CHAPTER 8

416 13 0
                                    


Viancey Veniegas Rodriguez's POV
-*-

"Mabuti naman dahil nailigtas mo si Via sa mga alagad ni ama." Rinig kong sabi ni Roddy kay Alexis.

Tinanong kasi ni Roddy kung bakit may mga kalmot at galos ako sa aking balikat, kaya naikwento ko sa kanya ang mga nangyari kagabi.

Umaga na kasi nakauwi, may dala pa siyang isang box na puno ng mga supot na may lamang d*go ng mga hayop na nadakip nila kagabi sa kanilang pangangaso.

"Naamoy ko kasi ang mga tauhan ni ama, hindi rin naman inaasahan na dala-dala nila ang babaeng 'yan." Rinig ko namang sagot ni Alexis sa kanyang kapatid.

Ibig sabihin ay aksedente lang yung pagligtas niya sa akin. Hindi niya talaga intensyon na iligtas ako sa mga alagad ng ama nila kagabi.

Sabihin nalang natin na napilitan lang siyang iligtas ako, kasi nandoon na siya kagabi.

"Mukhang galit na galit talata sa 'yo si ama. Ano ba kasi yung nagawa mong kasalanan?" Muling nagtanong si Roddy.

Mukhang hindi pa naikwento ni Alexis sa kanyang kapatid yung nagawa niyang kasalanan.

Ramdam kong sumulyap si Alexis sa akin bago siya muling nagsalita. "Maaari mo ba muna kaming iwan babae?"

Ngumiti naman ako. "Oo naman," Saad ko at saka marahang tumayo.

Naglakad ako palabas sa sala, tumungo nalang ako sa kusina para tingnan yung sinaing ko.

Hays...

Ano ba yung nagawa niyang kasalanan sa kanyang ama? Bakit parang ayaw niyang iparinig sa akin?

O sadyang masyadong pribado yung usapan na yon.

Matapos kong makitang luto na ang aking sinaing, hinulbot ko na yung rice cooker sa saksakan.

Muli akong lumabas sa kusina, dumiretso ako sa hagdanan para tumungo na sana sa aking kwarto.

Pero ilang hakbang pa lang ang aking nagawa ay aksidente kong narinig ang mga boses nila Alexis at Roddy.

Mahihina lang yung mga boses nila habang nag-uusap, halos pabulong pa nga eh.

Ngunit sadyang bagong linis itong mga tainga ko, kaya subrang talas ng pandinig ko ngayon.

"Ano? Ginawa mo 'yon kay Esmeralda?" Mahinang tumawa si Roddy. "Kaya naman pala galit na galit si ama sa 'yo. Grabe naman pala yung ginawa mo kay Esmeralda. Alam mo naman na matagal ng gusto ni ama na maikasal kayo ni Esmeralda, pero bakit mo parin nagawang takbuhan si Esmeralda sa mismong araw ng kasal niyo? Hindi mo ba naisip noong araw na 'yon na posibleng magalit si ama sa 'yo, pati ang mga angkan ni Esmeralda."

Napaawang ang aking mga labi nang dahil sa sinabi ni Roddy.

'Yon ba yung kasalanan na nagawa ni Alexis sa kanyang ama?

Tinakbuhan niya ang babaeng gustong ipakasal ni Don Custodio sa kanya.

Malaking kasalanan ang nagawa niya, kaya pala ganon na lamang kalalim ang galit ng kanyang ama sa kanya.

Sa mga bampira kasi, dapat laging sinusunod ng mga anak ang mga gusto ng kanilang mga anak.

Hindi ko na hinintay na sumagot si Alexis sa kanyang kapatid.

Marahan na lamang akong humakbang paakyat ulit sa hagdanan.

Dumiretso ako sa aking kwarto at humiga sa aking kama.

Nakatunganga lang ako habang nakahiga, habang diretso ang mga mata ko sa puting kisame.

May babae na palang nakalaan para sa kanya.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon