CHAPTER 4

454 16 0
                                    


Viancey Veniegas Rodriguez's POV
-*-

Namimilog ang aking mga mata habang hawak ang leeg ko na dinilaan ni Alexis.

Sunod-sunod ang aking paghinga pati ang kabog ng aking dibdib, sunod-sunod rin ang aking paglunok.

Hindi ako makapaniwala na ginawa niya iyon.

Ang akala ko talaga ay kakagatin niya ako, yun pala'y didilaan lang.

Unti-unti akong tumingin kay Alexis na ngayo'y nakahandusay sa harap ko.

Bigla nalang kasi siyang nawalan ng malay kanina habang dinidilaan niya ang leeg ko.

At wala akong ideya kung bakit siya nawalan ng malay.

"Ano? Hahayaan mo nalang ba iyang bampirang iyan na humandusay diyan sa sahig?" Tanong ni Cass sa akin.

Lumunok muna ako bago siya sinagot. "Ano ba ang dapat kong gawin?"

Napasapo sa noo ang multo. "Lutang ka ba, Via? Nawalan ng malay yung bampira. Siguro dapat mo siyang dalhin sa isang lugar na komportable." Aniya at itinuro ang pintuan ng kwarto ko.

Kaagad ko namang nakuha ang nais niyang ipahiwatig.

Napabuga nalang ako ng hangin at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Nang mabuksan ko na iyon ay bumaling ako sa walang malay na bampira, yumuko ako at dinampot ang dalawa niyang kamay.

Hihilahin ko nalang siya papasok sa kwarto, kasi hindi ko naman siya kayang buhatin.

Hindi naman kasi ako sing lakas niya.

Isang normal na tao lang ako, kaya wala akong abnormal na lakas na tulad sa kanya.

Bakit ba kasi bigla nalang siyang nawalan ng malay?

Habang nakahiga siya sa sahig ay hinihila ko siya papasok sa aking kwarto.

Pero maingat parin ang paghila ko sa kanya, dahil mahirap na at baka magasgasan pa ang kanyang makinis at maputlang balat.

Nang maipasok ko na siya sa kwarto ko. P'wersahan ko ulit siyang hinila pahiga sa aking kama.

Dito ko muna siya ipwepwesto hangga't wala pa siyang malay.

Saka wala rin akong choice, kundi dito siya sa kwarto ko dalhin.

Hindi ko pa kasi nalinisan yung kwarto na balak kong ipagamit sa kanya.

Nang naipwesto ko na siya nang tama sa aking kama ay agad na akong lumabas sa aking kwarto.

Nakasunod naman sa akin si Cass sa bawat galaw ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Cass sa akin nang napansin niyang sa kabilang kwarto ako patungo.

"Aayusin ko lang yung kwartong gagamitin niya mamaya." Sagot ko.

Hindi na umimik si Cass.

Binilisan niya lang ang kanyang paglutang, kaya mas nauna pa siyang nakarating sa kabilang kwarto. Tumagos lang siya sa dingding kaya nandoon na siya ngayon sa mismong loob ng kwarto.

Nang makarating na ako sa harapan ng kwarto ay kaagad kong binuksan ang pintuan nito.

Kaagad akong napatakip sa aking bibig at ilong, dahil sumalubong sa akin ang mga alikabok na nakapundo sa kwartong ito.

Medyo matagal ko na rin kasi itong hindi na lilinisan. Sasabihin ko nalang na hindi ko na inaalagaan ang kwartong 'to.

Humakbang ako papasok sa kwarto habang nakatakip parin ang kaliwa kong palad sa bibig at ilong ko.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon