CHAPTER 23

290 12 0
                                    


VIANCEY'S POV

Ilang sandali rin kaming nagyakapan ni Alexis hanggang sa siya na mismo ang bumitaw sa akin. Napansin kong medyo nanunubig at namumula pa ang kanyang mga mata niya. Umiyak siya, pero iba ang kinang ng mga 'yon. Hindi siya umiyak dahil malungkot siya, kun 'di ay umiyak siya dahil masaya siya.

"Kung totoong isang dekada nga akong tulog. Ano ang mga nangyari nung mga nagdaan na taon na tulog ako?" Tanong ko, medyo nakakunot pa ang aking noo dahilan upang medyo magsalubong ang dalawa kong kilay.

"Marami," Aniya.

"Tulad ng mga?"

Napansin ko ang paglunok niya bago muling nagsalita. Kwenento niya sa akin ang lahat ng mga nangyari nung mga nagdaang taon na mahimbing akong natutulog dito sa kwarto namin.

Medyo napanganga nalang ako nang marinig ko ang lahat-lahat ng mga nangyari galing sa bibig niya.

Si Esmeralda at si Kahell ay kasal na at may maroon na itong isang anak na babae. Si Cass at Roddy naman ay umamin na rin kay Don Custodio na sila ay magkasintahan. Iyung kambal naman ay pareho nang may kasintahan at sa susunod na kabilugan ng buwan ang mga kasal nila.

Hinintay kong banggitin ni Alexis ang tungkol sa kanilang nasira na akalatan, ngunit wala. Pati 'yung dalawang bote na naroroon ay hindi niya rin nabanggit.

"Ang aklatan niyo? Kumusta?" Wala sa sarili kong naitanong kay Alexis matapos niyang magkwento sa akin.

"Bakit mo naitanong ang aklatan namin, mahal ko?" Medyo nagsalubong ang dalawa niyang kilay.

"Tinatanong ko lang, nais ko kasing magbasa." Ngumiti ako ng napakapalad, upang hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.

Ayaw ko naman talaga magbasa. Hindi ako mahilig sa mga libro.

"Nasira ang aklatan namin at nakatakas ang dalawang ispirito na tagapagbantay ng nakalatan, 'yon ang problema namin ngayong lahat at hindi namin alam kung paano namin maaayos." Bumuga siya ng hangin.

Nasira nga!

Pero bakit hindi niya 'yon binaggit sa akin kanina?

"Galit na galit si ama. Inutusan niya ang kanyang mga alagad na hanapin ang anak nung dalawang kaluluwa na nakakulong doon sa bote, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nila nahahanap ang babae na 'yon. Kailangan naming mahanap ang anak nung dalawang kaluluwa na 'yon, dahil sigurado kaming siya ang may kasalanan sa nangyari doon sa aklatan nitong mansyon. Dahil siya lang ang nag-iisang may kakayanan na buksan ang mga bote na 'yon." Medyo namula ang mga mata ni Alexis habang sinasabi niya 'yon. Sa tingin ko ay galit siya.

Galit siya doon sa babaeng anak nung dalawang kaluluwa.

Ibig sabihin ay galit siya sa akin!

Kumirot ang aking puso sa aking napagtanto.

Paano pag nalaman niyang ako ang may gawa non?

Paano pag nalaman niyang ako ang nagbukas nung dalawang bote na 'yon, dahilan kaya nakatakas ang ispiritu ni inay at itay na ikinulong ni Don Custodio doon?

Paano pag nalaman niyang ako ang babaeng hinahanap nila?

Mamahalin niya parin ba niya ako o kakasuklaman niya na ako?

"A-anong k-kasalanan ba ang nagawa nung dalawang ispiritu na 'yo? Bakit sila nagawang ikulong ng iyong ama sa mahiwagang mga bote na 'yon?" Mababa ang boses kong tanong, nakayuko ako. Ramdam ko kasi na medyo nanunubig ang mga mata ko.

Ang kirot lang sa dibdib na ang taong minamahal ko at nagmamahal sa akin ngayon ay may galit rin pala sa akin.

Ngunit sa pagkakataon na 'to ay hindi niya pa alam na ako at 'yung taong kinasusuklaman ng buong pamilya nila ay iisa lang.

"Sinunog nila ang Libro de las almas ni ama," Sagot ni Alexis sa akin.

Marahan na lamang aking napatango. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, tumahimik na lang ako at hindi na umimik.

Hindi ko alam kung ano ang libro na 'yon. Libro de las almas? Bago lamang sa tainga ko.

Ngunit sigurado akong ganon 'yon ka importante para kay Don Custodio, ngunit sinunog lamang ng aking mga magulang.

Pumagitan sa amin ang nakakabinging katahimikan.

"Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain? May mga gusto ka bang kainin? Alam kong humahapdi na 'yang tiyan mo ngayon, dahil isang dekada 'yang hindi nagkalaman ng pagkain." Binasag ni Alexis ang katahimikan na bumalot sa aming dalawa kanina.

Malawak na siyang nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako at tumango.

"Mukhang 'yon nga ang kailangan ko," Saad ko.

Inalalayan ako ni Alexis na tumayo. Sabay kaming lumabas sa aming kwarto. Pagkarating namin sa kusina ay kaagad na bumungad sa matalas kong pandinig ang boses ng dalawang bata na parehong nagtatawanan.

"Iyang may hawak na manika ay anak ni Kahell sa dati niyang asawa at 'yang maliit ay anak naman nila ni Esmeralda." Itinuro ni Alexis ang dalawang batang babae na naglalaro sa malaking sala nitong mansyon.

Napalingon sa amin 'yung dalawang bata nang maramdaman nila ang presensiya namin. Halos sabay na nagsalubong ang dalawa nilang kilay nang mapatingin sila sa akin.

"Gising na siya?" Tanong nung batang babae na may hawak na kulay itim na manika. Ang manika na 'yon ay ka pareho ng hitsura sa mga manika na ginagamit ng mga mangkukulam.

"Oo," Pormal na sagot ni Alexis sa bata.

"Ako si Veronica," Sa isang iglap lang ay nasa mismong harapan ko na 'yung batang babae na may hawak na manika.

"Ako naman si Elina," Sumulpot rin 'yung anak ni Esmeralda, nakangiti pa sa akin.

"Ako si Vi..."

"Viancey, matagal na naming alam ang 'yung pangalan. Palagi ka kasing kinekwento ni tito Alexis sa amin nung mga taon na tulog ka pa." Pinutol ako ni Elina.

Pilit na lamang aking napangiti, ngunit ang totoo ay kating-kati ang mga kamay ko na kuyamusin ang bibig ng batang 'to.

Halatang anak nga si ni Esmeralda.

Walang galang, eh.

Nagmana sa ina!

"Paminsan-minsan kaming bumibisita sa kwarto niyo ni tito Alexis para bantayan ka at makinig sa mga kwento ni tito tungkol sayo." Ngiting-ngiti si Elina sa akin.

Nandito na kaming tatlo sa kusina ng mansyon, nakaupo sa bakanteng upuan. Kasama ko si Veronica at itong si Elina. Si Alexis kasi ay nasa kusina, nagluluto ng pagkain para sa akin.

Opo, marunong na pong magluto si Alexis. Kanina ko lang rin nalaman nang bigla niya nalang sabihin na, "Ipagluluto na muna kita, mahal ko." akala ko nga ay nagbibiro lang siya, pero seryuso pala siya.

Sabi niya pa ay nag-aral daw siyang magluto para sa akin, dahil pag mag-asawa na raw kami ay palagi niya na raw akong ipagluluto ng mga masasarap na putahe.

Iwan ko lang kung kaya niya pa 'yan sabihin at gawin pag nalaman niyang ako 'yung anak nung dalawa tagapagbantay ng aklatan.

"Nakikinig ka ba, ate Via?"

Napabalik ako sa aking suhestyon ng marinig ko ang boses ni Veronica.

Naiilang akong ngumiti at tumango, "Oo naman," saad ko.

"Ate, may palagi palang sinasabi sa amin si kuya." Napatingin ako kay Elina.

"Ano naman 'yon?"

"Sabi niya po sa amin ni ate Veronica, papakasalan ka po raw niya sa 'yong paggising." Sagot ng bata.

Natahimik naman ako. Subrang kumirot ang puso ko.

Posible na kasi 'yung mangyari pag nalaman ni Alexis ang totoo.

Wala kasi akong balak na itago 'yon sa kanya. Kasi kahit itago ko 'yon ay darating rin ang panahon na lalantad ang totoo.

Sabi pa nga nila, "Walang putok na pwedeng maitatago."

Ang tanging sigurado ko lang ngayon ay hindi ko pa sa ngayon aaminin ang totoo, siguro sa susunod na araw na lang.

Paghanda na ako sa mga masasakit na mangyayari sa amin.

-*-

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon