EPISODE 62:
In Which Finnley Becomes the Head of the House"Aalis kami ni Lewis pansamantala. Ngunit hindi pa namin alam kung kailan kami makakabalik."
Gulat namang napatingin ang lahat kay Rivendyll nang sinabi nito ang mga salitang iyon. Ang iba naman, ay napasulyap kay Lewis na nakatayo sa likuran ni Rivendyll. Madilim ang mukha nito. Lahat ng mga nandoon sa main hall ay natahimik lang at hindi makapagsalita.
Si Lotte ang unang bumasag sa katahimikan. "S-saan pala kayo pupunta?"
Ang ibang mga mata ay napunta sa kanya, kabilang na ang kay Rivendyll. Lahat ng mga magkakapatid, maliban kay Gawaine na hindi nila mapalabas sa kwarto nito, ay nasa sala dahil nagtawag ng pulong si Rivendyll para kausapin ang mga ito. Hindi naman nila alam kung para saan, kaya nagulat sila nang sabihin nito iyon.
"Oo nga," sabi ni Muriel. "Bakit kailangang kayong dalawa talaga?"
"Hindi niyo ba kami isasama?" sabi ni Finnley naman. Sinamaan naman ito ng tingin ng dalawang nakakatandang kapatid kaya ngumiti lang ito ng alanganin.
"Hindi kami aalis para mamasyal. Pupunta kami sa Conseil des Mages," sabi ni Lewis.
Nanlaki naman pareho ang mga mata nina Finnley at Muriel. "Conseil des Mages?" sabay-sabay na ulit naman ng mga ito.
"Oo. Iyong pagtitipon ng mgaapat na taon," sabi ni Rivendyll. Nagbuntong-hininga ito. "Dahil ako na ang Head of the House at si Lewis ang substitute, kaming dalawa ang kailangang pumunta roon."
Nagtaas naman ng kamay si Uno. "Kailangan talaga kayong pumunta? Akala ko wala ng mages na natitira sa mundo maliban sa iilan—gaya natin."
"May iilan pa nga. At sa mga panahon ngayon, mas kailangan natin ang suporta ng ibang mga mages. Kaya kailangan naming pumunta," sabi ni Rivendyll. Umiling ito. "Saka, pustahan na pupunta rin doon ang mga huklubang Magoria na nagtatago ngayon, kaya kailangan naming magpakita, alam niyo 'yon."
"R-rivendyll," mahinang tawag ni Lewis dito na hindi yata alam kung sisitahin ang kapatid o matatawa sa tawag nito sa mga elders ng angkan nila.
Muling bumuga ng hangin si Rivendyll. "Bakit? Ikaw din naman, diba, ayaw mong pumunta roon?"
Tumango si Lewis na nanlabi. "Syempre. Sino bang may gusto? Pero noong huli mong tinawag na hukluban ang mga elders, kinulong ka ni Papa sa kwarto sa loob ng isang linggo," sabi nito. Natawa naman pareho ang dalawa sa naalala.
"Syempre. Sigurado akong may sasabihin na naman ang mga 'yon sa'tin, na para talagang may naitulong sila sa'tin kahit konti," sabi naman ni Rivendyll. "Pero tama ka naman. Kahit papaano, dapat tratuhin pa rin sila nang may paggalang. Pupunta rin kasi ang mga elders ng mga angkan ng mga mages doon, kabilang na ang mga Magoria elders, at hahanapin nila tayo kung sakaling di tayo sumipot."
Muling natahimik ang mga tao sa main hall. Hanggang sa muling nagsalita si Lotte.
"Mga—ilang araw ba ang itatagal ng Conseil des Mages?" sabi niya.
"Iyon na nga. Hindi pa namin alam," sagot ni Rivendyll.
"Usually kasi tumatagal iyon ng isang linggo, o minsan, higit pa," sabi naman ni Lewis.
Namilog ang mga mata ni Lotte. "Eh? Ganoon katagal?"
"Syempre, minsan lang magkikita-kita ang pinuno ng mga mage clans sa mundo kaya naman matagal talaga matapos ang usapan," sabi ni Rivendyll. "Lalo na ngayon."
"Tsaka, hindi rin namin alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Conseil ngayon, lalo pa't nagtatago ang lahat, diba?" sabi ni Lewis. "Baka sabihin na 'yon sa amin habang papunta kami. O sa araw bago ang pagsisimula ng Conseil."
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
FantasyGuguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...