EPISODE 57:
In Which Lotte is Threatened by NathanSa mga sumunod na araw, ay unti-unti rin namang bumalik sa normal ang mga buhay nila. Pero kung iniisip ni Lotte na ligtas na sila sa mga ginawa nila roon sa Northangia, ay nagkakamali siya.
Kinabukasan, matagal na nga siyang nagising, ay nadulas pa siya sa pasilyo ng second floor. Nabasa kasi ang sahig at talagang tumama pa siya sa timba ng tubig. Muntik pa siyang nahulog sa hagdan, kung di lang dumating si Rivendyll at ginamitan siya ng magic para makalutang.
Nakalimutan niya, na sisingilin pa pala siya sa paggamit niya ng Arcane Seal ni Muriel.
Or rather, hindi niya alam na ganoon pala ang mangyayari. At si Muriel ang nakalimot na magpaliwanag sa kanya.
"P-pasensya ka na, Charlito. Alam mo namang nagmamadali tayo noong mga oras na 'yon, kaya hindi ko na nasabi na may kapalit pala ang paggamit mo ng Arcane Seal ko," sabi nito sa kanya noong tinanong niya ito.
Inis na inis si Lotte. Kasi, kakatapos nga lang ng pagkadisgrasya niya sa hallways ng second floor, ay naulanan pa siya ng mga mga feathers na pakawala ng triplets. Kaya tuloy, nagmukha siyang basang sisiw na may mga balahibo pang nakadikit sa katawan niya.
Pinagtawanan naman siya ng mga bata. Kasali na ng ibang matatanda.
"Kung ganoon," madilim niyang tanong kay Muriel. "Gaano katagal bago mawala ang 'sumpang' ito?"
Matagal pa bago ito nakasagot. "K-kasi, kung first time mong ginamit 'yung magic ng seal, baka abutin pa ng ilang araw."
"Ano?!"
"H-hindi rin naman ako sigurado, pero kasi noong una kong ginamit 'yung seal, umabot ng isang buwan bago nawala ang epekto ng malas," sabi ni Muriel. Napasinghap si Lotte. "Pero, hindi naman ikaw ang mismong bearer ng Arcane Seal, kaya siguro hindi magtatagal 'yan."
Pero sunod-sunod pa rin na mumunting kamalasan ang dumating sa kanya. Hindi naman malalaki, pero sapat na para mainis siya ng sobra. Gaya na lang ng isang beses nawalan siya ng tubig habang naliligo, tapos nag-malfunction ang mga gamit panglinis sa bahay, at hinabol pa siya ng nagwawalang mop.
Ang sabi ni Hadi, kusa lang naman daw mawawala ang sumpa. Mukha namang totoo, kasi di kalaunan ay pakonti na lang ng pakonti ang malas na nangyayari sa kanya. Pinangako naman niyang hindi na niya gagamitin hangga't maaari ang Arcane Seal ni Muriel kung ganoon lang naman kalupit ang magiging kapalit niyon.
Tinigilan na rin naman siya ng kamalasan. Hanggang sa isang umaga...
***
Naalimpungatan ng gising si Lotte. Gumulong pa siya sa kama at nag-unat ng kamay. Pagmulat niya ng kanyang mga mata, ang una niyang napansin ay maliwanag na yata sa labas at umaagos na sa loob ng kanyang silid ang sikat ng araw.
Saka niya napansin ang isang kamay. Kumunot pa ang noo niya nang makita ito, lalo na ng mapansing kinakalikot pa nito ang buhok niya. Pero inaantok pa talaga si Lotte para tuluyang iproseso ang mga nangyayari.
"Good morning, Master. Masarap ho ba ang tulog ninyo?"
"Ayos naman—" Hindi na naituloy ni Lotte ang sasabihin nang mapagtanto na may nagsalita talaga malapit sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya at agad siyang napabaling sa nagsalita.
Sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Nathan. "Mabuti naman ho, Master." Napanganga si Lotte habang nakatingin rito. Nakahiga na rin pala ito sa kama niya at kumakain ng strawberries. Iniabot nito ang bowl na puno niyon sa kanya. "Kain po kayo?"
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
FantasyGuguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...