EPISODE 40:
In Which They Were Chased Through The Underground CityHindi alam ni Lotte anong dapat maramdaman. Nanghina siya, nanginig, at nanlamig. Lalo pa't napagtanto niya bigla na hawak pa rin niya si Rivendyll at muntik nang nakuha ng taong 'yon ang locket ni Harry.
"Oy. Ayos ka lang?" untag sa kanya ng tindero. "Alam ko. Noong una ko siyang makita hindi rin ako makapagsalita sa sobrang pagkamangha. Pero kita mo namang mabait siya, diba?"
Sa lahat ng—sa lahat ng taong pwede kong makasalubong dito nang ako lang mag-isa, ay ang taong pinakaiiwasan pa namin, sabi niya sa isip. Pakiramdam ni Lotte ay bigla siyang nawalan ng lakas. Nanlabo din ang paningin niya, at nang suminghap ng malakas ang tindero ay doon niya napansing naglalaho ulit siya.
Agad niyang kinapa sa bulsa ang candy bar na pangontra sa pagiging phantom niya. Pero sa pagkataranta ay hindi niya agad nakita 'yon. Buti na lang ay tinulungan siya ng tindero at nahawakan nito si Rivendyll bago pa niya ito mabitawan. Nang makakain na siya at naging normal ulit ay kinuha niya rito ang bata. Saka nagpasalamat dito.
"Charlito!"
Hindi agad siya nakalingon, kaya naman si Muriel na ang nagmamadaling lumapit sa kanya. Kinuha nito si Rivendyll mula sa kanya. Nakabawi rin siya sa pagkatulala kaya bumaling siya rito.
"N-naroon ba siya?" tanong ni Lotte na pilit tinago ang kaba.
"Oo. Hindi ko siya nakita. Pero ang sabi ng mga taga-roon, nasa shop lang niya 'yung taong 'yon. Mukhang totoo naman kasi pagdaan ko doon sa tinuturong tindahan niya ay may tao pero abala siya sa pakikipag-usap sa kliyente niya," sabi nito.
Tumango siya. "Ganoon ba? T-tara na," sabi ni Lotte.
Kinuha niya ulit si Rivendyll mula kay Muriel. Nagpasalamat siya sa tindero saka sila nagmamadaling umalis doon. Mahigpit ang hawak ni Lotte sa locket ni Harry habang naglalakad ulit sila sa eskinita ng Little Helltown.
Diri-diretso na ang lakad nila.
"Charlito, may nangyari ba? Nakita kitang nag-phantom na naman kanina, pero buti na lang agad mong nakain 'yung pastry mo."
"Nakita ko siya."
"Sino?"
"S-si Solitaire."
"Ano?"
Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito ay may mga taong napalingon at masamang tumigin sa kanila.
"H-hindi ko lang siya nakita, nakausap ko pa siya." Kinwento naman niya rito anong nangyari. Madilim ang mukha ni Muriel habang nakikinig sa kanya. "Tingin ko hindi naman niya namukhaan si Rivendyll. Ewan ko—pero sana hindi, at sana wala rin siyang nahalata sa locket ni Harry, o sa akin."
"'Wag na muna nating isipin 'yon. Basta pagkatapos na pagkatapos natin dito, gagawa ako ng temporary portal diretso sa kakahuyan sa labas ng Northangia. Para makauwi na tayo agad," sabi nito. "Suot mo ang hood mo. Nang hindi ka nila masyadong tingnan, lalo pa't babae ka."
Mabilis namang tumango si Lotte at binaba nga ang hood niya.
Pumasok sila sa isang luma at madilim na gusali. Pagtapak pa lang nila sa masikip na pinto ay sinalubong na agad si Lotte ng masangsang na amoy na para bang humalo sa usok at insenso. Napatakip tuloy siya sa ilong.
May isang mahabang hagdan pababa. Sa entrada ay may dalawang lalaking nakaantabay, at hiningan sila ng bayad. Binigyan naman ito ni Muriel.
Bumaba sila roon hanggang sa makarating ulit sila sa isang masikip na pasilyo. May mga pinto sa bawat gilid. Malamlam ang ilaw na nagmumula sa lampara, na doon lang napansin ni Lotte na may nakakulong palang mga buhay na pixies sa loob. Mukhang malungkot ang mga ito at halos hindi na makapagbigay ng liwanag. Naawa naman siya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
FantasyGuguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...