Viancey Veniegas Rodriguez's POV
-*-Naniniwala ba kayo sa third eye?
Alam kong karamihan sa inyo ay hindi naniniwala sa third eye, ngunit mayroon ring ibang naniniwala, saka may iba ring hindi sigurado kung maniniwala ba sila o hindi.
Ako, naniniwala ako third eye dahil meron ako.
Nakakakita ako ng mga multo at kung ano-anong maligno.
Katulad nalang ngayon. Nasa harapan ko ang isang nakalutang na babae habang bitbit ang sarili niyang ulo.
Naaamoy ko rin ang napaka lansang amoy na nanggagaling sa ágnas niyang katawan.
Bumuntong-hininga ako, "Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa multo at nagawa ko pang sulyapan ang oras sa relong suot ko.
7:23 PM na pala.
Unti-unting lumamig ang simoy ng hangin, nakakarinig rin ako ng mahihinang hikbi galing sa kanya.
Malukot ang pagkamátay ng multong ito, sigurado ako doon.
Mukhang nakaranas siya nang matinding sakit bago binawian ng híninga.
"Tulongan mo ako..." Bulong nitong sabi habang umiiyak.
Grabe na rin ang lamig ng hangin na nakapalibot sa akin.
Siguro kung hindi ako sanay sa ganitong tagpo ay siguradong wala na akong malay ngayon.
"Sa anong paraan kita matutulungan?" Tanong ko sa kanya.
Mahinahon parin ako.
Sigurado ako na kung may dadaanan dito sa iskinita na kinaroroonan namin ngayon nitong multo ay iisipin talagang baliw ako.
Unti-unting naglakad papalayo sa akin ang multo.
Patungo siya sa isang abandonadong bahay.
Kumunot ang aking noo at unti unting sinundan ang multo.
Mukhang may ituturo siya sa akin.
Ano naman kaya iyon?
Pumasok ang multo sa loob ng abandonadong bahay, kaagad naman akong sumunod.
Huminto ang multo sa harapan ng isang malaking basurahan na nandirito sa loob ng abandonadong bahay.
Muli siyang umiyak, habang ako naman ay napatakip sa aking ilong at bibig dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa basurahan.
Yung amoy na iyon!
Pareho lang iyon ng amoy sa amoy nitong multo na kasama ko.
Walang pag-aalinlangan akong lumapit sa basurahan at binuksan iyon.
Kaagad na bumungad sa akin ang inuuód na katawan ng isang babae.
Sumulyap ako sa babaeng multo na nagdala sa akin dito, pero wala na siya.
Naglaho siya na parang isang bula.
Tumawag ako ng pulis at inireport ang bángkay na nakita ko.
Tinanong nila ako kung paano ko nakita ang bángkay nung babae.
Kaya gumawa ako ng kwento.
Sinabi ko nalang na habang naglalakad ako pauwi ay nakaamoy ako ng mabahong amoy, kaya sinundan ko yung amoy at dinala ako nito sa abandonadong bahay.
Gumana naman sa mga pulis yung kwento ko at pina uwi na ako.
Agad naman akong umuwi sa bahay ko.
Mabuti nalang at madadaanan ko talaga yung abandonadong bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
VIA VENIEGAS AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)
FantasiaAng istoryang ito ay tungkol sa isang babae na pumayag na magpanggap bilang isang nobya ng isang makisig at gwapong bampira na bunsong anak ng pinuno ng mga bampira. Kung nais mong malaman ang lahat ng mga magaganap sa kwento. Ano pang hinihintay m...