CHAPTER 21

301 12 0
                                    


VIANCEY'S POV

Sa tingin ko ay kalahating minuto ring magkasama si Esmeralda at 'yung maligno sa ilalim ng patay na punong 'yon. Bago sila biglang nawala na parang bula sa aking paningin.

Rinig ko ang kanilang pag-uusap kanina dahil ginamit ko ang kakayahan ko na patalasin ang pandinig ko, ngunit hindi ko maintidihan ang lengguwahe na kanilang ginamit.

Naging bóbo talaga ako sa parteng 'yon kanina. Nakikichismis na nga lamang ako, wala pa akong naintidihan.

Pero kahit hindi ko maintidihan ang mga pinag-usapan nila, sigurado akong plano 'yon. Isang napakasamang plano. Pakiramdam ko rin ay para sa akin ang masamang plano na 'yon.

Kung ano man ang plano nila para sa akin ay kailangan kong paghandaan 'yon.

Bumuga nalang ako ng hangin at naglakad na patungo sa palikuran nitong kwarto namin ni Alexis. Medyo masakit na ang pantog ko dahil ihing-ihi na talaga ako. Nakalimutan lang 'yon kanina, kasi nakichismis pa ako sa pinag-usapan ni Esmeralda at nung maligno na 'yon.

Matapos kong umuhi ay gumaan ang pakiramdam ko sa aking pantog, kaso bigla namang tumunog ang tiyan ko. Napagtanto ko na hindi pa pala ako kumakain ng hapunan. Gutom na ako!

Lumabas ako sa palikuran at tiningnan si Alexis na nasa mahimbing na pagtulog ngayon. Nais ko sana siyang gisingin at tanungin kung kumain na ba niya, pero sa tingin ko ay subrang himbing talaga ang tulog niya ngayon. Nakakahiya naman kung gigisingin ko siya. Ayaw kong maging katulad ni Esmeralda na walang respito.

Dahil alam ko naman na ang daan patungo sa kusina nitong mansyon ay mag-isa ko nalang 'yon na tinahak. Nais ko sanang mag teleport patungo roon, kaso bigla akong natakot na baka sa ibang lupalop naman ako ng mansyon mapunta.

Baka aksidente pa akong mapunta sa kwarto ni Don Custodio at ng asawa nito, tapos gumagawa pala sila ng milagro. Nako, siguradong mapapat*y ako ni Don Custodio pag nangyari 'yon.

Nang makarating ako sa kusina ng mansyon ay walang bampira roon, tanging ako lamang. Medyo maliwanag ang paligid, dahil sa mga kandila na nandito.

Lumakad ako patungo sa ref nila at marahan 'yung binuksan. Nang mabuksan ko 'yon ay sinilip ko ang mga pagkain na nandoon. Mga pagkain na gawa sa karne lahat, may mga inumin na sigurado akong gawa lang rin sa dugo ng mga hayop o kaya'y sa tao mismo.

Napalunok ako at marahan na inabot ang isang babasaging plato na may lamang ulam, tapos 'yung babasaging bote na may lamang kulay pula na inumin.

Hindi nalang ako mag kakanin, kahit 'yon ang gusto kong kainin. Wala naman kasi akong kanin na nahagilap sa loob ng ref.

Sinarado ko ang ref gamit ang tuhod ko at lumakad na patungo sa lamesa para kumain na. Habang kumakain ako kay todo ang pagngiwi ko. Paano ba'y wala talagang ka lasa-lasa itong kinakain ko.

Subrang tabang!

Hindi ko inubos 'yung kinakain ko. Ibinalik ko nalang ulit 'yon sa loob ng ref, tanging 'yung inumin nalang ang inubos ko. Hindi ko alam kung anong hayop ang pinaggalingan ng dugo na 'to, pero masarap 'yung lasa niya. Maalat, saka biglang nawala ang antok ko.

Naubos ko ang inumin na 'yon, kaya hinugasan ko 'yung bote at pinatuyo gamit ang malinis na basahan. Habang nilalagay ko 'yung bote sa lagayan ng mga bote ay may naramdaman akong dalawang mata na nakamasid sa bawat galaw ko galing sa aking likuran.

Hindi ko pinahalata na nararamdaman ko siya, inayos ko na lang muna 'yung bote. Matapos kong ayusin ang bote ay marahan akong humarap sa may-ari nung mga mata na nakatitig sa akin.

"Away na naman ba ang kailangan mo sa akin, Esmeralda? Kung 'yon ang pakay mo sa akin ay wala akong sapat na oras na nakalaan para mag-away tayo." Wika ko.

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon