CHAPTER 24

303 9 0
                                    


VIANCEY'S POV

"Masarap ba?" Tanong ni Alexis sa akin. Medyo kinakabahan rin ang hitsura, siguro ay kabado siya sa posible kong komento sa lasa ng luto niya.

Napangisi ako at nilunok na muna ang pagkain na laman ng bibig ko. "Bakit maalat?" Tanong ko sa kanya gamit ang aking isipan.

"Sikreto ko nalang 'yan," Sagot niya naman gamit rin ang kanyang isipan.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Nakakapagtaka lang kasi. Bakit maalat itong niluluto niya? Eh, hindi sila ginagamit ng asin. Kaya nga matabang ang mga pagkain nila dito sa mansyon.

"Pwede po ba naming tikman ang luto mo, tito? Mukhang masarap po kasi, subrang nakakatakam pa ang amoy." Halos sabay kaming napabaling ni Alexis kay Elina nang magsalita ito.

"Pwede..." Napatigil ako sa aking sasabihin nang biglang sumingit si Alexis.

"Bawal! Kay ate Via niyo lamang ang pagkain na niluto ko. Kung gusto niyo ding kumain ay magpaluto nalang kayo sa tagaluto natin dito sa mansyon. Kaya rin niyang lutuin itong pagkain na niluto ko sa ate ninyo." Parang bata na sabi ni Alexis at nagawa niya pang hatakin palapit sa amin ang malaking mangkok ng ulam na niluto niya para sa akin.

Napakagat labi na lang ako para pigilan ang tawa ko dahil sa bigla niyang inasal.

Napanguso si Elina, habang si Veronica naman ay kagaya ko; nagpipigil rin ng tawa.

Ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain. 'Yung dalawang bata naman ay nagpaalam sa amin nababalik na daw sila sa sala upang ipagpatuloy ang naudlot nilang paglalaro kanila.

Natawa pa nga ako sa huling sinabi ni Elina bago sila umalis ni Veronica. "Maglalaro nalang kami, tutal ang damot-damot mo sa amin, tito Alexis."

Bukas ang pintuan ng hapagkainan, kaya naman kitang-kita ko sina Elina at Veronica na naglalaro sa may sala. Habol habulan ang laro nila ngayon, ngunit napatigil sila sa kanilang nagtatakbuhan nang biglang sumulpot si Esmeralda sa sala.

"Hinahanap kayo ng inyong ama," Sabi niya sa dalawang bata.

"Ano naman ang kailangan niya sa amin? Tapos na kaming matulog-"

"Hindi ko alam! Ang ama mo ang tanungin mo," Putol ni Esmeralda kay Veronica.

Umarko ang kilay ko sa tuno ng boses niya sa bata.

Hmmm...mukhang mainit ang dugo niya sa batang babae na 'yon.

Siguro dahil hindi niya anak?

Naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan, dahil ginamit ko ang talas ng pandinig ko.

"Ina, gising na pala 'yung kasintahan ni kuya Alexis." Boses ni Elina ang naririnig ko ngayon.

"Mabuti naman kung ganon, tiyak akong masasayahan si Don Custodio pag nalaman niya 'yan." Sagot niya sa anak niya.

Bakit ganon? Hindi ako nakakaramdam ng inis at galit sa boses niya.

Hindi ba siya maiinis na gising na ako?

Dapat magalit siya.

"Yung tanong ko kanina hindi mo pa sinasagot," Napalingon ako kay Alexis nang bigla nalang siyang umimik sa tabi ko.

Naglalakad kami ngayon sa isang mahabang hallway. Ang hallway na 'to ay hindi patungo sa kwarto namin. Siguro ay balak niya akong ipasyal o baka may pupuntahan kami.

"Anong tanong?" Medyo nagsalubong ang dalawa kong kilay.

"Yung tungkol sa niluto ko? Tinanong kita kanina kung masarap ba, pero ang sinagot mo sa akin ay "bakit maalat"."

VIA VENIEGAS  AND MR. SÁNCHEZ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon