EPISODE 32:
In Which Lotte Discovers the Hall of PortalsMaang namang napatitig si Lotte dito. Hindi siya agad makapagsalita pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. Nakatitig lang si Rivendyll sa kisame habang pinaglalaruan ang mga paa nitong nakataas sa ere.
"Kung ganoon, buhay pa ang taong 'yon hanggang ngayon?" sabi ni Lotte rito. "Hindi ba nangyari 'yong kay Cosette Magoria mga ilang daang taon na ang nakakalipas?"
"Ganyan siya katagal nabuhay," ani Rivendyll. "Kaya lang, tingin ko ay nahimbing din siya ng mahabang panahon. Dahil kung pinatawan niya ng sumpa ang dating Head of the House, nagawa rin siyang gantihan nito."
Napatango naman si Lotte. Kung ganoon, mas nanganganib na pala ang buhay niya ngayon. Bukod sa banta ng pagiging phantom niya, malamang magiging target na rin siya ng Solitaire na 'yon nang dahil lang sa siya ang may-ari ngayon ng Zeroth Seal.
"Rivendyll," tawag niya rito. Tumango lang ito. "Gaano ba kalakas ang taong ito?"
"Malakas," sagot nito. "Sa sobrang lakas, siya lang ang kaisa-isang mage na pinayagan ng World Sovereign na mabuhay. Kaya lang naman kasi niyang pumatay ng tao o sirain ang mundo sa isang kumpas lang ng kamay niya."
"Bearer din ba siya ng isang Arcane Seal?"
Gumuhit ang isang madilim na ngiti sa labi nito. "Oo. At siya lang din ang bearer na may kapangyarihang kontrolin ang ibang mga arcane seals, bukod sa may ari ng Zeroth Seal. May lapis at papel ka ba? Gagawa na ako ng plano para makabalik ako sa normal sa lalong madaling panahon."
***
Habang abala sa pagguguhit si Rivendyll ng kung ano sa kama, ay nakaupo lang si Lotte sa silya sa isang banda at nagbabasa ng libro. Nakaipit pa ang lapis sa gitna ng ilong at nakangusong bibig nito. Natawa siya ng konti sa ka-cutean nito.
"Tatawa-tawa itong si Carlotta, parang baliw," bulong nito na inalis ang lapis para magsulat ulit. Ibinaba naman ni Charlotte ang libro at tinaliman ito ng tingin. "Wala ka bang ibang gagawin?"
"Wala pa. Mamaya pa ako magluluto, ang aga pa eh," sagot niya. "Pinaliguan ko na rin ang triplets. At for the first time ata, hindi sila nagmatigas. Tahimik lang sila at nakinig sa lahat ng sinabi ko."
"Lagi ka ba nilang binibigyan ng sakit ng ulo?"
Nanlabi siya. "Noong una. Pero natutunan ko na rin na basta ba nakaligo, nakakain, at nakatulog lang sila ng sapat, hinahayaan ko na lang muna sila. Ayaw din naman kasi nila na masyado akong lumalapit eh. Basta ba alam ko kung nasaan sila at anong ginagawa. Madalas nasa main hall lang naman sila o di kaya nasa kwarto. Pero sa totoo lang, hindi pa rin sapat 'yon."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa edad nilang 'yan, kailangan nila na may laging nandyan para sa kanila. Hindi ko na nga nagagawa ng maayos 'yon," sabi niya na sumeryoso ng konti. Tumayo naman si Lotte saka sumilip sa hallway. "Nakasara pa rin ang pinto ng kwarto nila. Hindi maganda 'to."
"Anong hindi maganda?"
Bumuga ng hangin si Lotte. "Kapag nakakulong sila sa kwarto ng ilang oras o ilang araw, isa lang ang ibig sabihin niyan: may pinaplano na naman silang kalokohan."
Umupo naman ng maayos si Rivendyll at naghalukipkip. Pero nasorpresa si Lotte nang makita itong nakangiti. "Ginagawa nila 'yon?"
"Ang alin?" kunot-noong tanong ni Lotte. "Mga kalokohan at pranks nila? Oo. Madalas."
"Talaga?" anito na natawa ng konti.
"Oo nga. Ilang beses nga akong nabiktima ng mga kalokohan nila eh," sabi ni Lotte. Tumawa naman itong lalo. "Anong nakakatawa? Hindi nakakabuti para sa isang bata ang maraming alam na kalokohan."
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
FantasyGuguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...