CHAPTER 25

355 10 0
                                    


VIANCEY'S POV

"Iha, gising ka na pala." Napalingon ako kay Ernesto nang marinig ko ang boses niya sa aking likuran. "Pwede ba tayong mag-usap, iha?" Tanong niya.

Luminga-linga naman ako sa paligid. Hinanap ko si Alexis at nakita ko siyang nakatalikod sa pwesto ko, kausap niya ang mga katulong na aasikaso dito sa lugar kung saan kami ikakasal bukas.

"Saan po ba tayo mag-uusap? Saka, ano naman po ang pag-uusapan natin?" Muli akong bumaling kay Ernesto.

"Dito lang tayo mag-usap," Sagot niya. "tungkol sayo ang mga pag-uusapan natin." Dagdag niya.

Medyo kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Medyo nagtataka lang ako at nakakaramdam ng kunting kaba.

"Noong gabing 'yon, nakita kita na pumasok sa aklatan."

Namilog ang aking mga mata sa sinabi niya.

"Nandoon ako sa pangyayari, kitang-kita ko kung paano mo magawang buksan nang walang kahirap-hirap ang dalawa bote na 'yon. Nakabantay ako sayo noong gabing 'yon." Pagpatuloy niya pa.

"Paano? Sa pagkakaalam ko ay ako lamang mag-isa sa loob-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla na lamang siyang maglaho sa paningin ko at mabilis lang rin bumalik.

"May kakayahan akong mawala sa paningin ng isang nilalang, 'yun ang ginamit ko sa 'yo nung gabing 'yon. Pati sa paghatid ko sayo sa kwarto niyo ni señorito Alexis, ginamit ko ang kakayanan ko na 'yo." Wala akong ibang naging reaksyon, kundi ang mapanganga.

Kung pwede pa lang ay kanina pa nahulog sa sahig ang panga ko.

Siya pala ang naghatid sa akin sa kwarto namin ni Alexis nung gabing 'yon.

"Ginamit ko rin ang kakayahan ko na alisin ang sakit ng katawan mo, pati ang mga galos at sugat mo. Ginawa ko 'yon upang hindi maghinala si Alexis na ikaw ang may kasalanan sa nangyari sa kanilang aklatan."

"Ibig sabihin ay alam mong ako ang babaeng hinahanap nila? Alam mo na ako 'yung anak nung dalawang mortal na 'yon?" Kita ko siyang marahan na tumango, marahan naman akong napaatras papalayo sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, mula nung una pa lang ay alam ko na kung sino at ano ka talaga." Aniya.

"Paano?" Naguguluhan na ako.

Bakit niya alam?

"Kilala kita mula noong bata ka pa lang, iha. Ako 'yung nagbabatay sa 'yo noon doon sa bayan tuwing nandito sa mansyon ang 'yong mga magulang; nagtatrabaho."

"Ikaw 'yung tagapag-alaga ko noon?" Tipid siyang ngumiti at marahan na tumango bilang sagot niya sa 'kin.

"Alam ko rin kung bakit sila nahihirapan na hanapin ka. Dahil diyan sa mahiwagang kwintas na suot mo." Tumingin siya sa kwintas na nakapulupot sa leeg ko. "Ang mga katawan pala ni Emiliano at Gloria, nakatago sila sa ilalim nitong mansyon."

"Paano? Eh, nilibing na namin si ama at ina..."

"Hindi sila 'yon, peke ang mga katawan na 'yon at mga gawa lang sa kahoy, nilinlang lamang nila ang 'yung mga mata. Ang orihinal nilang katawan ay hawak na Don Custodio." Ngumiti siya sa akin. "Maraming panganib ang paparating para sayo, ngunit lahat ng 'yon ay matatakasan mo ng walang kahirap-hirap, iha. Magtiwala ka lang, magigising ka rin sa bangunguot na 'to."

Hindi na ako naka-imik pa. Tumango nalang ako nang mag-paalam nang umalis si Ernesto

Naiwan ako dito sa aking kinatatayuan na naguguluhan.

Bumuga ako ng hangin upang pakalmahin ang aking sarili. Lumingon ako kay Alexis nang marinig ko siyang tawagin ako.

Sa aking paglingon sa kanya ay nakita kong kasama niya na ang mga mangkukulam na pinatawag nila upang gumawa ng damit pangkasal ko.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon