CHAPTER 6

427 16 0
                                    


Viancey Veniegas Rodriguez's POV
-*-

"Kapatid, mukhang natakot ata si babae nang dahil sa sinabi mo." Nagsalita yung lalaking nagngangalang Roddy.

Napansin ko rin na tinawag niyang kapatid si Alexis, ibig sabihin ay magkapatid silang dalawa?

Pero taong lobo itong si Roddy, habang itong si Alexis naman ay isang bampira.

Paano sila naging magkapatid?

"Taong lobo ang ina namin at bampira naman ang ama namin." Muling nagsalita si Roddy.

Napatitig ako kay Roddy nang dahil don. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"May kakayahan kaming bumasa ng isipan ng isang tao, lalo na't bukas palagi ang isipan nito. Tulad ng isip mo, bukas ang isip mo kaya nabasa ko ang iniisip mo." Muling nagsalita si Roddy.

Kinagat ko nalang ang dulo ng sarili kong dila.

Nalimutan kong kaya pala nilang basahin ang isip ng isang tao na tulad ko.

Nakalimutan kong marami palang kakayahan ang mga bampira at mga taong lobo na tulad nilang dalawa.

Kakayahan na hindi kaya ng isang ordinaryong tao na tulad ko.

"Ano, babae? Pumapayag ka bang dito na muna kami mananatili ni kapatid?" Tanong ni Alexis, kaya sa kanya ko naman ibinaling ang paningin ko.

Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagsalita.

"Ilang araw kayong mananatili dito sa pamamahay ko?" Tanong ko.

"Hindi namin alam." Nagkibit-balikat ang bampira.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong hindi mo alam? Dapat may limitasyon rin ang pagtira niyo dito sa bahay, pati na rin yung napagkasunduan natin, lahat yun may limitasyon."

"Anong napagkasunduan niyo, kapatid?" Tanong ni Roddy.

"Na protektahan niya ako." Mabilis siyang sinagot ni Alexis.

Kumunot ang noo ni Roddy. "Protektahan? Sa paanong paraan ka niya poprotektahan? At kanino ka naman niya poprotektahan? May mga kalaban ka ba? At bakit itong mortal na 'to ang napili mong pomotrekta sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong ni Roddy kay Alexis, animo'y wala itong alam sa nangyayari sa kapatid niya.

"May kasalanan kasi ako kay ama, kaya hinahanap ako ngayon nung mga alipin niyang espirito. Kailangan ko ang babaeng ito, dahil may kakayanan siyang makakita ng mga kaluluwa." Sagot ni Alexis kay Roddy.

"Anong kasalanan at bakit mukhang galit na galit sa 'yo si ama?" Tanong ni Roddy.

"Mahabang kwento." Muling tumingin si Alexis sa akin. "Ano? Papayag ka ba na dito na muna kami titira sa bahay mo, babae?" Muli niya akong tinanong.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko. Ang problema ko lang ngayon ay magsasaing na naman ulit ako, kasi sigurado akong kulang na sa ating tatlo yung kanin na nasa rice cooker." Litanya ko, "Oh, sige, pwede na kayong lumabas dito sa kwarto ko. Doon na muna kayo sa sala o kaya'y doon sa kabilang kwarto." Taboy ko sa kanilang dalawa.

"Salamat, Viancey, dahil pumayag ka na dito na muna kami mananatili nitong kapatid ko. Hayaan mo, babayaran ka rin namin." Ngumiti si Roddy.

"Hindi ko kailangan ng bayad, hindi ako mukhang pera. Ang gusto ko ay lumabas na kayo dito sa kwarto ko, nakakaumay iyang mga mukha niyo." Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi magtaray at mainis sa kanilang dalawa.

Pero mas naiinis ako sa mukha ni Alexis. Walang ka reaksyon-reaksyon ang mukha niya ngayon habang nakamasid sa aming dalawa ni Roddy.

"Sige, lalabas na kami." Saad ni Roddy at bigla nalang siyang nawala sa paningin ko.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon