta sa pag teleport, kaso bigla nalang nandilim ang aking paningin at ilang sigundo pa lang ay nasa kwarto na kaming dalawa ni Alexis.

"Madali lang palang mag teleport sa banyo ni ina?" Matalim kong tinignan si Alexis nang dahil sa sinabi niya.

Medyo natatawa pa siya.

Natatawa siya sa katangahan na nagawa ko.

Madali lang naman yung pag teleport, eh. Nagawa ko nga agad ng walang kahirap-hirap, kaso sa banyo ng nanay niya nga lang kami napunta.

May bonus pa. Kasi naliligo pala yung ina niya.

Teka! Teka! Teka!

"Nanay mo 'yung naliligo?" Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung sino yung naliligo.

"Oo, si ina 'yon? Bakit may problema ba?" Painosente niyang tanong, halatang pinipigilan niya ang kanyang sarili na matawa.

Namimilog naman ang aking mga mata at hindi na ako nakaimik. Kung yung nanay niya yung naliligo?

Lagot ako!

Siguradong magagalit sa amin yung nanay niya. Siguro'y mas mabuting huwag na muna akong lumabas sa kwarto ko. Baka'y makasalubong ko yung nanay niya sa labas at mapagalitan ako sa nagawa ko.

Inistorbo namin yung pagligo niya!

"Huwag kang mag-alala, aangkinin ko yung nagawa mong kat*ngahan." Aniya at naramdaman kong binitawan niya ang kamay ko.

Gusto ko sana siyang sigawan at sabihin na hindi ako t*nga, pero sa pagkakataong ito ay masasabi ko rin sa sarili ko na t*nga nga ako.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko nasabi kanina na madali lang mag teleport.

Napah*ya tuloy ako.

'Yan, Via.

Maging mahangin ka pa!

'Yan tuloy ang napala mo ang mapah*ya.

"Aalis na ako," Muling nagsalita si Alexis. "Sa susunod pala. Kabisaduhin mo muna nang mabuti itong kwarto mo para hindi kana lumapag sa maling banyo." Dagdag niya pa.

Sumimangot lang ako at inirapan siya.

Ngumisi lang siya at sa isang kurap mata ay nawala siya sa paningin ko na parang bula.

Humakbang naman ako patungo sa kama ko at umupo sa dulo non. Natatakot ako sa nanay ni Alexis, pero para naman akong tanga na nakangiti ngayon.

Paano ba naman.

Eh, mukhang mas nakabisado ko kaagad yung p*wet ng nanay ni Alexis kaysa sa hitsura ng kwarto ko.

Naalala ko pa nga, eh.

Subrang kinis nung p*wet ng nanay niya, pero medyo maitim yung singit.

Alam kung medyo malaswa itong pinagsasabi ng utak ko, pero 'yon yung totoo.

Nakita ko lang rin naman.

Natatawa nalang akong humiga at niyakap ang isang malambot na unan.

Madali lang talagang mag teleport, pero sa banyo ng may banyo tapos may bonus pang naliligo.

-*-
TO BE CONTINUE...

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon