EPISODE 5
In Which Lotte is Having a Hard Time Adjusting to Her New Life With ThemNalaman din naman ni Lotte mula kay Lewis na kaya pala biglang nawala si Hadi ay dahil tumakbo ito sa ibang bahagi ng mansyon at hinanapan siya ng kwarto. At dahil wala itong mahanap na kwarto na hindi nagmistulang inabandona ng ilang taon ay pinagsikapan nitong linisan 'yon. Di rin naman nito natapos 'yon ng maayos sa kapal ng alikabok at sa dami ng kailangang ayusin doon.
"Di rin naman ito ang magiging kwarto mo. Masyadong maliit, kaya hahanapan na lang ulit kita," ani Lewis habang nakatayo sila pareho sa harap ng nakabukas na pinto ng kwartong 'yon.
"De, okay na 'to dito. Maganda nga eh," sabi ni Lotte. Malaki na para sa kanya ang kwarto kahit hindi ito grandioso. Kumpara doon sa kwartong pinagdalhan sa kanya ni Finnley—'yun pala ang pangalan ng lalaking manyak—halos kalahati lang dito ang laki ng silid na nasa harap nila.
Speaking of Finnley, kaya pala nito inakala na isa siyang bayarang babae ay dahil inutusan nito si Hadi na pumunta sa isang bahagi ng palengke at ibigay ang isang piraso ng papel sa isang babaeng nagngangalang Madame Madeleine. Si Madame Madeleine ang may ari ng isang hotel kung saan maraming mga nag-iinumang lalaki at nagsasayawang mga babae. Apparently, magkakilala pala ang mga ito at humingi ito ng pabor mula dito. At kaya nawala si Hadi sa palengke dahil sa paghahanap sa lugar na 'yon. Na naging dahilan kung bakit nagkita silang dalawa ng bata.
At inakala ni Finnley na siya ang pinadala ni Madame Madeleine.
Sa sobrang pagkaasar ni Lewis ay pinarusahan nito ang kapatid na maglinis ng bahay sa loob ng isang linggo.
Nagsorry din naman si Finnley sa kaniya. Sabi pa nito, "Pasensya na talaga. Parang ang sama din ng ginawa ko. Pero 'wag mo sanang isipin na palagi kong ginagawa 'yon, alam mo na, dito kasi sa amin kita mo naman, malayo tapos matagal na rin mula noong alam mo na—"
"'Wag mo ng ituloy, okay na," pigil niya. Ngumiti naman ito sa kanya, kaya ngumiti na rin lang siya. Pagkatapos noon ay sinamahan na siya nina Lewis at Hadi sa magiging kwarto niya.
May poster bed din ang kwarto at ang lahat ng mga gamit sa loob ay nakabalot pa ng tela.
"Ayos na sa akin 'to. Tsaka syempre pinaghirapan 'to ni Hadi. Mas makakatulog ako ng mahimbing kung alam ko siya mismo ang pumili nito para sa'kin," pagpapatuloy pa niya.
Napatingin naman sa kanya si Hadi. Ngumiti siya dito at kumindat. Napangiti na rin ito, na halos di matago ang saya nito.
"Sige, tutulungan na lang kita maglinis," alok ni Lewis.
"Hindi, kaya ko na 'to. Tsaka," aniya na napalingon sa komosyong nangyayari sa baba ng mansyon. "Mas kailangan ka ata ng mga kapatid mo."
Dahil pumalpak ang niluto ng mga ito kanina ay napilitan silang magluto ulit. Hapon na at di pa rin sila nakakakain ng matino mula kaninang umaga.
"Ang mga 'yon," iritang sabi ni Lewis. "Ikaw? Okay ka lang ba?"
"Oo naman, ano ka ba. Di niyo ako bisita, mamasukan ako sa bahay niyo," aniya naman. Mukha namang nag-alangan pa ito na iwan siya, pero marahan niya itong tinulak na natawa na din ng marahan. "Sige na. Kapag natapos ako ng maaga rito, tutulong din ako roon. Ako na bahala rito."
Nang makaalis na si Lewis ay dinampot ni Lotte ang walis at pinasadahan ng tingin ng silid. Nasimulan naman ito ni Hadi ng kaunti pero marami pa rin talagang gagawin dito para magmukha man lang itong lugar na katira-tira.
Napalingon siya nang mapansing marahang pumasok si Hadi na may dala pa ring basahan. Nagkatitigan sila nito.
Magsasalita na sana siya ngunit tingin niya ay magpipilit pa rin ata ito na tulungan siya. Ayaw din naman niyang ibalewala ang effort at willingness na pinapakita ng bata.
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
FantasyGuguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...