[64] In Which Gawaine Dies in the Tower

567 88 103
                                    

EPISODE 64:

In Which Gawaine Dies in the Tower

Nang gabing iyon ay nahirapan ngang makatulog si Lotte.

Agad na nakatulog sina A, B, at Uno. Humihilik pa nga ang mga ito. Pero siya, ay nanatiling gising at nakatitig lamang sa bubungan ng tent ng kanilang kampo.

Kumunot ang noo niya. Posible kayang—

Umiling naman si Lotte at tumagilid sa pagkakahiga. Bahala na nga. Bakit niya ba kasi masyadong iniisip 'yong kinwento ni Gawaine?

Isa pa, sabi nito na gawa-gawa lang nito ang kwento. Baka naman totoo talaga na kathang-isip niya lang 'yon.

Subalit naalala niya ang peklat sa braso nito.

Muli siyang umiling. Nag-ooverthink lang ako, sabi niya sa sarili.

Napatingin siya sa higaan ni Gawaine at napansin niyang gumagalaw din ito. Hindi rin ba siya makatulog? tanong niya sa sarili. Bumibiling din ito sa higaan na para bang nanaginip ito o ano.

Nang, bigla na lang itong bumangon, at lumingon sa direksyon niya.

Agad namang pumirmi si Lotte sa posisyon niya at nagpanggap na tulog. Subalit, ibinuka niya ng konti ang isang mata. Hindi naman siguro ako ang tinitignan niya, diba? sabi ni Lotte sa sarili. Ang assuming ko lang yata.

Tumayo naman ito at naglakad. Ipinikit naman ni Lotte ang isa niyang mata dahil may kandila pa rin silang nakasindi, at baka makita nitong gising pa siya. Hinintay niya naman na mawala ang mga yabag nito. Pero wala siyang narinig na naglalakad o ano. Kaya naman, ay dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata, at laking gulat na lang niya nang makitang nakaupo ito sa paanan niya. Hawak din nito ang kumot niya.

Tatanungin na niya sana ito anong ginagawa nito nang tumayo ulit ito, saka naglakad papunta sa hagdanan ng tore. Nakapikit pa rin ang isang mga mata, ay sinundan ito ng tingin ni Lotte. Nagulat naman siya nang tanggalin nito ang piring.

Ngunit dahil nakatalikod ito sa kanya ay hindi niya nakita ang mukha nito. Umakyat ito sa hagdan ng tore, papunta sa ikalawang palapag. Nang masigurong nakaalis na ito, ay dahan-dahang bumangon si Lotte.

Malamlam ang paligid dahil iilang mga kandila lang ang nakasindi roon, pero may nakikinita pa naman siya kahit papaano.

Muli siyang napatingin s hagdan.

Kahit nagdadalawang-isip, ay lumamang ang kuryosidad niya. Sinundan niya ito sa hagdan at umakyat din siya roon.

Pagdating niya sa ikalawang palapag ay hinanap niya ito. Ngunit hindi niya ito mahagilap.

Kumunot ang noo niya.

Saan kaya nagpunta 'yon? aniya sa sarili. Hindi naman gaano kalaki ang tore, kaya naman imposibleng basta-basta na lang ito maglalaho. Hindi naman siguro ito nagtatago no? Putol na ang hagdan papunta sa ikatlong palapag, kaya naman naisip niya na baka hindi rin doon pumunta iyon.

Naglakad naman si Lotte papunta sa bintana. Sumilip siya roon at nahintakutan sa taas nito.

Maliban na lang kung—

"Aaaahhh!"

Ganoon na lang ang pagtili niya nang may tumapik sa balikat niya. Tumalon-talon pa siya at muntikan nang nahulog sa bintana kung hindi lang siya nahawakan ni Gawaine. Hinawakan naman nito ang kamay niya at hinapit siya papalapit sa katawan nito para hindi siya tuluyang mahulog.

Nakatingin naman siya rito na gulat na gulat pa rin. Ang lapit kasi ng mukha nito. Napatingin lang siya sa may ilong at labi nito.

Inihipan naman nito ang mukha niya. Agad namang lumayo si Lotte.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon