[28] In Which Lotte Receives a Letter from Perrine

1.6K 128 109
                                    

EPISODE 28:
In Which Lotte Receives a Letter from Perrine

"N-natural magical ability?" ulit naman ni Lotte.

"Kada mage, may kanya-kanyang magical skill na unique sa kanya, or at least, unique sa iilang tao," sabi nito. "Halimbawa, gaya ni Finnley na may musical magic at ni Harry na may X-Ray vision."

"Dinamay mo na naman ako," singit ni Harry.

"Mas makapangyarihan ang mage, mas marami silang kayang gawin. Kagaya halimbawa ni Levine," sabi ni Rivendyll na hindi pinansin si Harry.

"Iba pa ba 'yon sa arcane seals?" tanong ni Lotte naman.

"Oo."

"Natural magical ability, huh," sabi niya na nanlumo ng konti. "Wala ata ako niyon eh."

"Lalabas din 'yon kapag nagtagal. At 'yan ang dahilan, Carlotta, kung bakit ako nagdalawang isip kanina na turuan ka ng magic," sabi ni Rivendyll.

"Ang alin?" kunot-noong tanong niya.

"Masyadong mahina ang loob mo," diretsahang sabi nito.

Napapalatak siya. Aminado naman siya na nasaktan sa sinabi nito. Tinaliman niya ito ng tingin.

"Kung mahina ang loob ko, eh di sana—" panimula niya pero umiling na lang siya. "Hindi mo na lang ako ngayon pinipintasan sa itsura. Pati ba naman pagkatao ko."

"At ang bilis mo ring magtampo," sabi nito. "Ang gusto kong sabihin sa'yo, hintayin mo na lumabas 'yung natural magical ability mo. Kasi kung wala ka niyon eh di sana hindi ka nagtagal ng ganito kahaba sa mundong ito. At hinding-hindi rin kita tuturuan kung iniisip kong wala kang potensyal. Magkaroon ka naman ng bilib sa sarili mo kahit konti. Pintas ba 'yon?"

Tiningnan naman ni Lotte si Rivendyll. Iniabot nito sa kanya ang wand. Dahan-dahan naman niyang kinuha 'yon.

"So ito ang gagamitin ko sa pag-cast ng spell?" sagot niya na itinaas ang wand.

"Hindi, gawin mo 'yang chopsticks," sarkastiko ulit na sagot nito. Natawa naman si Lotte nang hindi sinasadya. "Tapos ngayon tumatawa ka. Kanina lang nagagalit ka. Abnormal ka rin no?"

"Dalawa ang kailangan mo para maging chopsticks ito," sagot ni Lotte.

Inikot naman ni Rivendyll, kaya tinakpan na niya ang bibig para hindi matawa. Itinaas niya ang wand at iwinagayway sa ere tulad ng nakikita niya sa TV dati. Otomatiko namang napayuko si Rivendyll.

"Anong ginagawa mo?"

"Sinusubukan ko lang kung may lalabas ba?" sabi niya.

Bumuga naman ito ng hangin. "Hindi porke't hawak mo na 'yang stick na binigay ko, may mapapalabas ka na diyan agad. Kailangan mong trabahuin 'yan."

Humagikgik si Harry sa tabi bigla. Kunot-noo nila itong binalingan. Itinaas nito ang kamay. "Wala. Ipagpatuloy niyo lang."

"Anong ibig mong sabihin na 'trabahuin'?" tanong ni Lotte.

"Ganito 'yan. Sabi ko, lahat ng tao may pag-asa gumamit ng magic, pero hindi lahat ng tao nagtatagumpay na gamitin ito. Depende 'yan sa lakas ng loob at magical power na meron ka," sabi ni Rivendyll. "Ngayon natin malalaman kung kaya mo ba talagang gumamit ng magic. Kapag nagawang mag-react ng wand sa'yo, may pag-asa kang maging isang ganap na mage."

"P-paano kung hindi?"

"Ibig sabihin wala kang kakayahan na gumamit ng magic," sabi ni Rivendyll. Natahimik ulit si Lotte. "Ano, itutuloy pa ba natin 'to?"

Hindi agad sumagot si Lotte. Kung gusto niyang bumalik sa mundo niya at mabuhay pa, ay kailangan niyang matuto ng kahit konting magic para sa Arcane Seal niya. Bumuntong-hininga siya.

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon