EPISODE 19:
In Which Lotte is Frustrated With Her Newest EmployerNoong gabing 'yon pagkatapos ng mga nangyari ay hinainan ni Lotte ang iba pang magkakapatid ng hapunan. Hindi naman lahat pumunta roon para kumain, hindi na kasi nagpakita sina Nathan at Gawaine noong gabing 'yon. Pero hindi na rin sila tuluyang naglayas sa kung anong dahilan.
Sa pamimilit ni Lewis ay walang nagawa si Heath kundi kumain kasama nila. Sina Hadi at ang triplets ay hindi na rin kumain dahil nakapaghapunan na naman ang mga ito bago pa dumating si Levine at binigyan pa ni Muriel ng kakanin pagkatapos. Kaya dinala na lang nila ni Lotte ang mga ito sa sari-sariling kwarto at pinatulog.
Naiwan doon sina Lotte, Lewis, Heath, Uno, Finnley, at Muriel. Dahil na rin sa pagod ay halos maubos ng mga ito ang pagkain. Pagkatapos ng hapunan ay nilapatan ng bandage at gamot ni Lotte ang mga ito, maliban kay Heath na dali-daling bumalik sa silid nito pagkatapos ng kainan.
Sinubukan naman ni Lotte na katukin sina Nathan at Gawaine pero sinabihan siya ni Lewis na hayaan na lang ang dalawa, dahil, hindi rin naman makikinig ang mga ito.
Nang pumanhik na sila sa kanya-kanyang mga silid, ay napansin ni Lotte na maliwanag pa rin ang library room. Sisilip sana siya roon pero naalala niya na doon pala tumuloy si Rivendyll. Kaya pumasok na lang siya sa sarili niyang kwarto, habang si Rivendyll naman ay ginugol ang buong gabi sa library.
Pero nang sumapit ang umaga ay doon na magsisimula ang kalbaryo niya sa kamay ni Rivendyll.
Naghahain siya ng pagkain sa magkakapatid para sa agahan. Bihis na ang ilan sa mga ito, lalo na sina Finnley at Muriel na magtatrabaho pa kung saan. Pati si Lewis ay bihis rin, pupunta na naman yata ito sa lugar na lagi nitong pinupuntahan araw-araw.
Noong una ay parang ordinaryong araw lang iyon. As usual, ang iingay ng mga ito habang kumain—nag-uusap, nagtatawanan, at nagbibiruan. Subalit nang pumasok si Rivendyll sa dining room ay saka parang bumalik sa isip ni Lotte ang mga nangyari kagabi.
Umupo ito sa dulo ng mesa. Sa tabi niya. At dahil nakalimutan niyang may isa pa palang tao na kakain ay muli siyang tumayo at kumuha ng plato.
Ihahain niya ito sa harap ni Rivendyll. Syempre, magpapasilbi ito. Klinaro na nito sa kanya kagabi na nagtatrabaho lang siya doon, at ito, amo na rin niya.
Tinambakan niya ang plato nito ng itlog, bacon, at tinapay. Ganoon karami dahil sanay na siya sa mga kapatid nito na ang lalakas lumamon.
Pero nang ilapag niya ito sa harap ni Rivendyll ay tiningnan siya nito ng malamig. "Ang dami naman nito. Gusto mo ba akong mabulunan?" sabi nito. "Bawasan mo 'yan. Kung makapagbigay ka ng pagkain parang baboy 'yung taong kakain. Ibigay mo kay Muriel 'yung sobra, baka gusto niya."
Napalingon naman si Muriel sa kanila na nabigla sa pagbanggit ng pangalan nito. Kinuha naman ni Lotte ang plato na napailing ng konti saka inilagay sa bakanteng bandehado ang iba sa mga pagkain. Dinala niya iyon pero sumaglit siya kay Muriel at inalok dito ang nasa bandehado.
Marahan itong umiling. Pero bakas naman sa mukha nito na gusto nga yata nitong kumain pa pero ayaw nitong ma-alaska ni Rivendyll. Napailing naman si Lotte na nainis rin sa kapatid nito.
Lumapit siya kay Muriel. "'Wag mo siyang intindihin," bulong ni Lotte dito. "Gusto mo ibalot ko na lang 'to para ibaon mo sa trabaho?"
Bumaling naman sa kanya si Muriel. Tumango ito at for the first time, ay ngumiti ito sa kanya. Kinindatan niya ito bilang sagot na may kasamang ngiti.
Itinabi niya nga ang pagkain at inilagay sa baunan para dalhin ni Muriel maya-maya.
Nang matapos nang kumain ang iba pa ay tumayo na si Lotte para maglinis ng hapagkainan pero napansin niyang nandoon pa pala si Rivendyll. Paubos na ang pagkain nito, kaya hihintayin na lang sana niya itong matapos. At nang matapos ito ay tinulak nito sa kanya ang plato.
BINABASA MO ANG
Phantasmagoria (Wattys2018 Winner)
FantasíaGuguho ang mundo ni Lotte sa biglaang pagpanaw ng kanyang tiyahin na siyang umaruga sa kanya mula pagkabata. Sa desperasyon niya na makakita ng bahay na matutuluyan, ay mapapasubo siya sa trabahong alok ng isang mahiwagang matanda: ang maging isang...