CHAPTER 26 (WAKAS)

603 16 0
                                    


VIANCEY'S POV

Suot ko ang puting bestida na napili namin kahapon ni Alexis na susuotin ko ngayon sa kasal namin.

"Senyorita, nandito na po ang mga bulaklak mo." Napalingon ako sa bampirang katulong na biglang sumulpot sa gilid ko. May hawak siyang tatlong malalaking kulay puting rosas na hindi pa masyadong namumukadkad, nakatali 'yon gamit ang kulay pulang ribbon.

Nakangiti kong tinanggap ang mga bulaklak at nagpasalamat sa babae, ngumiti lang rin siya at nagpaalam.

Naiwan akong mag-isa dito sa kwarto namin ni Alexis. Nandoon na kasi si Alexis sa lugar kung saan kami ikakasal maya-maya.

Tinitigan ko ang tatlong malalaking bulaklak ng rosas na hawak ko. Medyo pamilyar sa akin ang tatlong rosas na 'to, kung 'di ako nagkakamali ay 'to 'yung tatlong rosas na nakita ko noon na nakapatong sa ibabaw ng kabaong na nandito sa kwarto ni Alexis.

Inilibot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng kwarto, napatigil ako nang makita ko ang kabaong na siyang hinahanap ko. Nakapwesto na 'to ngayon sa pinakadulong bahagi ng kwarto, may mga pulang kandila parin na nakatirik sa mismong ibabaw ng kabaong, ngunit 'yung tatlong puting rosas ay wala na doon dahil hawak ko na 'to ngayon.

Doon na pala 'yon nakalagay, kaya pala hindi ko na napapansin.

Inilihis ko ang aking paningin sa kabaong. Lumakad ako patungo sa bintana nitong kwarto at sumilip roon. Mula dito sa kwarto ko ay kitang-kita ko ang lugar kung saan kami ikakasal mamaya ni Alexis.

Napapaligiran ng mga kulay puting bulaklak na dekorasyon ang buong lugar. Marami na rin ang mga bisita. Nakita ko rin si Alexis na nakatayo sa 'di kalayuan kasama ang mga kapatid niya, seryuso ang mukha niya na nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga kuya niya.

Tumalbog ang aking puso nang marinig ko ang pagtunog ng malaking kampana na naroroon sa pinakatuktok nitong mansyon. Matapos ang pagtunog ng kampana ay napalingon naman ako sa pintuan ng silid namin ni Alexis nang may kumatok roon.

Mabilis akong lumapit sa pintuan at binuksan 'yon, bumungad sa akin ang tatlong katulong na silang maghahatid sa akin roon sa baba. Ngumiti sila sa akin, kitang-kita ko kung gaano ka puti ang kanilang mga ngipin.

"Magsisimula na po ang seremonya, senyorita Via." Sabay nilang sabi.

Ngumiti lang ako. Marahan akong humakbang palabas sa kwarto at naunang naglakad patungo sa lugar kung saan ako at si Alexis ngayon ikakasal.

Nang marating namin ang lugar ay agad na nagsimula ang seremonya. Nakatayo kami pareho ni Alexis sa harapan ng isang mangkukulam. Ang mangkukulam na 'to ay siyang magkakasal sa amin ngayon.

Habang nagsasalita ng kung ano-ano ang mangkukulam ay magkahawak naman ang pareho naming kamay ni Alexis, nagtatanong pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Siguro ay napansin niya ang subrang panginginig ng aking kamay.

Kinakabahan kasi ako, kanina pa-kahapon pa talaga! Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari pagkatapos ang kasal na 'to.

Hindi ko na namalayan ang oras, kaya nang ianunsyo nung mangkukulam na kami ni Alexis ay opisyal na na mag-asawa at pwede na niya akong halikan ay medyo nagulat pa ako.

Ramdam ko ang mga titig sa amin nun mga bampira at kung ano-ano pang klasi ng maligno na nandito. Alam kong inaabangan nila kung paano magdikit ang mga labi namin ng aking asawa.

Asawa na ang tawag ko kay Alexis, dahil 'yon na kami ngayon. Opisyal na kaming mag-asawa.

Dahan-dahan na yumuko si Alexis sa akin at ako'y hinalikan, nakapikit na lamang ako nang magdikit ang aming mga labi, kasunod naman non ang isang napaka masigabong palakpakan at hiyawan galing sa mga bisita namin.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon