EPISODE 75:
In Which Lotte Is In DangerInasahan na ni Lotte na ilalagay siya sa isang madilim na selda na naman gaya noong una. Ngunit ang seldang pagdadalhan pala sa kanya ay isang magara at malaking silid.
Sinuyod ni Lotte ng tingin ang paligid. Hindi siya makapaniwala na wala siya sa pinaglagyan sa kanya kanina. Sa halip, ay nakikita niya ang maliwanag na silid na puno ng muwebles at mamahaling gamit. Hindi ito preso. Isa itong VIP room.
Nang mapatingin si Lotte sa itaas ay nakaposas pa rin naman siya, ngunit hindi na rin iyon gaya kanina na gawa lang sa ordinaryong bakal. May asul at puting kristales ang nakapaloob sa bakal niyang posas, at waring lumiliwanag pa ito.
Wala naman siyang nararamdamang kakaiba, pero na-cu-curious lang siya bakit ganoon.
Muli niyang tiningnan ang paligid. Kung anong ginagawa niya roon, ay wala siyang ideya. Kakaiba nga ang lugar na 'yon. Parang...lobby o ano.
Ngunit nawala rin ang pagtataka ni Lotte nang makarinig siya ng lagaslas ng tubig. Napalingon siya sa isang dako.
Saka niya napagtanto kung nasaan siya. Isang paliguan ng mga mayayaman sa sinaunang panahon. Hindi din pala siya nag-iisa. Sa paligid ng malaking parisukat na bath tub ay may mga nakapaligid na mga babae. Binubuhusan nila ng kung ano ang paliguan.
Mabango rin ang paligid.
Kung sino man ang naliligo roon ay wala siyang ideya. Natatabunan ito ng kurtina. May naaaninag din siyang anino sa likuran ng niyon. Waring nakasandal ito at nakadipa pa, patalikod sa kanya. Kung sino 'yon, ay wala rin siyang ideya.
Luminga-linga siya.
Anong ginagawa niya rito?
Itinaas ng anino ang kamay nito, at nagsialisan ang mga babaeng naroon. Nakasuot ng mga pandisyertong damit din ang mga ito at nakatakip ang bibig at ilong.
Ibinuka naman ni Lotte ang bibig para magsalita. Ngunit naunahan siya ng isa pang boses.
"Gising ka na pala, mortal."
Napatingin si Lotte sa pinanggalingan ng boses: ang anino sa likod ng shower curtain.
Boses ito ng isang babae.
"S-sino ka?" kabadong sabi ni Lotte, kahit parang may ideya na siya kung sino ito. "A-at anong ginagawa ko rito?"
"Heh," sabi ng boses. "Kakakita lang natin kanina, nakalimutan mo na agad kung sino ako?"
"Pharaoh—"
"Hm," sabi nito. "Kailangan mo lang pala ng pampaalala para makilala mo ako?"
Hindi naman agad sumagot si Lotte. Alam niya na maaaring kalaban niya ang babaeng ito, ngunit wala siya sa posisyon na magtapang-tapangan. Kung ituring ito ng mga tao sa lugar na ito ay para itong diyos. Parang pati sina Nathan at Finnley ay ganoon na lang ang pag-iingat dito. Ibang-iba ang aura nito sa prinsipe ng Northangia.
Kung si Lotte ang tatanungin, naaalala niya si Solitaire sa dating nito at sa intimidation na nararamdaman niya rito.
Kahit hindi pa rin siya makapaniwala na ang kinatatakutan at pinakamakapangyarihang tao sa Akher ay isang babaeng pharaoh.
Nagulat siya ng tumawa ang pharaoh. Tawa na walang kasamang emosyon.
"Hindi ko inaasahan na tahimik ka pala. Ibang-iba sa deskripsyon sa'yo ng mga intel ko mula sa Tagapayo ng Northangia at Tsar ng Svarovzhya na maingay at hindi kanais-nais. Nagsisinungaling lang ba sila?" sabi ng pharaoh.
Tagapayo ng Northangia at Tsar ng Svarovzhya? Marahil sina Solitaire at Grigori ang tinutukoy niya. Nagtagis ang bagang ni Lotte nang maalala ang huli. Hindi siya makapaniwala na basta na lang siya nagtiwala rito at talagang sa lahat ng pwedeng gawin nito ay dinala pa siya nito sa mismong kalaban niya.
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
FantasyGuguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...