CHAPTER 16

303 11 0
                                    


VIANCEY'S POV

"Gawin na natin itong totoo, Via."

Ilang minuto na rin ang lumipas matapos 'yang sabihin ni Alexis sa akin, ngunit hito parin kami sa aming posisyon.

Nanatiling magkadikit ang aming mga katawan, habang parehong nakatitig sa mata ng bawat isa.

Kinikilig ako ng sobra, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong isagot sa kanya. Kung 'oo' ba ako o mag 'hindi'.

May gusto ako sa kanya. Ngunit parang napakababang babae ko naman kung papayag ako ng ganoon lang kadali.

Kailangan ko din siyang pahirapan na makuha ako, nang sa ganon ay masusukat ko kung gaano niya nga ako kagustong makuha, at kung gaano niya kagustong maging totoo ang relasyon namin.

"Ehem! Paumanhin sa inyong dalawa, ngunit kailangan ko kayong gambalain sa inyong napakatamis na sandali."

Mabilis kong naitulak si Alexis papalayo sa akin nang marinig namin ang boses ni Ernesto. Nang dahil sa ginawa kong pagtulak sa kanya ay napahiga siya sa aking napakalambot na kama.

Isang napakatalim na titig ang ibinato ni Alexis kay Ernesto. Pansin ko naman ang paggalaw nung lalamunan ng matanda, mukhang natakot siya sa mga mata ni Alexis.

Siguro kung ako rin ang titignan ni Alexis nang ganon ay matatakot rin ako ng sobra.

Parang gusto niya kasing kumain ng kapwa bampira sa titig niyang 'yon.

"Na pag-utusan lang po ako ni Don Custodio," Muling nagsalita si Ernesto.

"May pintuan naman ang kwartong 'to, 'di ba?" Tanong ni Alexis at na pala seryuso ng boses niya, lalaking lalaki.

Naka-upo na siya ngayon sa dulo ng aking, nakaharap siya kay Ernesto. Subrang seryuso ng awra niya.

"O-opo," Nauutal si Ernesto. Pansin ko ang mga butil ng pawis na unti-unting namumuo sa kanyang noo.

"Bakit hindi ka kumatok doon? At mas pinili mong sumulpot nalang bigla-bigla dito sa loob ng silid?"

"H-hindi ko n-naman po inaasahan na..."

"Simula ngayon ay kailangan mo munang kumatok at hingin ang pahintulot ng may-ari nitong silid na papasukin ka bago ka pumasok." Singit ni Alexis, kaya hindi natapos ni Ernesto ang akma niyang pag depensa sa kanyang sarili.

"Ma-masusunod po," Medyo nanginginig ang boses ni Ernesto, grabe na rin ang pawis niya, 'yung mga tuhod niya ay nanginginig din.

"Anong kailangan mo? Anong iniutos ni ama sa 'yo?" Medyo huminahon na ang boses ng binatang bampira.

"Nais po ng iyong ama na sumabay kayo ni binibining Via sa hapagkainan mamayang eksaktong alas syete ng gabi."

"Bakit?" Pabulong kong tanong, pero alam kong narinig nila 'yon dahil matatalas ang mga pandinig nila.

Bampira nga 'di ba?

"Hindi ko po alam, binibining Via." Sagot ni Ernesto.

"Pwede ka nang umalis," Usal ni Alexis. "at tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo." Dugtong pa niyo.

Tumango si Ernesto at yumuko, pagkatapos ay nawala nalang siya bigla sa aming paningin.

"Ayusan mo ang 'yong sarili para mamaya," Nagsalita si Alexis at alam kung ako ang kinakausap niya.

"Eh, kakain lang naman siguro tayo ng hapunan. Bakit kailangan ko pang ayusan ang sarili ko?"

"Kahit simpleng bestida lamang ang 'yong susuotin ay maayos na 'yon, pero ang importante ay maligo ka." Lumingon siya sa akin habang nakangisi, "Alam kong hindi ka pa naliligo, mahal ko."

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon