Chapter 1

27.5K 453 14
                                    


***********

"Lia, pinapatawag ka ni Sir Juls." Ani ni Aling Emma. Ang magluluto sa Mansyon ng Montemayor. Ano na naman kayang problema ng Julito na 'yon.

Nagtungo ako sa kanyang silid. Nang makarating ay kinatok ko muna ang kanyang pinto.

"Pasok." Matigas nitong wika galing sa likod ng pinto. Pinihit ko ang door knob nito. Sabay ng pagbukas nito ang paglaglag ng aking panga at pagluwa ng aking mata. Paano ba naman ay hubad na katawan ni Julito ang tumambad sa akin. Tanging brief na lamang ang suot nito at kitang kita ko ang maumbok na bagay na bumabakat doon. Napapikit ako.

"Hindi ka ba pwedeng magdamit?" Iritableng tanong ko dito.

"Really Lia? You've seen me doing the pleasure to girls but you're still bothered with my naked body? Gano'n ba talaga kalakas ang dating ko?" Pagmamayabang nito habang nagsusuot ng kanyang damit. Inirapan ko siya. Oo na. Maraming beses ko na ngang nasaksihan ang pakikipaglampungan niya sa iba't ibang babae pero ewan ko ba bakit naaasiwa pa din ako sa katawan niya.

"Walanghiya ka kasing amo! Sa tuwing bibigyan mo ako ng oras ng paglilinis eh ityinityempo mo ng may katalik ka!" Mahinang sigaw ko dit at tinawanan naman ako. Simula nang nahuli ko siya sa ganoong sitwasyon eh kinaibigan ako ng mokong at ayon. Ginawang panakip butas para daw hindi mag-isip ng masama ang kanyang mga magulang.

Disiplinado ang kanyang ama't ina kaya hindi maaari na makipagtalik siya sa kahit na sino unless kasal siya rito.

"Ano nga palang kailangan mo sa akin?" Takang tanong ko dito. Tumitig siya sa akin at dahan dahang lumapit. Sinamaan ko ito ng tingin. Hindi ako natinag dahil nakasandal ako sa pintuan. Mahilig maglaro itong si Julito kaya hinding-hindi ako mabibihag ng kamandag niya.

Nakita ko ang pag-angat ng kanyang labi at sumilay ang nakakalokong ngisi nang naikulong niya na ako sa kanayng mga bisig.

"Julito." Tawag ko dito na siyang ipinagtiim bagang niya. Ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang Julito. Ako lang naman ang tumatawag no'n sa kanya. Ngumisi din ako dito.

"You. Stop calling me by that name. My name is Julius and not Julito!" Madiin niyang wika sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Pinakawalan niya ako sa inis.

"Hindi ka ba mag-aaral?" tanong nito sa akin. Oo na pala. Gusto kong mag-aral ng kolehiyo ngunit dahil sa hirap ng buhay eh hindi ko nagawa. May trabaho naman ako ngayon, papakiusapan ko muna ang mga magulang niya.

"Gusto ko sana. Kaso hindi ko pa alam kung papayagan ako nila Ma'am Jina." Sagot ko sa kanya.

"I can talk to them." Pag-aalok niya sa akin.

"Hindi na. Ako na lang ang kakausap sa kanila." Ngumiti ako sa kanya.

"Are you going to enroll on my school?" Tanong niya pa.

Nag-aaral siya sa prestihiyosong eskwelahan at sobrang mahal ng matrikula doon.

"Nako! Ang mahal mahal kaya ng matrikula sa school mo Juli- Juls." Tumatawa kong sagot sa kanya ng makita ko ang pagkunot ng noo niya.

Naglakad ako at umupo sa upuan ng kanyang study table.

"I'll help you on your payments." Pamimilit nito sa akin. Hindi ko maisip ang dahilan kung bakit niya ito pinipilit sa akin. Nanliit ang mata ko sa kanya.

"Bakit mo ba 'to ipinagpipilitan? Wag mong sabihin na crush mo ko." Sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

"You know mom and dad. Natitiyak kong kung kakausapin mo sila eh doon ka nila irerecommend. They want someone to watch me studying cover to cover." Humalakhak siya. Isang halakhak na ang tulad niyang mala-adonis ang makakagawa.

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon