Viancey Veniegas Rodriguez's POV
-*-Napanganga ako nang makita ko ang buo kong repleksyon sa malaking salamin na nakapwesto sa aking harapan.
Suot ko ngayon ang isang mamahaling bestida na ibinigay sa akin ni Alexis kanina.
Kulay pula ang bestida na 'to, kaya pansin na pansin ang maputlang kulay ng aking balat.
"Bagay na bagay sa 'yo ang bestidang bigay ng iyon nobyo." Kunot ang aking noo na sumulyap kay Cass na biglaang sumulpot sa aking tabi.
"Nobyo?" Medyo umangat ang isa kong kilay.
Mahinang tumawa si Cass. Nagawa niya pang lumutang paikot sa akin.
"Hindi ba't pupunta kayo ngayon ni Alexis sa kanilang mansyon, dahil ipapakilala ka niya bilang kanyang nobya?" Muli siyang bumalik sa kanyang pwesto kanina.
"Magpapanggap lang kami," Humarap ako sa kanya, "Gano'n lang 'yon." Mariin kong sabi.
Nagkibit-balikat siya, "Sige, kung 'yon ang gusto mo." Aniya, ngunit hindi parin nabubura sa kanyang maputlang labi ang nakakalokong ngisi.
Bumuga na lamang ako ng hangin at hindi siya pinansin. Muli akong bumaling ng tingin sa salamin, upang muling tingnan ang kabuohan ng aking sarili.
"Wala ka bang planong lagyan ng kahit na kunting kolorete ang 'yong mukha? 'Yon nalang ang kulang sa 'yo upang matapos ka na sa pag-aayos." Muli kong narinig ang boses ng multo.
Hindi ko siya sinagot, humakbang nalang ako patungo sa side table ng aking kama, dahil naroon ang mga kahon na naglalaman ng mga koloreteng nararapat kong gamitin sa aking mukha.
Kunting kolorete lang ang aking nilagay sa aking mukha, para naman medyo mabigyan ng buhay ang maputla kong mukha.
Matapos kong ayusan ang aking sarili ay agad akong lumabas sa aking kwarto, nakasunod naman sa akin si Cass patungong sala, dahil nandoon si Alexis at Roddy-hinihintay kaming dalawa.
Pagkarating namin sa sala ng aking bahay, kaagad na tumayo ang dalawang magkapatid.
"Tingin-tingin mo?" Tinaasan ko ng kilay si Alexis nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin.
"Hindi naman siguro bawal ang tumingin sa isang coloring book?" Tanong niya.
Mas lalong tumaas ang isa kong kilay, "Anong coloring book? Itong mukha ko coloring book?" Nanlaki ang aking mga mata, habang nakaturo pa sa aking sarili.
Hindi na siyang umimik. Nabigla nalang ako nang hawakan niya ang isa kong kamay.
"Anong gagawin natin?" Tanong ko.
"Isasabay kita sa pag teleport ko." Sagot niya, hindi na siya sa akin nakatingin kundi sa kawalan.
"Diba kaya ko naman din gawin ang mga kakayahan niyong mga bampira?" Muli akong nagtanong.
"Oo, pero ang tanong, kaya mo bang kontrolin agad-agad ang kakayahan na meron ka ngayon?" Balik tanong niya sa akin.
Medyo napanguso nalang ako, kasi alam ko sa sarili ko ang sagot sa tanong niya.
Syempre, hindi ko pa kayang kontrolin ang mga kakayahan na meron ako ngayon bilang isang bampira.
Eh, tao naman kasi talaga ako. Naging bampira lang ako, dahil sa kwentas na ibinigay niya sa akin.
Napabuntong hininga nalamang ako, "Sige, pero turuan mo rin ako kung paano ko ikontrol yung mga kakayahan ko na meron ako ngayon bilang isang tulad mo." Wika ko.
Pansin kong tumango lang siya.
Hindi nalang rin ako umimik sa kanya, bumaling nalang ako ng tingin kina Cass at Roddy na ngayo'y magkatabi.
BINABASA MO ANG
VIA VENIEGAS AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang babae na pumayag na magpanggap bilang isang nobya ng isang makisig at gwapong bampira na bunsong anak ng pinuno ng mga bampira. Kung nais mong malaman ang lahat ng mga magaganap sa kwento. Ano pang hinihintay m...