EPISODE 23:
In Which Lotte Hears About Origin MagicKunot-noong tiningnan ni Lotte ang hawak na papel. Hindi niya talaga inasahan ang mga bagay na nilista roon. Habang si Hadi na siyang gumawa ng listahan iyan ay nakatitig lang sa kanya.
"Okay ka lang po ba, Ate Lotte?" nagtatakang-tanong ng bata.
Kasalukuyan silang nakaupo sa isang private study sa loob ng library. Free time niya dapat ngayon pero dahil may iniiwasan siyang tao sa labas ng bahay ay doon niya naisip na magtago, at magkunwaring tinutulungan si Hadi na mag-aral. Mas mabuti na munang nandoon siya hanggang sa kailangan niyang magluto ng meryenda kaysa—makasalubong ulit ang taong 'yon.
"Ate Lotte?" untag ni Hadi.
"Hindi ko lang kasi alam na—" panimula niya at mas lalong tinaliman ang pagtingin sa papel.
"Na?"
"Na ganito na pala ang edad ni Rivendy—ang ibig kong sabihin, ni Monsieur Rivendyll," sabi niya. "Mukha pa kasi siyang nasa early 20s. Totoo na naman 'to diba?"
Ngumiti naman si Hadi. "Opo naman. Kung gusto niyo, nandoon sa isang cabinet lahat ng mga birth certificate namin na nahanap ko para ikaw na mismo ang—"
Itinaas naman niya agad ang kamay. "Hindi! Naniniwala naman ako sa'yo syempre," sabi niya naman at alanganing tumawa. Napabuntong-hininga naman siya. "So totoo pala 'yung sinabi sa akin ni Nathan noon, na medyo makakalimutin si Uno, kaya mali 'yung mga edad na naroon sa unang listahan. Pero 'yon ba talaga ang problema?"
Umiling naman ang bata. "Hindi naman din siya masisisi na ang nalagay pala namin sa unang listahan ay ang edad ng mga kapatid namin dalawang taon na ang nakakaraan. Pero syempre, gaya namin, tumanda na nga pala sila ngayon," sabi nito. "Pati nga ako, muntik ko na ring makalimutan kung ilang taong gulang na talaga 'yung mga kapatid ko."
"Paano naman nangyari 'yon?" takang-tanong ni Lotte.
"Kasi—parang ang nangyari—wala nang nagbibilang ng edad sa kanila," sagot ni Hadi. "Bago ka po kasi dumating Ate Lotte, bihira kaming nag-uusap-usap talaga."
"Wala kayong pakialamanan, ganoon?" tanong niya. Tumango naman ang bata. "Ang lungkot naman niyon."
"Halimbawa, si Kuya Uno at Kuya Nathan lagi silang magkasama. Pero dahil talaga 'yon sa pinipilit siya ni Kuya Uno," sagot nito. "Ang totoo nga niyan ilang buwan pa lang talaga na hinahayaan ni Kuya Nathan na lapitan siya ni Kuya Uno, kasi dati, kagaya ni Kuya Gawaine mas gusto niyang mapag-isa."
"Nahulaan ko nga," sabi na lang niya kahit ayaw niya talagang pag-usapan ang taong 'yon.
"Si Kuya Muriel at Kuya Finnley naman, lagi silang magkasama dahil na rin sa trabaho nila," pagpapatuloy nito. "Tsaka sa aming magkakapatid parang sila talaga ang malapit sa isa't-isa mula pagkabata. 'Yung iba naman, nakikita lang namin sila kung nagkakasalubong kami sa bahay o—kumakain. Kung hindi sila pinilit ni Kuya Lewis na sumabay sa pagkain, hindi rin naman nila gagawin 'yon. Buti nga ngayon at bakasyon kaya nandito kaming lahat."
"Eh? Magkakapatid kayo, pero parang mga estranghero lang kayo na nakatira sa isang bahay," sabi niya rito. "Kaya pala parang hindi rin nagtutugma ang mga sinasabi ni Uno tuwing nagkukwento siya tungkol sa inyo."
"Ganoon na nga po. Nakakatawa nga, kasi magkakapatid kami pero halos hindi namin kilala ang isa't-isa," malungkot na sabi ng bata.
Nginitian niya ito. "Hayaan mo. Susubukan nating baguhin 'yon. Kasi, kayo-kayo na nga lang, watak-watak pa kayo. Hindi ko nga lang alam kung paano, pero magiging buo rin kayo, naniniwala naman ako doon. Pero paano 'yan kung may nagbibirthday sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
FantasíaGuguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...