[77] In Which the Cursed Ritual Goes Underway

954 64 77
                                    

EPISODE 77:

In Which the Cursed Ritual Goes Underway

Naghanda na si Lotte para labanan si Grigori. Alam niyang wala siyang laban dito, lalo pa't nakita na niya kung paano ito makipaglaban kanina, ngunit hindi siya titiklop na lang.

"O? Lalabanan mo talaga ako, binibini?" sabi ni Grigori. Ngumisi ito. "Sige nga tingnan natin ang babaeng di umano'y blinackmail ang prinsipe ng Northangia."

Kumunot ang noo niya. "Paano mo nalaman 'yan?"

"Syempre. Mabilis kumalat ang balita. Ang tsismis sa Northangia, ay umabot na sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Sa inis ba naman ng prinsipe siguro," sabi ni Grigori. "O baka naman kampante ka lang noon dahil nasa tabi mo ang Ancient Archmage na si Liddell?"

"Nandito man si Liddell o wala, hindi mo pa rin ako mapapasunod," sabi ni Lotte.

Pumikit ito at umiling. "Ganoon ba? Sige nga, tingnan natin."

Huminga ng malalim si Lotte at sumugod dito. "Haaah!"

Alam niya na medyo katangahan ang sumugod na walang sandata. Pero ang layunin lang niya ay lituhin ito at gamitin iyong paraan para makalabas ng pinto. Ngunit tulad ng inaasahan niya ay wala nitong kahirap-hirap na iniwasan 'yon.

Muli niyang sinubukang sumuntok. Ngunit para lang itong nagsasayaw sa hangin habang iniilagan nito ang bawat pag-atake niya.

"Eh, 'yan lang ba ang kaya mo? Nakaka-bored naman," sabi nito.

Hindi sumagot si Lotte at sa halip ay sinipat ang vase na nasa ibabaw ng isang dresser.

Ngayon na, sabi ni Lotte sa isipan at madaling kinuha ang vase para ipukpok dito. Ngunit nahulaan agad nito ang gagawin niya kaya naman ay napigilan nito ang kamay niya.

"Seryoso ka ba?" ani Grigori na natatawa.

Muli ay hindi sumagot si Lotte. Pinakiramdaman niya ang kamay.

Pinag-usapan na nila ni Nathan kung paano niya magagamit ang kapangyarihan nito. Kaya naman ay alam na niya anong gagawin.

Nang mabitawan niya ang vase ay ginamit niya iyong pagkakataon para masuntok ito sa mukha, gamit ang isang kamay.

"Arcum Sigillum—Diabolus!" sigaw niya.

Tumilapon si Grigori sa kabilang bahagi ng pader. Nagulat naman si Lotte sa nangyari. Kahit na inaasahan na niya iyon, hindi naman talaga niya in-expect na ganoon kalakas ang magiging impact.

Naalala niya ang sinabi ni Nathan sa kanya kanina.

***

"I-ibibigay mo sa akin ang Arcane Seal mo?" hindi-makapaniwalang sabi ni Lotte rito habang nakaupo siya sa mesa. Nakatayo naman ito at nakasandal lang sa pader.

"Narinig mo ang sinabi ko, diba?" pasupladong sagot nito.

Umiling si Lotte. "Oo, alam ko, alam ko! Pero—hindi ako makapaniwalang ibibigay mo sa'kin ang consent niyon. H-hindi ba 'yon kinuha sa'yo ni Solitaire?"

"Hindi," sagot nito. "Wala sa usapan namin na ibibigay ko sa kanya ang Arcane Seal ko. Pero napagtanto ko rin kung bakit—may paraan pala na makuha niya ang Arcane Seal kahit patay na ang bearer nito. Hindi niya kailangan ng consent ko."

Napaawang naman ang bibig ni Lotte.

Bumaling ito sa kanya. "So ano, kukunin mo ba?"

"E-eh—kasi—"

"Ayaw mo?"

"Hindi! S-syempre naman, gusto, pero paano ko ba gagamitin 'yon?" sabi ni Lotte. "Ano bang abilities ng Arcane Seal mo? M-magkakaroon din ba ako ng mala-blood demon na abilities?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon