EPISODE 54:
In Which They Read Aelle's LetterLumilipad si Rivendyll sa anyo nitong Nagga sa labas ng Northangia habang nakasakay sina Lotte at Muriel. Sumasamyo sa mukha nila ang banayad na hangin. Nagpatuloy pa ito sa paglipad, hanggang sa may nakita itong malapad na clearing kung saan ito nagdesisyong lumapag.
Bumaba sina Lotte at Muriel. Nagliwanag naman ang Nagga, at muling bumalik sa anyo nitong tao si Rivendyll.
Maang namang napatingin si Muriel sa kapatid. "Hindi mo ba kami ibabyahe pauwi?"
Umiling si Rivendyll at sinamaan ito ng tingin. "Ang layo ng Northangia, papaliparin mo ako roon?"
"Nagtatanong lang naman," sagot ni Muriel at awkward na ngumiti. Luminga-linga ito. "Pero, hindi ito ang daanan papunta sa lumang bahay, ah?"
"Gagawa na lang tayo ng temporary portal dito. Kapag doon kasi tayo dumaan, baka masundan tayo. Mapilitan pa tayong sirain ang portal kapag nagkaganoon," sabi ni Rivendyll. Uupo na sana ito kaya lang ay napalingon ito kay Lotte. "May problema ba, Charlotte?"
Nakatanaw lang kasi si Lotte sa Northangia habang ang mga kasama niya ay nagsisimula nang maglakad papalayo.
Maang namang napatingin si Lotte rito at umiling. "H-ha? Wala naman. Pero—kasi—ngayon ko lang naalala na may naiwan pala yata ako roon."
"Naiwan?" kunot-noo nitong tanong.
Lumungkot ang mukha ni Lotte. "Hindi yata ako nakapagpaalam ng maayos sa isang kaibigan."
Nagkatinginan naman sina Rivendyll at Muriel. Saka nagkibit-balikat ang huli, at sinabing, "hindi ko alam. Nagkahiwalay kasi kami kanina eh."
Hinayaan na lang muna niya sina Rivendyll at Muriel habang nag-uusap. Nakatanaw pa rin si Lotte sa Northangia habang malalim ang iniisip. Tatalikod na sana siya nang may marinig siyang sitsit.
"Pssst. Lotte!"
Luminga-linga siya, at sa di kalayuan ay nakita nga niya ito. Malawak ang ngiti ni Aelle habang sinisenyasan siyang lumapit. Tinawag naman niya ito pero mukhang mas gusto yata nito na siya ang pumunta, kaya bumaling na lang siya sa mga kasama para magpaalam saglit.
"Charlotte, pwede bang pahiram saglit ng locket ni Harry?" sabi ni Rivendyll. "Nasa sa'yo raw 'yon, sabi nitong si Muriel."
"Ah, oo," sagot niya saka binigay dito. "Sandali lang. May pupuntahan lang ako saglit."
Bago pa man siya mapigilan ng mga ito ay naglakad na siya papunta sa kinaroroonan ni Aelle. Halos hindi naman niya maitago ang kanyang saya nang makita ito. Tumakbo pa siya rito at niyakap ito ng mahigpit.
Katabi nito ang alaga nitong gryphon.
"Aelle!" bati niya. Ginantihan din siya ng yakap nito. "Mabuti naman at ligtas ka!"
Natawa ito. "Oo nga eh. Tsamba lang na nakatakas ako kanina noong lumala na ang kaguluhan sa loob. Ikaw nga eh. Masaya ako na maayos ka lang, at mukhang kasama mo na rin ang mga kaibigan mo."
Sumilip ito sa likuran niya kung saan nag-uusap sina Rivendyll at Muriel habang nakatingin sa locket ni Harry. Siya man ay masaya din. Hindi niya mapigilang ngumiti.
Nilingon niya ito nang may naisip. "Ah, kung wala ka na nga palang pupuntahan, gusto mo sumama ka na lang muna sa'min?" sabi niya. "Alam ko hindi ko naman talaga lugar na alukin kang mamalagi muna roon, lalo pa't maid lang ako sa bahay nila, pero tingin ko ayos lang naman sa kanila. Mababait naman sila, medyo mahirap lang intindihin ang mga ugali. Pero masasanay ka rin."
Subalit umiling ito. "'Wag na. Tsaka, ngayon lang ulit ako nakalabas eh, kaya maglalakbay na muna ako kung saan-saan."
Kumunot ang noo niya. "Hindi ka ba uuwi sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
FantasíaGuguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...