EPISODE 10:
In Which an Uninvited Guest Suddenly ArrivesSyempre di nagtagal ay nainip na rin si Lotte sa kwarto niya. Matigas kasi si Duke Magoria—este si Lewis—na hindi na muna siya magtrabaho sa loob ng ilang araw para tuluyang makapagpahinga. Pero kahit na nalilibang naman siya magbasa ng libro ay di naman mapalagay ang isip niya na nakatunganga lang doon at walang ginagawa.
Kaya kapag wala si Lewis sa bahay ay panakaw-nakaw siyang nagtatrabaho. Minsan ay nakita siya ni Hadi na nagwawalis sa main hall. Nanlaki naman ang mga mata nito at magsasalita na sana pero inunahan niya ito.
"Sandali lang ako," aniya at nginitian ito. Tumango naman si Hadi kahit paulit-ulit ang paglingon nito sa kanya na para bang nagdadalawang-isip ito na sabihin kay Lewis na sinuway niya ang utos nito.
Di rin naman niya makita ang ibang mga Magoria. Mukhang nasa labas silang lahat, o baka nasa loob ng sari-sariling kwarto ang iba at di lumalabas.
Mula sa bintana ay nakikita niya si Uno na nagpapractice ng baseball kasama si Nathan. Napalingon naman si Uno sa kanya at kumaway mula sa labas. Kumaway din siya pabalik. Lumingon din si Nathan ngunit tiningnan lang siya nito. Saka naman nagpatuloy sa paglalaro ang dalawa.
Habang sina Finnley at Muriel naman ay nagtatrabaho na yata. Hindi alam ni Lotte ano talaga ang trabaho ni Finnley pero kumakanta daw ito paminsan-minsan kapag gabi. Si Muriel naman mukhang businessman o accountant. Or salesman. Or ewan. Basta may dala itong case kapag umaalis.
Nagtataka naman si Lotte kung saan nagtatrabaho ang mga ito. Di naman kasi niya nakikitang lumalabas ang mga ito sa main entrance ng estate. Tsaka tingin niya hindi naman sa bayan nagtatrabaho ang dalawa dahil nga hindi sila gusto ng mga tao.
Sa karatig-bayan kaya? aniya sa isip. Kung ganoon, araw-araw bumabyahe ang dalawang 'yon sa malayo? Wala ka naman kasing makita sa paligid ng Magoria kundi gubat, kabundukan, at dagat. Hinala niya malayo pa talaga ang susunod na bayan, base na rin sa mga kwento at sinabi ni Perine. Kung ganoon, ba't mukhang may energy pa rin lagi ang dalawa kahit kababalik lang nito sa trabaho?
Matagal na ni rin siyang nanghihinala. Di kaya nagteteleport o sumasakay sila sa walis kapag umaalis? Pero diba bawal 'yon? aniya sa isip. Napailing naman siya. Argh. Mababaliw ako nito eh.
Napalingon naman siya nang may marinig na mga yabag. Napasinghap naman ang isa sa mga triplets nang makita nitong nakatingin siya. Tumigil ito sa pagbaba sa grand staircase na para bang nakakita ng multo sa katauhan niya. Kunot-noo siyang napangiti ng konti. Ang cute nitong tingnan, wavy ang buhok, chubby ang pisngi at nakanganga. May takas pang mga kulot na buhok sa ulo nito na parang tumatayo. Kung di lang niya alam ang mga ugali nito, ang sarap lang pisilin at i-cuddle ng batang ito.
"B!"
Isa na naman sa triplets ang lumapit dito. Tiningnan naman ni Lotte ang batang astig kung lumakad. Habang ang isa naman sa triplets ay nananatili pa ring nakatitig sa kanya.
"B, kanina ka pa namin hinanap ah. Di ba sabi ko sa'yo, strike tayo ngayon laban kay Lewis! Di tayo lalabas hangga't di niya binabalik 'yung magic natin," anito. Di naman ito pinansin ni B. "B! Sumagot ka naman, B! B, ano ba!"
Doon naman parang nagising si B nang sumigaw ang kapatid nito. Nilingon nito ang bata at di ito agad nakapagsalita. Inis na sinundan ng astiging bata ang tintitigan ng kapatid kanina—at nang magkasalubong ang tingin nila ay mas lalong sumama ang titig nito. Parang siya yata ang sinisi nito dahil mukhang napagalitan na naman ang mga ito ni Lewis at mukhang pinarusahan pa.
Ngunit binalik din nito kay B ang tingin. Pinagmasdan ni Lotte ang astiging bata. Ang sabi ni Uno, ang batang nagngangalang A ang tumatayong leader sa kanila, kaya itong batang mukhang susugod lagi sa gyera ay si A.
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
خيال (فانتازيا)Guguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...