Viancey Veniegas Rodriguez's POV
-*-Suot-suot ko ang mask na binili ko sa tindahan ni aling Be habang nililinis ko ang silid na ipapagamit ko kay Alexis.
Kinse minutos na rin akong naglilinis dito sa silid na 'to, kasama ko sa bawat galaw ko ang multong si Cass.
Pero tanging nagagawa niya lang ay tingnan ako at turuan kung ano ang mga tama kong gawin.
Kung makaasta ang multong 'to ay parang hindi lang siya nakikitira dito sa bahay ko.
"Bakit pink iyang bedsheet na dala mo, Via? Babae ba si Alexis para pagamitin mo siya ng pink? Saka bampira siya, kaya mas bagay sa kanya ang pula o kaya'y itim, basta yung mga madidilim na kulay na hindi nakakasilaw sa mata." Namewang pa siya habang nakatingin sa yakap kong bedsheet na plano ko sanang gawing pampalit doon sa lumang bedsheet ng kama dito sa kwartong nililinisan ko.
Punong puno na kasi ng mga alikabok yung dating bedsheet, kaya kailangan kong palitan.
"Gray? Pwede na ba yung gray?" Tanong ko.
Mabilis siyang tumango,"Oo, yung gray. Bakit ba kasi pink iyang dala mo? Akala mo siguro babae yung gagamit ng kwartong 'to." Aniya habang umiiling-iling pa.
Hindi ko nalang siya pinansin. Lumabas nalang ulit ako sa kwarto dala ang pink na bedsheet, papalitan ko nalang ng gray.
May punto rin kasi yung multo na yun.
Bumalik ako sa kwarto ko. Ibinalik ko yung pink na bedsheet sa pinagkuhanan ko nito, yung gray naman na bedsheet ang inilabas ko.
Yakap ko ang gray na bedsheet at akmang lalabas na sana ako sa kwarto ko, kaso bigla ko nalang narinig na umungól si Alexis na ngayo'y wala paring malay.
Lumalakas yung ungol niya na parang nasasaktan.
Medyo kinabahan naman ako dahil doon, kaya agad akong lumapit sa kanya upang masuri ko kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya.
"H-hoy! Gising!" Inilagay ko muna sa gilid ng kama yung bedsheet na yakap ko, para maging malaya ang dalawa kong kamay na maialog ang katawan niya.
"Arrggg!" Galit na galit ang ungol niya.
Yung tipong may kaaway siya habang tulog.
"G-gising! Hoy lalaki!" Muli kong inalog ang katawan niya at sa pagkakataong ito ay mas malakas na yung pag alog ko sa katawan niya.
Ngunit hindi parin iyon umeepekto sa kanya para magising ko siya.
Sa tingin ko ay nasa isang napakalalim na panaginip siya ngayon at mukhang nahihirapan siyang lumabas sa panaginip niya.
Mukhang binabangungot ang bampirang ito.
"Gising! Gising! Gising! Binabangungot ka, lalaki!" Sigaw ko.
Nagawa ko pang sumakay sa kama, para lang mas makakuha ng saktong pwersa sa pagyugyog ko sa katawan niya.
Ilang beses kong niyugyog ang katawan niya, hanggang sa biglaan nalang siyang bumangon habang hingal na hingal.
Namumula rin ang kanyang mga mata at nakalabas nang kaunti ang mga pangil niya, yung mga kaugatan niya naman ay bakat na bakat.
Umayos siya ng upo habang nakatitig siya sa mga mata ko, ako naman ay hindi ko magawang mag-iwas tingin sa mga mata niya.
Parang naaakit kasi ako sa mapulang kulay ng mga 'yun.
Sing pula ng d*go.
"Anong nangyari?" Tanong ni Cass na bagong sulpot lang dito sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
VIA VENIEGAS AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)
FantasíaAng istoryang ito ay tungkol sa isang babae na pumayag na magpanggap bilang isang nobya ng isang makisig at gwapong bampira na bunsong anak ng pinuno ng mga bampira. Kung nais mong malaman ang lahat ng mga magaganap sa kwento. Ano pang hinihintay m...