VIANCEY'S POV"Sa 'maitim na hardin' na tayo tutungo," Nakangiting wika ni Cass sa akin.
Tipid lamang akong ngumiti at marahang tumango. Tinatahak namin ngayon ang mahabang hallway, galing kami sa isang silid na hindi ko alam ang pangalan.
Sinabi ni Cass sa akin kanina kung ano ang pangalan ng silid na 'yon, ngunit nakalimutan ko. Siguro'y dahil ang isipan ko ay nakatuon doon sa dalawang bote ng mag-asawang espiritu na naroroon sa aklatan nitong mansyon.
Hindi ko lamang kasi maiwasan na hindi makaramdam ng napakalaking kuryusidad doon sa lamang espiritu nung dalawang bote.
May weirdo rin kasi akong pakiramdam doon sa dalawang bote na 'yon.
Ang sabi ni Cass sa akin, mag-asawa raw 'yung dalawang espiritu na nakakulong doon sa bote. Nasabi niya rin na baka may nagawang kasalanan kay Don Custodio 'yung mag-asawa, kaya sila ikinulong nung matandang bampira sa bote at ginagawang tagapagbantay ng aklatan.
"Nandito na tayo!" Galak na anunsyo ni Cass, dahilan naman upang maibalik ako sa aking sarili. "Nandito na tayo sa maitim na hardin, Via!" Humarap siya sa akin nang may malawak na ngiti sa labi.
Kumurap-kurap naman ako at tinapunan ng tingin ang isang napakalawak na maitim na hardin na nasa likuran niya.
Maitim nga lahat!
Mula sa mga halaman, tubig, bato, lupa, hanggang sa mga insekto na abalang nagliliparan sa mga kulay itim na bulaklak.
Muli akong napabaling kay Cass nang mapansin kong hinuhubad niya ang kanyang suot na sapin sa paa.
"Bakit mo 'yan hinuhubad?" Medyo kunot ang aking noo na tanong.
"Naputol," Sagot niya at ipinakita sa akin 'yung isang pares ng sapin sa paa na naputol.
Napangiwi nalang ako. Akala ko hindi napuputulan ng sapin sa paa ang isang multo, napuputulan rin pala.
Hanip!
Nang tuluyan niya nang mahubad ang kanyang mga sapin sa paa, muling ngumiti sa 'kin si Cass.
"Tara, pumapasok na tayo sa loob ng hardin." Aya niya.
Tumango naman ako bilang sagot.
Marahan ang bawat hakbang ko papasok sa hardin na 'yon. Habang si Cass naman ay patalon-talon na parang bata na pinabayaan ng magulang.
Nakakabinging katahimikan ang nandito sa loob ng hardin, tanging 'yung lagaslas lang ng tubig galing sa maliliit na ilog at talon na nandito ang naririnig ko.
'Yung mga insekto kasi na nandito ay tahimik lang rin, parang abalang-abala sila sa mga ginagawa nila na kung ano-ano.
Sa mismong gitna ng hardin ay may mga nakalagay na mga estatwa. Kakaiba ang hitsura nung mga estatwa, para silang totoo.
Humakbang ako palapit sa mga estatwa na 'yon at tinitigan ang mga mukha nila. Nakakatakot ang mga mukha nila, para din silang totoo.
Unti-unti kong inaangat sa iri ang kaliwa kong kamay, dahil plano kong hawakan ang estatwa na nakatayo sa aking harapan, ngunit nabigla nalang ako nang kumurap 'yung dalawang mata nung estatwa.
Mabilis akong napaatras. Gulat ang mga mata ko na nakatingin sa estatwa.
Matinding kilabot ang aking naramdaman dahin sa aking nakita.
Posible kayang buhay ang mga estatwang ito?
O baka naman ay namalikmata lang ako?
Nilunok ko ang sarili kong laway, dahil natuyo ang aking lalamunan dahil sa aking nakita.
BINABASA MO ANG
VIA VENIEGAS AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)
FantasyAng istoryang ito ay tungkol sa isang babae na pumayag na magpanggap bilang isang nobya ng isang makisig at gwapong bampira na bunsong anak ng pinuno ng mga bampira. Kung nais mong malaman ang lahat ng mga magaganap sa kwento. Ano pang hinihintay m...