[50] In Which They Were on the Edge of Defeat

669 89 38
                                    

EPISODE 50:
In Which They Were on the Edge of Defeat

Natanga si Lotte sa kinatatayuan, at hindi alam anong gagawin. Nagsimula nang maglaban sina Gawaine at Nathan. Mukhang wala na ngang makakapigil sa mga ito.

Naikuyom niya ang mga kamao, saka tumakbo sa malayong bahagi. Kailangan niya ng tapusin ang spell sa lalong madaling panahon. Sa ginawa niya ay napatingin si Luan sa kanya na may halong pagtataka.

Umupo siya roon at nagsimulang basahin ang incantation na sasabihin bago iguhit ang magic circle.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Luan sa kanya. "Oy, manang, ano 'yang gagawin mo?!"

Hindi niya ito pinansin at sa halip ay nagpatuloy lang sa ginagawa.

Binasa niya ang mga nakalagay sa papel. "Signum draconis sancto accersire—"

Pinuntahan siya ni Luan at tinangka nitong agawin ang papel sa kanya kaya niya nabitawan.

"Itigil mo 'yan!" sabi nito. "Kakampi ka nung weirdong knight, no? Anong gagawin niyo kay Archleader?"

Agad namang pinulot ni Lotte ang papel at dinipensahan ito. "Wala akong gagawing masama sa kanya," matigas na sabi ni Lotte. "Kung gusto mong maligtas 'yang tinatawag mong Archleader, 'wag mo akong guguluhin."

Noong una ay tumigil ni Luan, ngunit agad ding bumalik ang pagdududa sa mukha nito. "Akala mo maniniwala ako sa sinasabi mo? Akin na 'yan sabi—"

Hinablot nito ang papel subalit nagawa itong ilagan ni Lotte. Nakigpambuno pa ito sa kanya, hanggang sa matulak niya ito.

"Tumigil ka nga!" sigaw niya. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Pero lumayo ka na muna dahil kung hindi mapipilitan akong gapusin ka, sige."

Akala niya ay natakot ito sa banta niya kaya ito umatras. Pero sa halip, ay pumunta lang ito sa isang sulok at pinadugo ang kamay.

"Hindi ko hahayaang may gawin kayong masama sa kanya," mariing sabi nito. Lumuhod ito, at gamit ang dumudugong kamay ay hinampas nito ang sahig. "Blood demon art: Restoration!"

Kumalat naman ang dugo nito na parang isang pulang bahay-gagamba, at gumapang papunta sa mga nakabulagtang mga blood demons. Nanlaki ang mga mata ni Lotte nang mapagtanto ang gagawin nito. Unti-unti ngang nagsibangon ang mga blood demons.

"Rise!" sigaw nito.

Napapalatak si Lotte at agad na dinampot ang patpat na inilatag niya sa sahig kanina. Naging simpleng kahoy ulit ito pero isang hawak lang ni Lotte ay agad itong naging staff. Para maiwasan ang pagiging phantom niya kanina, ay kumuha siya ng maraming pastry na kakainin kung sakali.

"Tigas talaga ng ulo mo!" sabi ni Lotte sa bata.

Itinaas naman ni Luan ang daliri nito at tinuro si Lotte. "Sugurin niyo siya!"

Nagsilapit naman ang mga blood demons sa kanya.

"Tsk," sabi ni Lotte na dali-daling tinapos ang magic circle. Nang matapos ay tumayo siya para depensahan ito. Hindi niya alam kung paano, pero gagawin niya ang lahat para lang hindi makalapit ang mga ito doon.

Sumugod ang pinakamalapit na blood demon sa kanya, dala-dala ang sandata nito. Muntik nang makailag si Lotte, subalit buti na lang ay mabagal ito. Umatras siya nang hindi pa rin lumalayo sa magic circle.

"Kung magagawa kitang patayin, manang, baka naman bubuksan na rin ng weirdong knight ang barrier dito," sabi ni Luan. Tumakbo ito papunta sa kanya. "Pero kung hindi, papaslangin ka rin naman ng Archleader namin!"

Naloko na, sabi niya sa isip na tumakbo papalayo para mailagan ito. Ako lang mag-isa rito kaya wala akong ibang maaasahan. Sa isang banda naman ay dinidipensahan din ng kawawang gryphon ang sarili laban sa mga blood demons.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon