[34] In Which Lotte Steps Out to Northangia

965 82 16
                                    

EPISODE 34:
In Which Lotte Steps Out to Northangia

Lumipas ang ilang araw at wala pa ring nababalitaan si Lotte tungkol kay Rivendyll. Nagsisimula na siyang kabahan. Pinangako nito na babalik ito pagkatapos ng isa o dalawang araw, pero masyado naman atang kataka-taka na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpapakita.

"Harry," sabi ni Lotte nang pumasok siya sa sariling kwarto. "Hindi ba talaga pwede kahit sumilip lang? Mamamatay na ako rito sa kaiisip kung ano nang nangyari sa engot na 'yon. Wala pa rin ba siyang sinasabi?"

Umiling ito. "Pasensya na, ma poupée. Mahigpit na bilin sa akin ng engot na 'yon na walang susunod sa kanya. Nilapatan niya nga pati ako ng spell para hindi ko siya mapigilan eh. Hindi ko rin siya ma-locate kasi binura niya ang presensya niya para mahirapan din ang kalaban na hanapin siya."

Bumuga siya ng hangin at umupo sa dulo ng kama. "Harry. Paano kung may nangyari na palang masama sa kanya roon kaya hindi pa rin siya nakakabalik? Paano kung, sa mga oras na ito, kailangan na kailangan niya ng tulong natin? Paano kung nahuli na siya ng mga kalaban at—hindi ko na alam anong iisipin. Kailangan nating masiguro na ayos lang siya. Na, kaya lang siya natagalan ay dahil may inaasikaso lang siya, at hindi dahil sa napahamak na siya."

Saka hindi na baleng si Eloise ang kasama niya, sabi ni Lotte sa sarili, basta ba nasa maayos siyang kalagayan ngayon.

Mataman siyang tinitigan ni Harry. "Ma poupée, alam ko na madalas kaming mag-asaran ni Rivendyll, pero tiwala ako na hindi siya basta-basta na lang mapapahamak. Diba nga, inakala ng marami na patay na siya, tapos na-suspend lang pala siya dahil sa sumpa niya? Magiging maayos lang siya. Sa tingin ko."

"Tingnan mo, pati nga ikaw, hindi sigurado eh," sabi ni Lotte. "Wala naman sigurong mangyayari kung pupunta lang ako saglit sa Northangia para tingnan kung ayos lang ba siya roon. Babalik naman ako agad eh."

"Muntik ka na ngang naabutan noong taong 'yon kahit nasa portal ka pa, paano na lang kung nasa labas ka na ng Northangia?" sabi ni Harry. "Kung sakaling magkagulo o mahuli ka niya, hindi mo siya kayang labanan ng ikaw lang. Pero kung mananatili ka rito sa mansyon, ligtas ka."

Inis siyang tumayo. "Sige, hindi na ako magpupumilit na aalis at mananatili lang dito, pero may iba ba tayong pwedeng pakiusapan na sundan si Rivendyll doon?" sabi niya. Hindi nakasagot si Harry. "Wala na tayong ibang paraan. Si Muriel nga, hindi na natin alam kung mapapagkatiwalaan pa."

Napahilamos si Lotte sa mukha.

"Pasensya ka na," sabi ulit niya. "Alam ko gusto mo ring siguraduhing maayos lang ang lagay niya roon sa Northangia, pero sa sitwasyon natin ngayon, pareho lang din tayong walang magawa."

Tumango si Harry. "Ayos lang, ma poupée. Ang totoo nga niyan, natutuwa ako dahil kahit papaano may nag-aalala pa rin sa kanya."

Maang naman na napatingin si Lotte rito. "A-anong ibig mong sabihin?"

Nagkibit-balikat ito. "Kita mo naman 'yung mga kapatid niya diba? Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam, pero parang wala man lang naghahanap sa kanya."

"'Yun nga din ang pinagtaka ko eh," sabi ni Lotte. "Pero naisip ko na baka siguro sanay lang sila na laging may isang umaalis sa kanila at hindi bumabalik ng ilang araw."

"Ganoon na nga, ma poupée," sabi ni Harry. "Halos wala silang pakialamanan sa buhay ng isa't-isa. Para bang iba't-ibang tao lang sila na nakatira sa iisang bubong, pero hindi naman talaga pamilya. Hindi sila nag-alisan pero para bang nandito lang sila sa mansyon dahil wala silang ibang pagpipilian. At ngayon, nandito ka, at sinisiguro mo na maayos silang lahat sa kabila ng mga ugali nila, lalo na kay Rivendyll. Hindi sa natutuwa ako na makita kang nag-aalala, pero—"

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon