CHAPTER 13

323 8 0
                                    


VIANCEY'S POV

"Mabuti naman at naisipan mo akong bisitahin dito sa kwarto ko," Sabi ko kay Cass nang makita ko siyang tumagos sa pintuan nitong aking kwarto.

Ngumiti ang multo sa akin, "Ang gwapo talaga ni Roddy." Aniya at mas lumawak ang ngiti niya. Halos umabot na ang magkabilang dulo ng kanyang labi sa kanyang magkabilang tainga.

Haysss... Itong multo na 'to. Akala ko si Alexis ang gusto niya, 'yon pala ay si Roddy.

"Pumunta ka lang ba dito sa kwarto ko para sabihin 'yan?" Tanong ko.

Mabilis siyang umiling-iling. Marahan siyang lumutang palapit sa aking kama at umupo sa dulo nito.

"Nandito ako kasi gusto kong sabihin sa 'yo na galit na galit yung nanay ni Alexis ngayon. Galit siya sa inyong dalawa. Kasi naliligo raw siya, tapos bigla nalang daw kayong sumulpot sa likuran niya sa kalangitan nang kanyang pagligo."

Medyo napangiwi ako sa kanyang mga sinabi. Nagalit nga sa amin yung ina ni Alexis.

Pero natural lang rin na magalit siya sa amin. Kahit ako siguro yung nasa sitwasyon niya ay magagalit din ako.

"Na palpak lang ako ng pag teleport, hindi ko rin naman inaasahan na sa banyo kami ng nanay niya mapupunta. Saka, 'yon ang pinaka unang beses kong sinubukang mag teleport magmula nang suot ko ang kwintas na 'to." Usal ko.

Namilog ang dalawang mata ni Cass. "Ibig sabihin ay nagsinungaling si Alexis sa nanay niya? Narining ko kasi kanina si Alexis at yung nanay niya, nag-usap sila kanina doon sa kwarto ni Alexis. Pinagalitan pa nga si Alexis, dahil sa ka dami-dami raw nang pwedeng pag teleportan niyo ay bakit pa raw sa mismong banyo niya kayo dumapo."

"Paano ka naman napunta sa kwarto ni Alexis?" Nagsalubong ang aking dalawang kilay.

Humagikhik si Cass, "Syempre... Yung mga kasambahay nila ditong bampira ay kaibigan ko na, tapos sa kanila ko nalaman yung na ganap kanina. Kaya gumawa ako nang sarili kong imbistigasyon para nang sa ganon ay malaman ko yung totoong nangyari. Tapos habang ginagawa ko yung imbistigasyon ko ay napadaan ako sa kwarto ni Alexis. Nong una'y lalampasan ko lang sana yung kwarto niya, kaso narinig ng dalawa kong tainga yung boses niya at yung boses ng ina niya na nag-uusap, tapos parang galit yung nanay niya sa kanya. Dahil may imbistigasyon nga akong ginagawa tungkol doon sa nangyari, nakinig ako sa usapan nila. Galit na galit pa nga yung inay ni Alexis at nung akuin ni Alexis yung kasalanan, ayaw sanang maniwala nung ina ni Alexis, pero kinumbinsi siya nung lalaki, kaya sa huli ay naniwala naman." Tinuro ako ni Cass, "Alam mo bang ikaw yung pinaghihinalaan nung nanay ni Alexis na namali nang pag teleport, tapos tama pala siya. Tama yung hinala ng nanay ni Alexis."

Natameme nalang ako matapos kong marinig yung mga pinagsasabi ni Cass. Medyo nakokonsensya tuloy ako sa kanya, kasi dapat ako yung nakatanggap nung mga salitang ibinato ng nanay niya sa kanya.

Akala ko, nagbibiro lang siya don sa sinabi niyang aangkinin niya yung k*tangahan na nagawa ko. Hindi pala!

Siguro kung pupunta siya dito sa kwarto ko ay dapat ko siyang pasalamatan sa ginawa niya.

Mabait din pala siya nang kunti.

Kunti lang.

Malay ko ay nagbabait-baitan lang siya sa akin kasi nandito kami ngayon nakatira sa mansyon nila.

Pero napansin ko rin, ah.

Nakikita ko na siyang ngumiti, hindi na masyadong blangko ang mukha niya.

"Alis na ako," Kumaway kaway pa ang g*gang multo habang unti-unting tumatagos palabas nitong dingding ng kwarto ko.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon